Chapter 18
Just an Ordinary Day
Nasa sala si Terrence ng kanilang bahay at kasalukuyang nanood ng basketball. Kanina pa napapansin ng binata na nakamasid sa kanya ang kanyang grandma na parang may gustong sabihin sa kanya pero tila nagdadalawang isip pa 'to kung lalapitan ba siya.
Sa loob-loob ng binata ay kanina pa ito natatawa sa kanyang grandma pero pinipigilan nito ang sarili na humagalpak sa tawa. Itinuon na lang nya ang atensyon sa panonood nya.
Nasa kainitan na ang laban ng basketball na pinapanood ni Terrence at nasa kainitan na din ang babaeng nasa tabi nya. Paano ba naman kasi, para itong die hard fan ng mga basketbolistang pinapanood nila sa telebisyon. Sigaw ito ng sigaw at with matching actions pa ang kilos nito.
"WOOOOHH!!! THREE POINTS FOR THE WIN!!!" Sabi ni Ginny na tuwang-tuwa at umakto pa na parang may hawak din itong bola na magsho-shoot sa ring.
Mabuti na lang at si Terrence lamang ang nakakakita at nakakarinig kay Ginny dahil kung hindi marami na itong nabulabog sa sobrang ingay nito.
Pero imbes na mainis at magalit si Terrence kay Ginny dahil sa ingay nito ay iba ang nararamdaman nya ng mga sandaling iyon. Kung tuusin nga halos kalahati ng atensiyon niya ay naka'y Ginny dahil tuwang-tuwa syang pagmasdan ang mga eksaheradang reaksyon neto sa tuwing makaka-shoot ang koponan na pinapaboran neto.
Sa sobrang pag-eenjoy ng binata sa palihim na pagsilay kay Ginny at nagulat na lang ito ng biglang may umupo sa tabi nito.
"WHAT THE F***! Grandma, ginugulat mo naman ako." Sabi ni Terrence habang hawak ang dibdib sa pagkagulat dahil sa biglaang pagtabi sa kanya ng kanyang grandma
"Susmaryosep kang bata! Kahit ako aatakihin din sa naging reaksyon mo." Balik na tugon ni Lourdes sa kanyang apo dahil kahit maging ito ay nagulat din sa biglaang pagkagulat ni Terrence.
Pinaghahampas tuloy ni Lourdes ang kanyang apo sa tagiliran dahil sa gulat. Pero natigilan na lamang sya ng bigla syang yakapin ng kanyang apo. "Sorry na, Grandma. Ikaw naman kasi eh binibigla mo ako. Hindi ko lang talaga biglang inasahan na finally lalapit ka na din sakin after ng mga hesitations mo kung lalapit ka na ba sakin." Natatawang sabi ni Terrence habang yakap-yakap ng mahigpit ang kanyang lola na para bang pinang-gigigilan ito.
Napangiti na lang si Lourdes dahil sa inasal ng kanyang pinakamamahal na apo. Sobrang laki na talaga ng pinagbago nito. Dati-rati sa mga ganitong pagkakataon ay sunod-sunod na mura ang maririnig nya sa bibig ng kanyang apo kapag nagugulat ito pero ngayon ay naglalambing pa 'to sa kanya. Walang mapagsidlan ng saya ang kanyang puso sa pagbabago ng kanyang apo.
"Ikaw talagang bata ka." Natatawa na ding turan ni Lourdes sa kanyang apo at gumanti din ng mahigpit na yakap sa kanyang apo.
"Ano bang iniisip nyo grandma at parang kanina pa kayo di mapakali sa tabi?" Tanong ni Terrence at parang on cue na bumitaw mula sa pagkakayap ang kanyang grandma at biglang nagpa-cute ito na parang isang bata.
Alam na alam na ni Terrence kung anong ginagawa ng kanyang lola. Ganitong mukha ang ginagawa nito kapag may hihingin na pabor sa kanya.
"Pwede mo bang samahan si lola pumuntang supermarket? Kailangan na nating bumili ng stocks natin sa kusina." Mas lalo pang nagpa-cute ang kanyang grandma and this time nakanguso pa ito na parang teenager na nagpapacute sa boyfriend nito.
Biglang nakaisip ng kalokohan si Terrence dahil sa ginagawa ng kanyang lola. Nagkunwari syang hindi sang-ayon sa gustong mangyari ng kanyang grandma. Kumunot ang kanyang noo para ipakita sa kanyang lola na hindi nya gusto ang lumabas sa mga panahong iyon. Pero kung tutuusin sang-ayon naman na talaga ang binata dahil gusto din nitong maka-bonding ang kanyang lola. Sadyang nagpapakipot lamang ito para malaman kung hanggang saan ang kayang gawin ng kanyang lola para mapa-oo lamang sya.
BINABASA MO ANG
Oh My Genie Ghost! [RomCom] [Humor]
HumorWhat will happen if a ghost gives you two wishes? Will you use it to make the things right or to make the things worst? And is it possible that a man can fall in love with a ghost? [Cover Created by: btswifegfx] [Collaboration with: johncris14]