Chapter 6

297 15 0
                                    

Esther's POV

After three months...

“You really want to enroll to this school? Private school ito, ah.”

I am talking to my Mama. Pumipili na kasi ako ng senior high school na papasukan. I got my eyes on a specific school. Okay lang naman kahit 'di ako makapasok doon, pero kung kaya naman, why not?

Isang buwan na lang ang 4th year high school life ko. Malapit na ang recognition at mukhang matataas naman ang grades ko para makapasok sa private school na gusto ko. It's a certain school with common strands, but you can take special classes for writing. My mother studied there before. She said that she learned so much from that school although she only studied there for a year.

“Kung papayag po kayo. Medyo mahal kasi ang tuition fee kaya hesitant pa rin po ako. Saka I've been studying on public schools since kinder. Baka ma-culture shock po ako,” I replied to Mama.

“Kaya lang naman isang taon ang tinagal ko roon dahil hindi ko gusto ang way of teaching, hindi dahil sa financial issues. I like the special classes, but the regular subject teachers are not good. Siguro ngayon iba na ang mga magiging teacher mo kaya pursigido na kong ipasok ka sa school na 'yon.”

Binasa ko ulit ang flyer na galing sa school na 'yon. Pumunta kasi ang representatives ng school na 'yon almost two months ago para kumbinsihin ang mga estudyante na roon mag-enroll. Maganda ang itsura ng school. Hindi rin naman sobrang layo mula sa bahay.

“Gusto ko po talaga sa school na 'to, Mama. Itanong ko rin po muna kay Papa. Baka may iba s'yang alam na school.”

Ngumiti si Mama at hinagod ang buhok ko. “Ang bilis mong lumaki, anak. Baka isang kisap lang ng mata ko nasa college ka na. I want you to enjoy your youth so when you start studying on senior high school, don't pressure yourself. Just do your best and satisfy yourself, hmm?”

“Opo naman. Never ko naman pong sinasagad 'yong sarili ko para sa grades, but that doesn't mean na hindi po ako nag-aaral ng maayos. I'm enjoying everything, Mama.”

Binigyan lang ako ni Mama ng halik sa noo bago s'ya pumasok sa kwarto nila ni Papa. May meeting kasi s'ya ngayong gabi. Ako naman ay pumasok na rin sa kwarto ko.

Itinutuloy ko pa rin ang kuwento ni Jordan at Alessandra. Hindi ko nga lang sila tinatawag. Nalaman ko na ang tamang proseso. Kapag sinulat ko ang pangalan nila sa libro ko, lalabas sila. Kapag binura ko naman ay mawawala sila in an instant. Kung hahayaan ko lang sila at 'di buburahin ang pangalan nila sa pamamagitan ng pag-cross out, 30 minutes lang ang pinaka matagal na makakasama ko sila. Hindi nga talaga sila nakikita ng ibang tao, hindi rin naririnig. Parang mga imaginary friends, hindi naman kasi sila mga multo.

Kapag na-cross out ko na ang pangalan nila ay hindi sila p'wedeng lumabas o magpakita hangga't 'di ko sinusulat ulit ang pangalan nila sa libro. I think the cross out thingy is a way to prevent them from going out for what cost? 30 minutes lang naman ang itatagal nila kahit 'di ko i-cross out ang pangalan nila. The only reasonable use of the cross out method is to make them disappear in a flick of my pen. I don't really understand it.

Nasa chapter 12 pa lang ako ng Abyss from Yesterday. Sobrang busy ko nitong mga nakaraang buwan dahil nga last quarter na. Mas maraming projects tapos may research defense pa two weeks ago. Hindi na nga ako nakakukuha ng maayos natulog sa hapon at tanghali. Madalas na madaling araw na ko nakatutulog.

Bakasyon naman na. Malapit na. Konting tiis at hintay na lang. Gusto kong tapusin ang kuwento nila Alessandra at Jordan. Gumaganda na para sa akin. Ang una ko pa ngang reader ay si Aless, pero s'yempre hindi n'ya alam na p'wede kong makausap ang mga character mula sa story ko. Binibigyan din ako ni Aless ng mga tips. Natutuwa s'ya dahil mas nakakapag-bonding na kami.

Our Author (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon