Chapter 7 Mystery Girl

335 15 6
                                    

Chapter 7

Mystery Girl

Terrence POV

Damn that crazy girl. Masyadong sakit sa ulo. Palagi na lang akong naiistress nang dahil sa kanya. Kailangan ko ng gumawa ng paraan para mawala na siya ng tuluyan sa buhay ko. At doon lang ako matatahimik kapag nangyari yun.

Ang tanong, paano ko naman siya mapapaalis?

Arrrrgghh! Wala akong maisip na pwedeng gawin.

Hanggang ngayon hindi pa din ako maka-get over sa ginawa nyang eskandalo. Masyado ng nakaka-frustrate. Kababaeng tao tapos ang manyak-manyak pa.

"Yow! Wazzup? Bakit parang pasan mo ang buong daigdig?" biglang lumapit sa pwesto ko si Ace

"Ang hirap kasing maging gwapo. Mabuti na lang at hindi mo mararanasan ang problema ko ngayon." pang-asar ko sa kanya

"Ulol! Mas gwapo ako sayo noh! Dyan ka na nga lang."

Hahahaha! Kaya gustong-gusto ko inaasar ang isang 'yun eh.

"Pero bro seryoso na, may problema ka ba?" si Sky naman ang lumapit sa akin

Nagpalinga-linga ako para hanapin si Trevor at mukhang busy na naman sa mga babae niya. That jerk!

"You wouldn't believe it. Kaya wag ka na lang magtanong." walang kagana-gana kong sabi sa kanya

Gusto kong sabihin sa kanila ang problema ko tungkol doon sa babaeng multo na yun pero naalala ko yung sinabi niya sa akin.

Rule Number 1! Wala akong dapat pagsabihan na kahit kanino tungkol sa kanya dahil kapag ginawa ko yun ay paparusahan nya daw ako. And I wonder kung anong klaseng parusa yun. Mga kalokohan niya talaga.

"Don't tell me babae din yang pinoproblema mo?!" gulat na gulat niyang tanong sa akin

Napaiwas na lang ako ng tingin dahil sa sinabi niya.

"Shet! So tama nga ako?! Babae nga ang pinoproblema mo ngayon? Woah! As in WOAH talaga. I wonder kung anong klaseng babae ngayon ang pinoproblema mo." di pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon

Kung alam mo lang kung ano siya.

"Kailan mo siya ipapakilala sa amin?" excited na tanong niya sakin

"Malabong mangyari 'yun. Imposible na makita nyo siya."

Paano nyo siya makikita kung isa siyang multo?

"Bakit naman? Nako! Ganyan ka na huh! Ang damot naman neto sa babae niya. Hahaha. Kami na lang ang aalam kung sino yang babae na yan." sabi niya at umalis na siya

Goodluck na lang kung may malaman kayo tungkol sa kanya.

Skyler's POV

Hindi ko mapigilan ang pag-ngiti ko nang makalabas na ako sa kwarto ni Terrence. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala.

After a long time, may babae ng nakaagaw sa atensyon siya. This past few years kasi ilap siya sa mga babae dahil hanggang ngayon hindi pa din niya matanggap ang pagkawala ng babaeng mahal niya. Alam ko naman kung anong pinagdadaanan niya ngayon eh. Alam na alam namin kung gaano niya kamahal ang ex niya at hanggang ngayon hindi pa din siya nakaka-move on.

Pero dahil sa nalaman ko ngayon na may babae si Terrence ay mas lalo akong na-excite dahil mukhang naka-move on na siya.

Kailangan ko na lang malaman kung sino ang babaeng 'yun. Kahit anong mangyari ay aalamin ko kung sino siya.

Protective pa naman si Terrence sa babae niya kaya alam ko na mahihirapan akong alamin kung sino 'yun. Pero kakayanin ko yun. Kailangan ko lang ang tulong ni Ace at ni Trevor para sa mga plano na gagawin ko.

Hindi ko mapigilang matuwa at maexcite sa mga posibleng mangyari. Hindi na tuloy mawala-wala sa pagkakangiti ang labi ko.

Terrence POV

Finally alone time na naman ako ngayon. Umalis na kasi sila Ace at Sky.

Kung 'yung babaeng multo naman ang tatanungin nyo ay hindi ko din alam kung nasaan siya. Nagpaalam kasi siya sakin na may pupuntahan daw siya at babalik na lang mamaya.

