Chapter 13 Realizations

254 14 4
                                    


Basahin niyo po yung note sa baba. Salamat.

Again, pagpasensiyahan niyo na ult ang typo's at wrong grammar. Tsaka na lang namin aayusin yan. Kapag talaga dalawang tamad na writer ang nagsama ay walang mangyayaring maganda. Hahaha. XD!

Chapter 13

Realizations

Terrence POV

Balisang-balisa ang pakiramdam ko ngayon habang pinagmamasdan si grandma na nakahiga sa kanyang hospital bed.

Sabi nila okay na daw ang kondisyon niya at wala naman daw nangyaring masama sa kanya. Sadyang inatake lang daw siya kanina at dahil sa sobrang gulat ay nahimatay na lang daw ito.

Kahit alam kong okay na ang lagay niya ay hindi pa din ako mapakali.

Kailangan makita ko na okay na talaga si grandma. Kailangan makita kong gising siya para kumalma ako.

I can't bear to lose grandma. Siya na lang ang meron ako at hindi ko na alam ang gagawin ko kung pati siya ay mawawala sa akin.

Sumandal ako sa upuan habang hawak-hawak ng mahigpit ang kamay ni grandma.

Nagbabadya ng tumulo ang luha mula saking mata pero pinipigilan ko na tumulo ito. Kailangan kong magpakatatag. Kailangan maging malakas ako sa mga oras na 'to para ipakita kay grandma na ayos lang ako.

"P-Please! W-Wag niyo kong iwan. I swear magpapakabait na talaga ako. Susundin ko na lahat ng sasabihin niyo basta wag niyo lang akong iwan. Please."

Hindi niya na kaya ang nararamdamang emosyon kaya napadukmo na lang siya sa hospital bed at doon ibinuhos ang lahat ng sakit at tkot na nararamdaman niya.

Then biglang bumalik sa alaala ko ang nangyari sa pagitan namin ni Ginny.


Nang mabitawan ko ang maliit na botelya ay natigilan ako. Muntikan na itong mabasag at buti na lang ay may biglang sumalo na unan para hindi ito mabasag.

Sa tuwing naiisip ko na siya ang may kasalanan kung bakit nasa kritikal na kondisyon si grandma ay nandidilim ang paningin ko.

Tinignan ko siya sa kanyang pwesto at bakas na bakas ang takot at lungkot sa kanyang mga mata.

"UMALIS KA NA! KAHIT ANONG MANGYARI AY HUWAG NA HUWAG KA NG MAGPAPAKITA SA AKIN!"

I scream as hard as I could. I want to burst it out so I can release the anger that I'm feeling at this moment.

"I swear! Sa oras na magpakita ka pa sa akin ay hinding-hindi ako magdadalawang isip na burahin ang existence mo sa mundong 'to. Umalis ka na bago pa tuluyang mandilim ang paningin ko at pagsisihan mo ang paglapit mo sa akin!"

Nagtama ang mata naming dalawa at nakaramdam ako ng sakit saeksenang nakikita ko. Sunod-sunod ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata at ayaw nitong tumigil.

"I'm sorry, Terrence."


Iyon ang huling salita na sinabi niya bago siya tuluyang maglaho sa paningin ko. Nawala na lang siya ng parang bula at hindi ko na siya nakita pagkatapos nun.

I know na sumobra ako sa mga masasakit na salita na sinabi ko sa kanya pero hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko dahil sobrang pag-aalala lang kay grandma.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumabas ng private room. Nakita ko sila Sky na nakaupo sa lobby sa labas at dali-dali silang lumapit sa akin ng makita nila akong lumabas.

Oh My Genie Ghost! [RomCom] [Humor]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon