Chapter 10 Getting To Know Each Other

298 15 9
                                    

Sorry kung natagalan ba ko nakapag-update. Busy lang nitong mga nakaraang linggo.

Medyo made-delay ng konti ang update sa SS ah. Pasensya na ulit. Hahaha!

Chapter 10

Getting To Know Each other

Ace's POV

Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa loob ng mansion namin. Lahat ng madadaanan kong kasambahay ay humaling nahumaling sa taglay kong kagwapuhan. Kulang na lang maghiwalay sila sa tuwing makikita nila ako.

Well, wala naman na tayong magagawa diyan.

#PogiProblems.

Ako lang ang nakakaranas ng paghihirap dahil sa taglay kong karisma.

Ewan ko ba sa mga babae sa school namin kung bakit mas patay na patay pa sila kay Terrence, eh mas hamak na lamang naman ang taglay kong karisma at kagwapuhan.

Pagtapak pa lang ng paa ko sa pinto ng mansion ay pumila na kaagad ang mga kasambahay namin at sabay-sabay na yumuko at bumati.

"Magandang hapon po sa inyo Master." bati nilang lahat

Hindi ko sila pinansin kasi baka pag pinansin ko sila ay bigla na lang silang maglulupasay sa sahig dahil sa sobrang kilig nila sa akin.

Alam niyo naman, sobrang gwapo ko kaya dapat snob ka dahil concern ako sa mga babaeng nahuhumaling sa akin. Hahaha.

Natigilan ako sa pag-akyat sa hagdanan ng may mahagip ang napaka-gwapo kong mata.

Napabalik pa ako ng ilang hakbang dahil nalampasan ko ang nakaagaw ng atensyon ko.

Sumipol ako ng malakas at wala pang limang segundo ay dumating na kaagad ang mayordoma sa mansion namin.

"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo Master?" magalang na tanong niya sa akin ng lapitan niya ako

"Anong ginagawa ng napakagwapong nilalang na yan sa pamamahay ko? Diba sabi ko sa inyo na dapat ako lang ang gwapo sa bahay na 'to? Palayasin niyo yan." sabi ko sa kanya habang nakatingin ng nanlilisik sa gwapong lalaki na nasa harapan ko

"P-Pero Master-----"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil pinutol ko na ang pagrereklamo niya.

"Walang pero-pero! Palayasin ang lalaking yan! Ngayon din!" kunwaring naiinis na sabi ko

"P-Pero M-Master, salamin po ang nasa harapan niyo at k-kayo po ang nakikita niyo ngayon. Repleksyon niyo lang poi yon." paliwanang niya

At doon lang ako natauhan at napakurap pa ako at napansin ko na salamin lang pala ang nasa harapan ko ngayon.

"Hahahaha! Salamin lang pala! Whahahahaha." natatawang sabi ko sa kanya.

Sa sobrang kakatawa ko ay napahawak na ako sa sarili kong tiyan dahil sa sobrang laughtrip.

"Sabagay! Wala na nga palang mas g-gwapo pa kumpara sa akin. Hahahaa." tumatawang sabi ko sa kanya habang papaakyat sa hagdan.

Nilingon ko siya bago ako tuluyang umakyat at nakita ko na nakakunot ang noo niya kaya mas lalo akong natawa. Hahahahha.

Pagpasok ko sa kwarto ay nahiga na kaagad ako sa kama ko.

Masyado akong napagod sa pagtatago sa mga chikas ko. Hirap talaga kapag gwapo.

Bigla na lang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok ang lalaki na pilit inaagaw sa akin ang trono sa pagkakaroon ng magandang mukha.

Oh My Genie Ghost! [RomCom] [Humor]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon