Chapter 10

181 14 1
                                    

Gwen's POV

“Geeo, sure ka ba na wala kang trabaho bukas? Recognition day na nila Esther bukas. Both of us should be there. Tatlong awards ang makukuha ng anak natin,” paalala ko sa asawa ko.

“Pupunta ako s'yempre. Special day 'yon, 'no. Nag-file ako ng leave for three days. You don't have to worry. Hindi kita bibiguin pati na rin ang anak natin,” sabi n'ya kahit nakatingin pa rin sa laptop n'ya at nagta-type ng script para sa bagong TV show.

Pinabayaan ko na lang s'ya. Kapag natapos n'ya na 'yon ay mas free na s'ya bukas. Nag-rush din ako ngayong buong buwan para matapos ko na lahat. Pinaghandaan ko na ang recognition day nila Esther. Ayaw kong may tatawag sa 'kin during the program about my incomplete and unfinished works. Baka magtampo si Esther kapag hanggang doon ay puro trabaho pa rin kami ni Geeo.

Naisipan kong kausapin muna si Esther. Alam kong excited s'ya para bukas. Hindi n'ya kasi inaasahan na gano'n karaming award ang makukuha n'ya. She deserve that. She did her very best during the whole school year. Hindi patamad-tamad 'yang anak ko, 'no. Antukin nga lang, pero hindi nakaaapekto sa studies n'ya.

I never really pushed her to study well. I don't care if she don't get any trophies. Mahirap na nga ang buhay sa labas ng school tapos ipe-pressure ko pa s'ya lalo sa studies n'ya? As long as she has passing grades and she's not doing anything that can ruin her life, it's all fine to me. But she always sets the bar high even though she doesn't know it.

Minsan napapatanong na lang ako sa sarili ko kung mabuti ba kong ina. Kung tama ba ang pag-aalaga ko kay Esther at kung tama ba ang paggabay ko sa kaniya sa mga ginagawa n'ya. I don't want her to be in any trouble. I don't want her to get hurt even though that's impossible. Ayaw kong masyado s'yang masakal sa parenting na ibinibigay ko. Ayaw ko rin namang maging masyadong maluwag. I want to be in the middle.

Maraming beses nang nasabi sa 'kin ni Geeo na sobrang suwerte namin sa anak namin. Hindi s'ya parang pako na kailangan pukpukin palagi. Alam n'ya kung paano i-handle ang mga sitwasyon. Hindi rin s'ya basta-bastang gumagawa ng desisyon. She's not lazy and she's responsible. Naiintindihan n'ya rin na busy kami ni Geeo sa trabaho para araw-araw kaming makaraos sa buhay. Some kids nowadays will get mad on their parents if their parents aren't giving enough time to them. I understand them, but I'm glad that my daughter are not like them.

My daughter's future plans are still blurry or maybe she doesn't want me to know. Ayaw ko s'yang madaliin na sabihin o magdesisyon sa daang tatahakin n'ya. College ko na nga nalaman kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay. I want Esther to take all the time to think about the path that she's going to take.

She can take any path as long as it's a legal and valuable path. Does that make me a good mother? I still don't know. Having a child like her feels like I'm in a story.

Yeah, I'm in a story. The story of our family. The most beautiful story.

Esther's POV

Inaayos ko ang mga gamit ko para bukas nang may kumatok sa pinto. Narinig ko ang boses ni Mama mula sa labas. Nagmadali akong buksan ang pinto.

“Anak, anong ginagawa mo? Nag-aayos ka pa rin ba?”

“Opo, Ma. Hinahanda ko na rin po 'yong ibibigay ko kay Aless.”

Last week lang sinabi sa akin ni Aless na aalis na s'ya. Uuwi na s'ya sa hometown ng parents n'ya, sa Davao. Doon na s'ya mag-aaral hanggang maka-graduate ng college. Sobrang biglaan ang desisyon ng parents n'ya. Wala naman s'yang magawa.

Mananatili na lang s'ya rito for three days. Naayos na kasi ang mga kailangan n'ya sa pag-alis. Hinihintay na lang ang credentials n'ya galing sa school. Balak pa naman naming pumasok sa parehong school para sa susunod na school year.

Our Author (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon