Chapter 4
Ilang beses na akong humikab habang nagbabasa ng cases dito sa lamesa ko, samantalang si Kyler ay nanatili dito sandali para tulungan ako. Napansin kong kanina pa siya patingin tingin sa akin.
"Matulog ka kaya muna? Mukhang pagod ka na." he said sabay nag iwas ito ng tingin.
I yawned again. "Hindi. Tatapusin ko muna 'to bago matulog."
"Anong oras na. Magpahinga ka muna, ako na ang bahala dito."
Umiling ako sa kanya.
"Kyler, ikaw ang umuwi na. Kanina pa kita inaabala."
Tumayo siya kaya pinanood ko ang kilos niya. Nakita kong pumunta siya sa kusina at kumuha ng dalawang mug at nilagyan iyon ng kape. Nang matapos, agad siyang umupo sa tabi ko at nilagay ang kape sa lamesa.
"You should drink coffee," he said.
Nginitian ko siya at agad iyong ininuman habang binabasa ang mga iba't ibang cases. Bukas na ang hearing para kay Akissha kaya medyo nagmamadali na ako ngayon at tutok sa pagbaba ng case.
At nito ko lang namalayan na pabagsak na pala ang talukap ng mga mata ko. Bigla ko na lang naibagsak ang ulo ko sa lamesa, pero bago ko iyon tuluyang naibagsak, naramdaman ko pa na may brasong umunan sa ulo ko bago ako tuluyang makatulog.
Nang magising ako, agad akong bumangon at doon ko lang na realize na dinala ako ni Kyler dito. Umaga na din kaya paniguradong nakauwi na siya.
That's when I thought, not until I get out of my room. Kung inaakala kong wala na doon si Kyler, doon ako nagkakamali.
"What the… anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko.
I saw him cooking something in my kitchen kaya agad ko siyang pinuntahan. Naamoy ko pa lang ang niluluto niya, natatakam agad ako.
"Akala ko umuwi ka na kagabi?" I asked.
"Oo, umuwi ako. Bumalik din ako dito kanina lang para lutuan ka."
Kumunot ang noo ko.
"At para samahan din kita mamaya sa hearing mo," dugsong niya.
Bumuntonghininga ako at tumango na lang sa kanya. Sa totoo lang, nakakahiya na para kay Kyler. Kung bakit kasi inaabala ko siya, kung gayong may trabaho naman siya at sariling buhay.
But then… we pinky promised each other that whenever I go, doon din siya pupunta. Sasamahan niya ako sa kahit saan, at ganoon din ako sa kanya. That's our deal, because… we're now partners in crime.
"Talagang pinanagutan mo ang sinabi ko sa'yong kung saan ako pupunta ay doon ka rin?" I then chuckled.
"Of course, Amadea. Marunong akong tumupad sa pangako."
After we eat, naligo lang ako at nagbihis ng damit ko. I'm now wearing a dark brown tank top, a white trouser and I just wear a white blazer to match it with my outfit. I just wear a stilletos and that's all.
While Kyler, he's only wearing a dark blue plain button down shirt and he just paired it with his black slacks.
Nang makasalubong na si Akissha sa court, agad ko siyang niyakap nang mahigpit. Hindi pa siya gaanong nagsasalita dahil bakas pa ang trauma sa kanya noong nangyari iyon sa kanya.
"Ms. Gimaranan, nasabi mo sa akin na pauwi ka sa inyong bahay nang bigla ka na lang dinakip ng mga kalalakihan. Namumukhaan mo ba ang mukha nila?" I asked when the hearing already started.
Umiling si Akissha. "No. They're wearing a mask."
"Sino sa tingin mo ang may gawa no'n sa'yo? May mga nakaaway ka ba before nangyari iyon?"

BINABASA MO ANG
Pagsibol (Munimuni Series #4)
Mystery / ThrillerMunimuni Series #4 Amadea Zhiancarra De Casa is a woman who has been living alone since her parents were murdered by her parents' rival. She becomes a lawyer with a hidden motive in life in order to take vengeance on her parents. However, something...