Chapter 3
"Fuck you, Kyler! Anong ginagawa mo rito? Akala ko kung sino na!"
Inis ko siyang sininghalan nang madala ko siya sa isang pasilyo kung saan walang tao. Noong may tumakip sa bibig ko, akala ko ay doon na natatapos ang buhay ko.
Nanatiling masama ang tingin ko sa kanya, habang siya, nakangisi lang na parang loko.
"Muntik ka nang pumasok do'n. Mabuti at napigilan agad kita." he said.
"Mabuti? Anong mabuti doon? Sinira mo ang plano ko! Ano bang ginagawa mo dito, ha? Bakit mo 'ko sinundan?"
He sighed. Nilagay niya ang magkabila niyang kamay sa magkabila niyang bulsa kaya marahan ko siyang pinanood.
"Kasi alam kong mapapahamak ka sa ginagawa mo,"
"And when did you start to be concerned about me?" taas kilay kong tanong.
"Ayokong mawala ka, Amadea."
Ilang beses akong napakurap roon. What does he mean by that? Parang matutulos ako bigla sa kinatatayuan ko.
"Remember, may usapan pa tayo. You'll help me to find who killed my sister. Sino na ang tutulong sa'kin kung wala ka na?"
Marahas akong bumuntonghininga.
"I know what I am doing. Hindi purke't babae ako, mahina na ako at basta basta na lang sumusuko. Trust me, Kyler. I can do this." marahang sabi ko.
Umiling siya. "Hindi ka papasok doon nang ikaw lang mag isa,"
"At anong gagawin mo? Sasama ka sa'kin?" naiinis na ako.
Tipid siyang tumango kaya mahina ko siyang tinawanan.
"Ako na ang bahala sa lahat, Kyler. Hindi mo na ako kailangang pakialaman. And if you're worried that I might come back dead, then doon ka nagkakamali. I still have my goals in life. Sa tingin mo, basta basta na lang akong magpapapatay?"
Akmang tatalikod na sana ako sa kanya nang bigla niyang hinigit ang palapulsuhan ko.
"Kyler! I said stop!" sigaw ko.
"Hindi ka pupunta doon,"
"Ano naman sa'yo, ha? I'm a licenced investigator and I know what I am doing!" mataas ang boses ko nang sabihin iyon sa kanya.
"Basta, hindi ka pupunta doon. Hayaan mong ang mga pulis na lang ang bahala—"
Umiling ako habang dahan dahang may hinuhugot sa bag ko.
"I have no choice but to do this to you since sobrang kulit mo!" singhal ko.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya at agad siyang tinurukan sa bandang leeg niya, dahilan para agad siyang mawalan ng malay. Bumuntonghininga ako at agad siyang dinala sa likod ng puno para walang makapansin na kalaban sa kanya.
Even if I don't want to do it to him, wala akong choice. I need to do my plan as soon as possible at hindi siya puwedeng humadlang sa mga plano ko. Not even him.
Nang tignan ko si Kyler, mahimbing na ang tulog niya kaya inayos ko na ang suot ko bago tuluyang makapasok sa loob.
Agad na bumalot sa'kin ang mabahong amoy. Pinaghalong alikabok at kung ano ano pa. The house is so small and dark. Halata ang katandaan ng bahay dahil puro bahay na ito ng gagamba at kung ano ano pa. Bakas rin na inabandona na ang bahay dahil sira sira na rin ang bubong sa itaas.
I walked without any sounds coming from my shoes. Matagal ko na itong inaral noon, at ngayon ay nagagawa ko naman siya sa buhay ko.
I heard some shouts coming from the room above kaya dali dali akong umakyat sa hagdan. Nagulat pa ako nang pag akyat ko ng hagdan, sila Akissha at ang ibang kalalakihan agad ang naabutan ko.

BINABASA MO ANG
Pagsibol (Munimuni Series #4)
Misteri / ThrillerMunimuni Series #4 Amadea Zhiancarra De Casa is a woman who has been living alone since her parents were murdered by her parents' rival. She becomes a lawyer with a hidden motive in life in order to take vengeance on her parents. However, something...