As if I care naman kung bumalik siya. Mas matutuwa nga ako kung hindi na lang siya bumalik para tuluyan na akong manahimik at wala ng manggulo sa akin.

"Waaaaaaahhh!"

"F*ck! Ano ba?! Bakit ka ba sigaw ng sigaw diyan?!" sigaw ko sa kanya

Ano ba naman 'to! Kakasabi ko lang na sana huwag ng bumalik pero andito na kaagad. At nambulahaw pa dahil sa sobrang lakas ng sigaw niya.

At nakakainis lang dahil ako lang ang nakakarinig sa pagsigaw niya! Tssss!

"Waaahh! Waaaahh! Waaahh!" paulit-ulit na sigaw niya

Binato ko siya ng unan and as expected tumagos lang na naman sa kanya. At mas lalo lang akong nainis dahil mas lalong lumakas ang pagtili niya.

"Kapag di ka pa tumigil dyan palalayasin na talaga kita." sabi ko sa kanya

Bigla naman siyang tumigil sa pagiinarte niya at ngumuso na lang sa isang tabi. Buti naman at tumigil na siya dahil nakakarindi na sa tenga.

"Ano na naman bang problema mo?!" pagalit na tanong ko sa kanya

"Waahh! Mas scary ka pala Terrence. Huhuhu!" sabi niya at nagtago sa likod ng lamesa

"Umayos ka nga dyan! Para kang timang." walang gana kong sabi sa kanya. Pagod na akong sakyan ang trip niya sa buhay.

"Huhuhu! Eh kasi naman eh, nung pagdating ko dito may nakasalubong akong lalaki na kalalabas lang ng kwarto mo tapos ngiti ng ngiti. Nakakakilabot ang ngiti niya. Para siyang may binabalak na masama. Huhuhu." sabi niya at mas lalo pang sumiksik sa lamesa

Lalaki daw? Baka naman si Sky ang tinutukoy niya? Pero bakit naman kaya siya nakangiti gaya nga ng sabi ng babaeng 'to?

Tssss! Mukhang nahahawa na ng pagka-weirdo si Sky. Dapat di ko na siya madalas pinapasama kay Ace baka matulad din yun sa mokong na 'yun. Mahirap na baka mapalibutan na ako ng mga taong may sira sa ulo.

"Kaibigan ko 'yun. Huwag mo na lang pansinin." sabi ko sa kanya at hinayaan ko na lang siya doon.

Humiga ako sa kama ko since bigla akong nakaramdam ng pagod. Nakita ko naman siya na umalis na sa sulok at lumapit papunta sa akin.

Lumayo ako sa kanya ng mapansin ko na tatabihan niya sana ako sa paghiga. Mahirap nang makatabi siya noh. May pagka-manyak pa naman ang babaeng 'to kaya mabuti ng nag-iingat.

"Ang OA naman neto. Parang tatabi lang sa kanya eh. Hmmmp." sabi niya at humiga din sa kama

Sinigurado ko ang distansya sa pagitan naming dalawa.

"Mahirap na noh. Baka manyakin mo pa ko. Tsss!" sabi ko sa kanya at umiwas ako ng tingin sa kanya

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Ang awkward kasi.

"Terrence."

Napatingin ako sa kanya ng magsalita siya. This time kasi biglang naging seryoso ang boses niya kaya nanibago ako.

"Hmmm?"

"May naisip ka na ba sa First Wish mo? Sabihin mo lang sa akin kung meron na." sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko at naka-ngiti siya. Pero bakit ganun? Kahit naka-ngiti siya parang may nababakas pa din akong lungkot sa mga mata niya?

Sa totoo lang wala pa akong naiisip na wish sa kanya. Hindi ko nga naiisip ang tungkol sa bagay na 'yun kasi parang trip-trip niya lang at ginu-goodtime ako. Pero mukhang seryoso pala siya tungkol sa bagay na 'yun.

Bigla akong napaisip ng malalim.

Ano nga ba ang makakapag-pasaya sa akin na hindi kayang bilhin ng salapi?

Ano nga kaya ang bagay na mahihiling ko?

--------------------------------

Feel ko ang boring ng update ko ngayon. Sorry! Hahaha! Next chapter talaga babawi na ako. Promise!

Comment nga kayo ng reaction nyo regarding this chapter. Asahan ko comment nyo huh. :)

Oh My Genie Ghost! [RomCom] [Humor]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon