Chapter 2Meet the Genie Ghost
Terrence POV
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Nasisilaw ako sa liwanag.
Napabalikwas kaagad ako ng maalala ko 'yung nangyari. Inikot ko ang paningin ko at napansin ko na nasa loob pala ako ng kwarto ko.
T-teka! Paano ako napunta dito?
Tatayo sana ako sa kama pero di ko magawa dahil sobrang sakit ng katawan ko. Napabalik tuloy ako sa pag-higa.
"Humanda talaga kayo sakin! Oras na makita ko ulit kayo, manghihiram kayo ng mukha sa aso. Tssss!" inis na sabi ko sabay suntok doon sa headboard ng kama
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang tatlo kong magagaling na kaibigan.
"Woah! Gising ka na pala. Akala ko di ka na gigising eh! Ipapahalik na sana kita para lang magising ka na. Sayang tuloy! Whahahaha." tatawa-tawang sabi ni Ace habang nakatingin sakin na para bang mas inaasar pa lalo ako
"Pag ako nakatayo dito Ace ikaw ang una kong paglalabasan ng init ng ulo ko!" iritable kong sabi sa kanya at sinamaan ko sya ng tingin
Nagtago sya bigla sa likod ni Sky dahil sa ginawa kong pananakot sa kanya.
Iyon si Ace Austin Lewis. Ang pinaka-pasaway at isip bata sa aming grupo. Di ko nga alam kung bakit ko naging kaibigan yan. Masyadong childish ang mga act minsan at di ko na masakyan ang mga trip nya sa buhay. Pinagpipilitan nya ding mas gwapo sya sa akin eh ni wala pa sa hinliliit ko ang itsura nya. Pero kahit ganyan 'yan, alam kong totoo ko syang kaibigan.
"Doon ka nga Ace! Nilulukot mo 'yung uniform ko." sabi naman ni Sky sabay tanggal ng kamay ni Ace na naka-kapit sa uniform nya
"Eto naman! Si Papa Sky naman oh! Naglalambing lang ako eh. Pa-kiss nga." pang-aasar ni Ace kay Sky
"Nababading ka na talaga! Doon ka nga." nandidiring sabi ni Sky
"Etong mukha ko? Di ako bading noh. Nakakapagtampo ka naman. Ang KJ neto." pang-aasar ulit ni Ace sa kanya
Si Sky naman ay panay ang iwas ng mukha. Hahahaha. Napapa-iling na lang ako habang pinapanood ko silang magkasatan.
Iyon naman si Skyler Ford. Ang Mr. Nice Guy ng grupo. Kulang na lang daiigin ang santo sa sobrang kabaitan. Wag nyo akong tanungin kung paano ko yan naging kaibigan. Kasi kahit ako di ko alam kung paano. Well, magkasundo naman kami pero naiinis lang ako minsan kapag pinipigilan nya ako sa mga gusto kong gawin. Kesyo, wag daw, masama daw 'yun. Oh diba? Sabi ko nga sa kanya bakit di nya subukang pumasok sa seminaryo. For sure, pasok na pasok sya dun.
Pero kahit magkalayong-magkalayo ang attitude naming dalawa, magkasundo kami sa lahat ng bagay. Syempre except lang sa mga kalokohan ko.
Natigilan kaming lahat ng biglang mag-ring ang phone ni Trevor.
"Here we go again!" sabay-sabay kaming tatlo sabay tingin kay Trevor na busy sa kausap nya sa phone.
Nakita ko na pangisi-ngisi pa sya habang kausap yung babae sa cellphone nya. Tsk Tsk! Lagi na lang talaga.
Sya naman si Trevor Ivan Knight. Ang boyfriend ng bayan. Maya't-maya kung mag-palit ng babae. Yung iba di nga tumatagal ng ilang minuto tapos hihiwalayan na nya kaagad. Ewan ko ba kung bakit nagka-ganyan yan. Wala pang babaeng sineryoso.
"Okay babe! See you later. Be ready, walang tulugan mamaya okay? Bye!" sabi ni Trevor habang nakangisi sa aming lahat.
"Hoy Mr. Knight, don't tell me makikipag-one night stand ka na naman sa bago mong girlfriend?! Paano kung mabuntis mo yun? Or pano kung magkasakit ka dahil sa dami na ng babaeng nagalaw mo. Paano----------" di na nagawang tapusin ni Sky ang sasabihin nya ng takpan kaagad ni Trevor ang bibig nya.
BINABASA MO ANG
Oh My Genie Ghost! [RomCom] [Humor]
HumorWhat will happen if a ghost gives you two wishes? Will you use it to make the things right or to make the things worst? And is it possible that a man can fall in love with a ghost? [Cover Created by: btswifegfx] [Collaboration with: johncris14]