Chapter 18

118 6 3
                                    

Esther's POV

“Salamat, uwi na ko, ha?” paalam ko sa group mates ko dahil tapos na nilang sabihin ang mga dapat pa naming gawin para sa research. Ilang minuto lang ang tinagal ng meeting namin at sa classroom lang din naman kami nag-usap-usap.

Mabilis akong lumabas ng classroom. Baka hinihintay na kasi ako ni Yael sa labas ng school. Ililibre n'ya raw kasi ako ngayon. Hindi ako tatanggi sa libre 'no.

Tuwang-tuwa ako kagabi dahil nagkaayos na pala sila ni Aless. Tinawagan ko nga si Aless agad after no'n. She sounds so relieved. Nag-sorry din s'ya sa 'kin. She told me that she made an awkward and immature move, but that's already forgiven. Nag-sorry naman na s'ya at okay na rin naman si Yael. I don't want to be in that kind of position again.

Masigla kong binati ang guard sa gate ng school namin bago ako tuluyang lumabas. Mabait ang guard na 'yon. S'ya pa nga ang nagbalik ng payong na nahulog ko no'ng unang buwan ko rito sa school.

Mababait ang karamihan sa mga teacher pero 'di maiiwasan na may mga terror talaga. Those teacher that will give you low grades if you piss them off. Iba-iba rin ang mga estudyante. There are lots of competitive students and there are others that I can't even explain. Things are broader in senior high school. College is going to be massive, that's for sure.

Luminga-linga ako sa paligid nang tuluyan na kong makalabas sa school. Isang matangkad na lalaki agad ang namataan ko. Ang fresh n'yang tingnan. Parang kahit ang layo n'ya sa 'kin ay naaamoy ko ang pabangong lagi n'yang ginagamit. Plain white shirt at black pants lang ang suot n'ya pero nangingibabaw s'ya kahit madaming estudyante ang nakapaligid.

Hawak-hawak n'ya ang cellphone n'ya at abalang-abala sa pagtitipa roon. Tumunog ang cellphone sa bulsa ko at tinext n'ya pala ako.

Yael:

I'm already here. It's 3:27pm. I'm starting to get bored.

Nang mabasa ko ang message n'ya ay napagpasyahan kong lumakad na palapit. Kinalabit ko agad s'ya. “Hey.”

Nakakunot ang noo n'ya nang humarap pero napalitan agad ng ngiti nang makita n'ya ako. “Finally, you're here. Ang aga kong dumating dito and everyone was looking at me.”

Paano nga bang hindi s'ya pagtitinginan? Angat na angat ang itsura n'ya kaysa sa iba. Aaminin kong marami na kong nakitang guwapo sa school pero ngayon na nandito si Yael, wala silang panama.

I'm just stating the obvious. I am not a bias to anyone.

“Our group in research had a short meeting,” nginitian ko s'ya. “Tara na. Gutom na ako.”

Nagtaka ako nang kunin n'ya ang bag at mga papel na dala ko. “Look at all these. Kung naglalakad palagi na ganito karami ang dala, mahihirapan ka talaga.”

“Hoy, kaya ko namang buhatin ang mga 'yan,” Sinubukan kong kunin ang mga gamit ko mula sa kaniya pero mabilis s'yang umiwas. “Yael!”

Ngumisi naman ang loko. “Come on, Esther. Sabi mo gutom ka na, 'di ba?”

Nauna na s'yang maglakad kaya wala na kong nagawa kundi sumunod na lang. Ang kulit din talaga ng lalaking 'to minsan. Pero mas okay na 'yon kasi ang sakit na ng balikat ko.

Nang makahabol na ko sa kaniya ay sabay na kaming naglalakad. “Saan tayo kakain?”

“There's a new ice cream store nearby. We can check it out. But if you want heavier meals we can go to the nearest restaurant. You choose.”

“Sa ice cream store tayo!” masigla kong sabi. It's been a while since I've eaten some ice cream. A tub won't hurt, maybe.

“Alright then it's settled,” he chuckled. “By the way, your uniform looks really good on you. It's cute.”

Our Author (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon