Chapter 13
Because the window is left open, the wind blows inside. The sunset immediately veiled my eyes as the wind tossed my hair, and the sunset abruptly came to the man in front of me.
As I typed on my keyboard, I locked my gaze on him. He's also working as an engineer, even if it's only from home.
The sunset has left its mark on his eyes, which have changed color from black to brown.
The sunset had a strong hold on my attention. Because possessing it implies you'll have another day and a new life. The sunset denotes the start of a fresh, calm day.
"Based on the investigation, there's a man who has caught on that building and he's holding a laser gun." sabi sa'kin ni Kyler.
Kung hindi pa siya tumayo sa harapan ko, hindi ko pa marerealize na kanina niya pa pala ako kinakausap.
"Nasaan na ang lalaking 'yon? Nahanap na ba siya ng mga police? Dahil hindi ako makapapayag na makakatakas kung sino man ang may gawa no'n sa kanya!"
He nodded. "Kasalukuyan na nila itong hinahanap, don't worry, Amadea."
"Kahit na. Paano kung makatakas ang lalaking 'yon? No. Hindi ako papayag na pumalpak na naman tayo sa labang ito."
He then held my hand, dahilan para matigilan ako sa pagsasalita.
"We're going to make a way para masigurong hindi makakatakas ang lalaki," he softly said.
Para akong na hipnotismo sa mga mata niya kaya wala na akong nagawa kundi tumango na lang sa kanya.The sunset faded away as soon as he let go of my hand, and darkness descended across the entire area.
Pauwi na ako, hindi ko kasabay si Kyler dahil may kailangan daw siyang bilhin sa mall. Sinasama niya nga ako pero hindi na ako sumama dahil pagod na rin ako. Naglakad lang akong mag isa patungo sa building namin nang makarinig ako ng malakas na sigaw.
Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung saan iyon galing, pero malakas ang kutob ko na may hindi nangyayaring maganda.
Naglakad ako, walang tunog ang bawat pag apak ko sa sahig. Hanggang sa makarating ako sa likod ng building kung saan may babaeng nakaupo sa sahig habang ang isang lalaki naman ay nasa tapat niya.
The other man is holding a… knife. At ang isa naman ay may hawak na… tattoo pen? Hindi ako sigurado kung iyon nga ang tawag don.
At kitang kita ng dalawa kong mga mata kung paano nilagyan ng isang lalaki ng tattoo ang isang babae.
Malakas ang hinala ko na ang may pakana nito ay walang iba kundi si Aurico Manzano.
Agad kong nilabas ang phone ko at vinideohan at pinicturan ang pangyayaring iyon. I then called Kyler for help at agad siyang dumating sa likod ko.
Hindi pa huli ang lahat. Bago atakehin ng mga kalalakihan ang babaeng iyon, agad na namin silang pinagsisipa dahilan para bumagsak ang dalawang lalaki sa sahig.
At bago pa man sila makabangon, agad na naming hinila ang babae na ngayon ay wala nang malay.
"So… ganito pala talaga ang ginagawa nila sa mga biktima nila?" tanong sa'kin ni boss nang ipakita ko sa kanya ang nasa video.
I nodded.
"May matibay na tayong ebidensya, pero wala ni isa dito ang magtuturo laban kay Aurico Manzano. Talagang malinis ang bawat galaw niya, palibhasa't makapang yarihan." he then tsked.
Ang sinabi ng babaeng biktima sa amin, bigla na lang daw siyang kinuha ng mga kalalakihan at dinala na lang siya bigla sa likod ng building, pilit siyang pinaupo. Ilang beses na binantaan ang buhay niya, at pagkatapos ay sapiliting pinalagyan ng tattoo sa kanyang dibdib.
BINABASA MO ANG
Pagsibol (Munimuni Series #4)
Детектив / ТриллерMunimuni Series #4 Amadea Zhiancarra De Casa is a woman who has been living alone since her parents were murdered by her parents' rival. She becomes a lawyer with a hidden motive in life in order to take vengeance on her parents. However, something...