Chapter 15
"So ang sinasabi mo, noong pinuntahan n'yo ang lugar na 'yon… iba na ang may-ari? Pero, imposible iyon!" sabi ko nang tawagan ako ng mga pulis.
Agad kong pinalapit sa'kin si Kyler para marinig niya kung anong balita. Ang sabi kasi ng mga pulis, iba ang may-ari nang pumunta sila roon.
"Hindi rin kay Aurico Manzano naka-pangalan ang papel ng bahay kaya wala kaming karapatang pasukin iyon kahit na may warrant of arrest." sabi pa ng pulis.
I sighed. "Nasaan na siya ngayon? Mahahanap n'yo pa kaya siya? Baka mamaya, nasa ibang bansa na 'yon."
"Naka-banned na si Aurico sa buong airlines, kaya imposibleng maka alis pa siya rito."
Badtrip ako nang umupo sa may couch. Hindi pa nga nahuhuli kung sino ang pumatay kay Coeli Madrigas, tapos dumagdag naman itong si Aurico Manzano, mas lalo lang kaming nahirapan. Si Jandaya Palma pa na hinahanap pa rin namin hanggang ngayon.
Hindi ko na alam kung saan magsisimula sa paghahanap kay Jandaya Palma. May mga napagtanungan na kami sa mga bahay bahay rito pero wala silang kakilalang ganoong pangalan.
Ayoko namang sumuko. Hindi pa dito natatapos ang laban. Dito pa lang nagsisimula, kaya hindi dapat ako sumuko. Matagal ko itong pinag planuhan.
May mga flyers kaming ginawa ni Kyler kung saan binibigay namin iyon sa mga tao at nagtatanong kung kilala ba nila iyon.
"Wait, siya 'yong dating model, 'di ba?"
Tumango agad ako.
"Ah, si Jandaya Palma!"
Ilang beses akong tumango, pinagdadasal na sana ay alam nila kung nasaan talaga siya.
"Huling kita ko sa kanya sa TV ay noong nag retired siya bilang model. Dito siya nakatira, pero hindi ko alam kung saang exact na lugar, or kung hanggang ngayon ba ay dito siya nakatira." sabi ng babae.
Nagpasalamat ako sa kanya at nilagay ang sinabi niya sa notebook ko. Ayos na 'yon. Medyo malaking tulong na rin kahit paano.
Naghiwalay muna kami ng way ni Kyler. Ako sa kanan at siya naman ang pumunta sa kaliwa. Ilang beses na akong nagtanong pero wala pa ring nakaka alam.
Hanggang sa dumating na si Kyler sa tabi ko para sa isang magandang balita.
"Alam ko na kung nasaan siya,"
Agad akong nagpa tianod kay Kyler. Dinala niya ako sa plaza kung saan nandoon daw si Jandaya Palma at tama nga siya.
Lalapit na sana ako nang pinigilan ako ni Kyler.
"Hindi kaya matakot siya kapag makita niya tayo?" he asked.
Kumunot ang noo ko. "Huh? Bakit naman siya matatakot?"
"Huwag muna natin siyang biglain, kausapin muna natin pero huwag na munang sabihin kung anong pakay natin." sabi niya.
Nag-aalangang tumango ako at dahan dahan na kaming lumapit kay Jandaya Palma na nakaupo lang sa may bench at nakatingin sa kalangitan na parang may iniisip na malalim.
"Hi," sabi ko.
Hindi siya nagbaba ng tingin sa amin, siguro hindi niya alam na siya ang tinutukoy namin.
"Jandaya Palma,"
I saw her stilled upon calling her name. Agad siyang napatingin sa'kin at namilog ang mga mata. Pinag-krus niya kalaunan ang kamay niya sa dibdib niya na parang pinoprotektahan ang sarili.
"Sasaktan n'yo ako!" sabi nito.
Umiling ako. "Hindi, kumalma ka. Nandito kami para kausapin ka at may mga kaunting katanungan lang kami s—"
BINABASA MO ANG
Pagsibol (Munimuni Series #4)
Mystery / ThrillerMunimuni Series #4 Amadea Zhiancarra De Casa is a woman who has been living alone since her parents were murdered by her parents' rival. She becomes a lawyer with a hidden motive in life in order to take vengeance on her parents. However, something...