Chapter 11
Lumipas ang ilang araw matapos ang nangyaring iyon, at hanggang ngayon, hindi ko pa rin 'yon makakalimutan. Nang dahil tuloy doon, naka wheelchair ngayon si Kyler dahil hindi pa siya puwedeng maglakad.
And of course, inaalagaan ko siya. Binabantayan ko siya sa abot ng makakaya ko. Tutal ay malapit lang ang condo niya sa condo ko, wala na 'yong problema sa'kin.
Dahil din sa nangyari kay Kyler, natigil muna ang imbestigasyon namin.
"Nakita mo pala si Coeli sa bar kung saan ako nagpunta?" bigla niyang tanong.
Tumango ako. Nasabi niya na din sa'kin na kaya nga raw siya nagpunta doon dahil alam niyang nandoon si Coeli. I just sighed heavily. Kung sinama niya sana ako doon, baka hindi siya napahamak ng ganito.
"Bakit hindi mo siya pinuntahan?" he asked.
"Nawala na sa isip ko,"
"Bakit?"
I sighed. "Maiisip ko pa ba 'yon, knowing kung anong posibleng mangyari sa'yo doon sa loob?"
Marahas siyang bumuntonghininga. Ginalaw ko ang wheelchair niya at dinala siya sa kusina para makakain na kaming dalawa.
"Hindi mo naman ako kailangang alagaan ng buong araw, Amadea." he said.
"Sinong mag aalaga sa'yo? Baka mamaya, ipilit mo ang sarili mong makalakad. E, hindi mo pa nga kaya." inirapan ko siya.
He chuckled. "You're really concerned about me,"
"Of course! Kahit paano, responsibilidad din naman kita. Kung ano mang mangyari sa'yo, paniguradong kasalanan ko iyon dahil ako ang nagdala sa'yo sa peligrong buhay na ito."
"Hindi mo iyon magiging responsibilidad dahil willing naman akong sumama sa'yo, kahit pa na sobrang kapaha-pahamak d'yan." he said.
Ilang beses akong napakurap at pinanlakihan siya ng mga mata. He just chuckled silently kaya inirapan ko na lang siya.
Lumipas pa ang ilang araw nang araw araw ko pa ring inaalagaan si Kyler. Sino naman kasing mag aalaga sa kanya? Ni hindi siya binibisita dito ng parents niya, and knowing how his parents treated him, hindi na ako magugulat na wala na silang pakialam ngayon sa anak nila.
Ako palagi ang naghuhugas ng pinagkainan namin ni Kyler. Kapag naliligo siya, kaya niya namang mag solo. Nga lang, nahihirapan pa rin siya. Kung puwede nga lang akong mag volunteer na ako na lang ang magpaligo sa kanya, gagawin ko talaga.
"Nararamdaman ko na na malapit na akong gumaling," Kyler said one day.
I smiled. "Yes, gagaling ka din sa lalong madaling panahon."
"Ang galing kaya ng nag aalaga sa'kin, kaya gagaling talaga ako ng mabilis. Tapos, maganda pa. Oh, saan ka pa?" biro niya.
Hinampas ko siya sa braso niya.
"Bolero,"
Nandito na siya sa kwarto at naghahanda nang matulog. Inalalayan ko lang siya pahiga sa kama.
"Amadea, thank you." he suddenly said.
I smiled. "No worries, Kyler. Ginagawa ko ito ng walang kapalit."
"If you're not here, walang mag aalaga sa'kin kundi ang sarili ko lang." sabi niya.
Ngumiti ako sa kanya at tinapik ang braso niya. Wala akong oras sa dramahan kaya sinabihan ko na lang siya na matulog na. Pinikit niya naman agad ang mga mata niya kaya inayos ko na ang comforter sa katawan niya.
BINABASA MO ANG
Pagsibol (Munimuni Series #4)
Misterio / SuspensoMunimuni Series #4 Amadea Zhiancarra De Casa is a woman who has been living alone since her parents were murdered by her parents' rival. She becomes a lawyer with a hidden motive in life in order to take vengeance on her parents. However, something...