Esther's POV
Pitong buwan na simula nang umalis si Aless. Madalas naman kaming mag-usap sa chat, pero hindi matagal. Nasa kalagitnaan na kasi kami pareho ng school year. Dumadami na ang mga ginagawa tapos magkaiba pa ang strand namin kaya magkaibang subjects. Magagamit sana namin 'yong libreng oras namin para mag-aral ng magkatulong, pero hindi rin p'wede.
Bukod kasi sa mas marami ng ginagawa, may mga contest na sinasalihan si Aless. Madalas s'yang nasa training. Tapos inaayos n'ya na rin ang pagpa-publish ng una n'yang libro. A month ago ay may nag-alok sa kaniyang publishing company para i-publish ang isa sa mga pinaka sikat n'yang story. Tuwang-tuwa s'ya nang ibalita n'ya sa 'kin 'yon.
Natutupad na ang mga pangarap n'ya bilang isang manunulat. Totoo rin ang sinabi n'ya na kahit kailan ay hindi n'ya kakagatin ang offer ni Driz, iyong mayamang babaeng umaway sa kaniya sa event na anak ng may-ari ng isang publishing company. Ayaw na ayaw ni Aless sa babaeng 'yon pati na rin sa pagtrato ng kompanya nila sa mga aspiring writers.
Simula nang umalis si Aless ay mas marami ng nangyayari sa kaniya. Araw-araw yata ay may post s'ya sa social media about sa napanalunan n'ya o kaya tungkol sa mga sinalihan n'ya. Minsan naman may mga post din s'ya kasama ang mga bago n'yang friends.
Naiinggit ako sa kaniya. Mas nagpo-progress na s'ya ngayon kaysa noong palagi kaming magkasama. Ako kasi ay wala pa ring masyadong ka-close sa school. Nakauusap ko naman ang mga kaklase ko ng maayos, pero wala pa kong matatawag na kaibigan. Nakauusap ko lang kasi sila kapag may groupings o kaya kapag may tanong sila 'kin tungkol sa Math.
Masaya ako na natupad ang plano na pag-aaral ko sa school kung saan din nag-aral ng isang taon si Mama noon. Nakapasa ako sa test at sobrang qualified daw ako base sa standards ng school. Lagi nga akong sinasabihan ng mga teachers na sumali sa kung saan-saan, pero ako na mismo ang tumatanggi. Busy kasi ako sa pagte-take ng special writing classes tuwing weekend. Pursigido talaga akong matuto para umayos na ang takbo ng kuwento nila Alessandra at Jordan.
Hindi ko pa rin natatapos ang unang kuwento ko kahit ilang buwan ko ng ginagawa. Akala ko kapag nag-take ako ng writing classes ay dadali na ang paggawa ko ng stories, pero mas lalong humirap. Nagiging conscious na kasi ako sa mga linalagay ko. Hindi na ako 'yong tipo na tambak lang nang tambak ng words na naiisip ko. May mga rules na rin akong sinusunod sa pagsusulat. Mga natutuhan ko rin sa school na nagagamit ko palagi.
Bumuntong-hininga ako matapos ibaba ang lapis ko. Katatapos ko lang mag-drawing para sa assignment ko sa isang subject. Bukod sa mahina ako pagdating sa pagsusulat, na mukhang 'di na masyado ngayon, ang pangit-pangit ko ring mag-drawing. Senior high school student na ko, pero parang pang-kinder pa rin ang mga drawing ko. Ang baba tuloy ng scores ko kapag may drawing na kasama sa assignment.
Tatlong oras kong ginawa 'to, pero ang pangit pa rin. Ginaya ko na nga lang sa mga picture na na-search ko sa internet ang mga nakalagay, pero ang pangit pa rin. Mas magulo pa sa takbo ng kuwento nila Alessandra at Jordan itong gawa ko.
Tinabi ko na iyon dahil nai-stress lang ako. Imbes na mahimbing na ang tulog ko ay heto ako at nagsasayang ng mga bond paper at pinupudpod ang pambura ko. Pagdating ng college, sana wala ng ganito.
Kinuha ko ang libro na bigay sa 'kin ni Mama. Sinulat ko roon ang pangalan ni Perry Sureta. Si Perry ang bagong dagdag na character sa kuwento nila Alessandra. Kaibigan s'ya ni Alessandra at may gusto s'ya kay Jordan, pero tinatago lang n'ya. Mas gusto n'yang i-push si Alessandra kay Jordan dahil takot s'yang masaktan. Halata kasi na hindi s'ya magugustuhan ni Jordan.
Si Perry ay kagaya ng mga character sa TV na napapanood ko. S'ya 'yong kaibigang laging nagpapaubaya. S'ya 'yong laging nasasaktan sa sobrang bait. S'ya 'yong laging hinahamon ng buhay, pero babangon at babangon pa rin.
BINABASA MO ANG
Our Author (Completed)
Teen FictionImagine talking to the characters you've made. It's kinda amazing, right? Or maybe not.