Chapter 12 When She Cries

242 14 5
                                    

Dedicated this chapter to btswifegfx. Thank you for the awesome cover. :)


Again, sorry for the typo's and wrong grammars. Hindi ko na kasi binabasa ulit ang mga na-type ko para i-check kung may mga mali. Pagpasensyahan nyo na lang po. Tsaka ko na lang ie-edit kapag sinipag na. Hahahaha!

Chapter 12

When She Cries

Terrence POV

Fvck!

Fvck this life.

Andito pa din ako sa labas ng emergency room at hindi ko alam kung anong nangyayari sa loob. Hindi pa naman gaanong katagal magmula ng ipasok si grandma sa loob pero hindi na talaga ako mapakali dahil sobrang nag-aalala talaga ako.

Then bigla kong naalala 'yung nadatnan kong scene ng makababa ako sa hagdan. I saw grandma holding her chest as if she's afraid of something. Then I saw Ginny standing right in front of her.

Then realization hit me.

This is all her goddamn fault. Sabi ko na nga ba dati na wala siyang maidudulot na mabuti sa akin. At heto na nga ba ang sinasabi ko.

I swear I won't forgive her if something bad happen to grandma. I will haunt her soul even if she's in heaven or hell.

Bglang nandilim ang paningin ko at tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa waiting area.

Kailangan niyang magbayad sa ginawa niya.

Hindi ako matatahimik dito habang naghihintay ng resulta. I must do something.

"Terrence, saan ka pupunta?" pigil ni Sky sa akin ng mapansin niyang aalis ako

"May kailangan lang akong asikasuhin. Kayo na muna ang bahala dito."

Iyon lang nag sinabi ko sa kanila at nag-deretso na ako sa pag-alis. Pinipigilan nila ako pero wala silang magagawa dahil buo na ang desisyon ko. Kailangan ng mawala sa landas ko ang babaeng 'yun.

Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar yun ng mabilis para makarating ako sa bahay namin. Naririnig ko ang pagtunog ng cellphone ko pero hindi ko yon pinansin. Sigurado naman ako na sila Sky lang yun at pinapabalik lang ako sa ospital.

Wala silang alam sa nangyari kaya talagang hindi nila ako mapipigilan.

Then bigla kong naalala na wala akong magagawa at wala akong laban sa babaeng multo na 'yun. Ni hindi ko nga mahawakan kahit dulo ng daliri niya kaya naisipan ko na tawagan si Rika dahil siya lang ang makakatulong sa akin. Si Rika yung nerd na schoolmate ko na nakakakita ng mga kung anong bagay na hindi ordinaryo na sa hindi ko maipaliwanang na dahilan ay hindi niya nakita si Ginny noon. Tsss!

Mabuti na lang pala at kinuha ko ang number niya dahil alam ko na kakailanganin ko ang tulong niya pero hindi ko naman inakala na sa ganitong sitwasyon ko siya hihingan ng tulong.

Nakaka-ilang ring pa lang ay sinagot na kaagad niya ang tawag ko.

"I need your help." deretsong sabi ko sa kanya

"H-Huh? A-Anong kailangan mo sa akin?" nauutal na tanong niya sa akin. Hindi niya siguro inaasahan na tatawagan ko siya na disoras ng gabi.

"Kailangan kong magpalayas ng masamang ispirito sa pamamahay ko. Bring some spirit questors. I'll just text you the address. And as much as possible ay bilisan mo ang pagpunta mo sa bahay."

With that ay pinatay ko na ang tawag.

tinext ko na sa kanya ang address ng bahay namin at mas pinaharurot ko pa ang kotse ko sa bahay.

Oh My Genie Ghost! [RomCom] [Humor]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon