Chapter 21

141 11 66
                                    

Chapter 21



Kyler is dead.

Iyon ang paulit ulit na naririnig ng tainga ko pagkatapos marinig 'yon. It feels like my world literally stops and it never comes back to its senses again.

I don't know how that happened… nakatulala na lang ako ngayon sa kawalan habang nandito sa burol ni Kyler.

Sana panaginip lang ito. Dahil kung sakali mang panaginip lang ito, gusto ko nang bumalik sa reyalidad.

Kyler left me. He died when the yacht exploded. Ayokong maniwala na wala na siya dahil hindi gano'n si Kyler. He's so strong. Kaya… ayokong maniwala. Hindi ako maniniwala.

But, in the end, this taught me a lot about life. Kyler showed me the importance of valuing someone before they disappeared. We must value them now, before they vanish from the world.

And Kyler vanished in this world, without him hearing that… I appreciate him always… and I value him the most.

Walang araw na hindi ako umiiyak sa kwarto ko sa kakaisip kay Kyler. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Walang katawang natagpuan, pero kasama raw siya sa pagsabog ng yacht. Sinubukang hanapin ng rescuer kung may katawang paanod anod sa dagat, pero wala silang nakita.

Hindi ako maniniwalang wala na siya, hangga't walang bangkay na hinaharap sa'kin.

Pero, paniwalang paniwala ang nanay ni Kyler na wala na talaga ang anak niya. Gano'n na din ang mga kaibigan niya na todo ang iyak nang dumating sa lamay niya.

"Itutuloy pa ba natin ang pagpunta kila Deuz Albaro?" Aurica asked.

Marahas akong bumuntonghininga.

"I want to rest. I want to stop investigating… kahit saglit lang. Gusto ko munang libangin ang sarili ko." sagot ko.

She smiled. "You deserve to rest, Amadea. You really put effort in everything, and now, it's time for you to rest first."

"Aurica, salamat." ngumiti ako sa kanya.

"I have no time for your plasticity," pagkatapos no'n ay tinalikuran niya agad ako.

Nakaupo lang ako sa sahig habang hawak hawak ang tuhod ko at nakatungkod roon ang baba ko. Nandito pa rin ako sa lugar kung saan ang burol ni Kyler. Tumutulong kasi ako sa pagbibigay ng mga pagkain sa mga bisita.

"Totoo bang wala na siya? Hindi ako makapaniwala. Sobrang bait ng batang 'yan, napaka gentleman pa." narinig kong tanong ng isa sa mga bisita.

"He's an angel now," ang nanay ni Kyler.

Gusto kong matawa sa kanya. Noong nandito pa si Kyler, todo ang pananaboy ng magulang niya sa kanya. They treated him not as their son. Sinisisi pa nila ito sa pagkamatay ni Alyaena. And now that Kyler is gone… biglang bumait ang nanay niya.

"May artista daw na dadating mamaya! Iyong ex ni Kyler."

Nang marinig 'yon, agad akong napatayo at kumunot ang noo. Sakto namang dating ng babaeng nakasuot ng cap and shades. She's also wearing a fashionable dress and a stilletos.

Bigla akong nanliit sa kanya. Halos lahat ng mga tao, nakatingin sa kanya habang napapaligiran siya ng maraming camera.

"Hi. Ikaw ba ang kinekwento sa akin ni Kyler?" nagulat ako nang lumapit sa'kin ang babae.

And if I'm not mistaken, her name is Zhalya Alverian. A famous artist and a commercial model. Paanong hindi siya makikilala ng lahat? Halos puro mukha niya ang mga nasa commercial, at ganoon na din sa mga shows.

Pagsibol (Munimuni Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon