Chapter 14

118 8 41
                                    

Chapter 14



While inside Kyler's room, I glanced at him. Yes, I went with him instead of looking for Aurico Manzano. Because I'm aware that the cops are already on the lookout for him, yet... Kyler's situation was exceptional, and he need my assistance.

Because I'm the only one who cares for Kyler. Ako lang.

Nag-aalala ako sa kanya noong naabutan ko siyang binabangungot na naman. I tried waking him up at agad naman siyang nagising. Delikado din kung hindi siya maaabutan. Napaka rami na ngayon ang namamatay nang dahil sa bangungot.

And I don't want Kyler to be gone, because I still need him, we still need each other.

"Binabangungot siguro ako ng kapatid ko dahil malapit na ang kaarawan niya," si Kyler nang umayos na ang kalagayan.

Bumuntonghininga ako at tinapik tapik lang ang braso niya. Napatingin siya sa'kin sandali at pagkatapos ay sa orasan.

"Akala ko ba hahanapin mo na si Aurico?" he asked.

"Bukas na lang. Sasamahan muna kita rito, baka bangungutin ka na naman."

Umiling siya. "Hindi na. Madalas, once a night lang naman 'to mangyari sa akin. Kaya ngayon, hindi na mauulit. Kaya p'wede mo muna akong iwan."

Tumango ako pero hindi pa rin nagpapakampante sa sinabi niya.

"Sige na, Amadea. Baka makatakas na ng tuluyan si Aurico." pilit niya.

Bumuntonghininga ako at sandaling tinitigan siya. Mukhang maayos naman na ang pakiramdam niya. Ngumiti din siya sa'kin para maipakitang ayos na talaga siya.

"Thank you for everything, Amadea."

Dahil tuloy sa sinabi ni Kyler, sandali akong napalingon sa kanya at tipid lang na nginitian.

"Thank you for caring for me. Did you know that this is my first time again to feel this comfortable? Sa buong buhay ko simula nang mamatay ang kapatid ko, ikaw lang ang nagpakita ng kabutihan sa'kin." he said.

Ngumiti ako at wala nang sinabi dahil tinawag na ako ng boss ko pasakay sa kotse niya. Pagkatapos, agad niya iyong pinaharurot sa police station para makakuha kami ng balita.

"I don't want to ask this, Amadea, but…" si boss bago kami bumaba ng sasakyan.

Kumunot ang noo ko.

"What's your relationship with Kyler? Why did you care that much to him, to the point that… you took care of him first rather than finding Aurico Manzano."

Halos masamid ako sa tanong niya. I didn't see that coming. Kaya pala kanina pa siya tahimik at patingin tingin lang sa'kin.

"He's my friend, a special friend. My instrument on finding who killed my parents." sagot ko.

I then swallowed the lump on my throat. Parang ako ang nasaktan sa sinagot ko sa kanya. Parang hindi totoo ang sinasabi ko, pero iyon naman talaga ang totoo.

"Is he really your instrument? Or is he now becoming your distraction?"

Those question hit me hard, sa puntong hindi ako tuluyang makasagot dahilan para mahina siyang tumawa.

"You told me before that you don't do boyfriends, nor crushes or kahit flings manlang dahil ayaw mong nadi distract ka sa paghihiganti mo sa magulang mo. What happened now?" dugsong niya.

Marahas lang akong bumuntonghininga, natameme ulit sa sinabi niya.

"I'm the one who taught you how to fight, how to fight with your emotions. I'm the one who guided you when you were a kid. Ayoko sanang mauwi sa lahat ang lahat ng paghihirap ko nang dahil lang sa distraction mo." pagkasabi niya ay agad siyang bumaba sa kotse, iniwan akong nakatulala lang.

Pagsibol (Munimuni Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon