Chapter 1

1.7K 46 7
                                    

Esther's POV

“Paano ko naman magagamit 'tong binigay ni Mama? Anong isusulat ko rito?” I asked myself. Kagabi ko pa tinitingnan 'tong binigay ni Mama na libro. Natapos ko na rin kagabi ang essay ko. I don't know if this is already okay, but I already did everything that I could. Hanggang dito na lang talaga ako.

I opened my Facebook account since today is Saturday and it's another day to procrastinate. Wala naman na akong ibang assignment at tinatamad na talaga ako dahil naubos na ang lakas ko sa kagagawa ko ng essay.

Kabubukas ko pa lang ng account ko tapos puro short stories at poems na ng mga pinsan ko ang bumungad sa 'kin. Naiinis na rin ako minsan kasi ang daming sumusuporta sa kanila. Nakaiinis na magaling sila sa gano'n at ako bobo sa gano'n. Hindi ako naiinggit sa kasikatan nila, naiinggit ako kasi magaling sila sa bagay na hindi ako magaling. Puro sila writer tapos ako inaabot ng buong gabi para lang sa iisang essay na hindi pa yata umabot ng 500 words.

Kapag pumupunta ko sa account ng parents ko, puro naman achievements nila for being amazing writers. Bakit hindi man lang ako nabahagian ng konting talent ng mga magulang ko?

Lumabas ako ng kwarto at hinanap si Mama. I found her watering her plants. Tumayo ako sa tabi ni Mama. Gusto ko lang sigurong makipagkuwentuhan. It’s weekend and my Mom isn’t busy that much. Si Papa ang palagi talagang busy. He is currently working on a script for a television drama.

“Ma, paano mo naiisip 'yong mga sinusulat mo? Like your works are being used for stage plays and you can come up with the most unique scenes, how can you do that?” I asked my Mom out of confusion. Paano ba kasi? Hindi ko talaga ma-gets.

Huminto muna si Mama sa ginagawa n'ya. “I don't really know. Sa sobrang tagal ko ng gumagawa ng kuwento para sa mga plays, hindi ko na rin talaga alam. Naging normal na kasi sa akin, pero ang makaisip ng mga bagong isusulat ay mahirap. May mga araw na nauubusan ako ng ideya. May mga araw naman na sobrang daming ideya, pero hindi ko alam kung anong uunahin. Ideas will just come and I need to manipulate those ideas to make it better. To make it something entertaining enough to be played on stage.”

“I still don't get it, Mama. Bakit ang galing n'yo ni Papa sa pagsusulat? Gusto ko rin, pero hindi po yata talaga kaya. Kapag nga pinapagawa nga kami ng short story sa school, hirap na hirap ako,” pagmamaktol ko.

“Why don't you start creating characters? It's an odd way to start, but maybe it will be effective on you. Subok lang nang subok, 'nak. Wala namang mawawala,” nakangiting sabi ni Mama. “Use the blank book I gave to you. Write the characters and their attitude, manners, goals, and dreams. Malay mo makagawa ka ng kuwento mula sa iba't-ibang characters. You'll never know.”

Napaisip ako sa sinabi ni Mama. Baka nga p'wede 'yon. Minsan nakaiisip din ako ng mga taong gusto kong makilala. Kung anong traits ang gusto kong meron sila. May mga tao rin sa mga panaginip ko na gusto kong maging totoo.

“I hope it will work on me,” tugon ko kay Mama. “Thanks, Ma. Magluluto na muna ako ng lunch natin. Susubukan ko po 'yan mamaya.”

Nagluto na lang ako ng ginisang sitaw. Iyon lang kasi ang nakita ko sa fridge. Mamaya pa kasi maggo-grocery si Mama at s'yempre hindi na naman ako sasama dahil tinatamad nga ako. Baka subukan ko talaga 'yong sinabi ni Mama at kapag hindi talaga gumana, ayaw ko na. Hindi na talaga ako susubok. I'll accept my fate that I'm really dumb when it comes to creative writing.

Kumain agad kami ni Mama para makapag-grocery na s'ya. Ako naman ay naligo ng lagpas isang oras. It's good to take long baths kaso magastos sa tubig. Natagalan lang talaga ako sa pagtulala habang rine-recall ko ang mga sinabi ni Mama. I'll literally try that. Aside from I'm curious, I think this is also my last card. I hope it's a trump card.

Our Author (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon