Esther's POV
“Saya-saya mo, ah,” sabi ni Perry habang pinapakita ko sa kaniya ang gawa kong portfolio para sa school. Kinukuwento ko rin sa kaniya ang mga ginawa namin ni Yael kahapon. “Usbong na usbong ang love life.”
Sumimangot naman ako. “Hindi ko nga s'ya boyfriend. Bakit ba ayaw mong maniwala?”
Mapang-asar s'yang ngumiti. “Kasi hindi naman kapani-paniwala. Tuwang-tuwa ka habang kinukuwento s'ya,” napatigil s'ya saglit. “Kagayang-kagaya sa isang scene namin ni Alessandra no'ng kinukuwento n'ya ang nangyari sa kanila ni Jordan.”
Napanguso ako nang makita ang lungkot sa mukha ni Perry. “Pasensya na. Iyon kasi ang naplano ko, eh.”
Tumalikod s'ya at sumilip sa bintana. Naisip ko namang palabasin si Jordan para makapag-usap sila. Konti lang din kasi ang scenes sa story na magkausap sila ni Perry, eh.
Bago pa makapagsalita ang bagong dating na si Jordan ay naunahan na s'ya ni Perry na nasa bintana pa rin ang tingin. “Hindi na nga ako totoo tapos sa hindi rin ako totoo nagkagusto. Imberyna naman.”
“You like who?” Jordan asked. Agad namang napaigtad si Perry at napatingin sa puwesto. ni Jordan. “You like someone?”
Pinanlakihan ako ng mata ni Perry. “Bakit s'ya nandito?”
Napakamot na lang ako sa batok ko. “I want the both of you to talk. Lalabas na muna ako.”
Nginitian ko silang pareho saka dali-daling lumabas sa kuwarto ko.
Jordan's POV
Napatingin na lang ako sa pintong linabasan ni Esther. She's weird today. Even Perry is weird today.
Tiningnan ko ulit si Perry. “Hey.”
Umiwas agad s'ya ng tingin. “Masasayang lang ang oras mo sa 'kin.”
I only have a limited time to talk to her outside the story Esther made so I will not waste any time. “Perry, I know you have something to say.”
“Wala, okay?! Pupuntahan ko na lang si Esther para sabihing ibalik na tayo. Ayaw ko rito,” iritado n'yang sabi.
My eyes looked at her with disbelief. “Don't do this, please? If you're mad at me, tell me.”
“Why are you acting like you did something wrong?” she smirked. “We're not real. We're made to do what Esther wants. Bakit ako magagalit sa'yo kung sa una pa lang alam kong buhay lang naman ako mula sa imahinasyon n'ya? Wala akong karapatan dahil gawa-gawa lang din naman ako.”
She disappeared right in front of me. I know what she's feeling. Fictional character lang din ako. Wala akong sariling buhay. Lahat ng mangyayari sa 'kin ay nakasalalay kay Esther. Kung gusto n'ya kong patayin sa susunod na kabanata ng kuwento ay mamamatay talaga ako.
Tanggap ko 'yon. Nagpapasalamat pa nga ako dahil nagkaroon ako ng pagkakataong mag-exist kahit sa imahinasyon lang ni Esther.
But I know that something's up with Perry. She's mad at me for some reasons and she likes someone. Is it me? Or the guy who was with her in the last chapter?
Esther's POV
Bumalik ako sa kwarto ko nang marinig kong hindi na nag-uusap si Jordan at Perry. Nang pumasok ako ay si Jordan na lang ang nasa loob. Nakaupo s'ya sa kama ko at nakatingin sa 'kin.
“She disappeared already. Wala s'yang sinabi sa 'kin,” sabi ni Jordan bago ang nagbuga ng malalim na hininga. “I think she hates me.”
Pumamaywang ako habang nakatingin lang kay Jordan. Hindi ko rin maintindihan minsan si Perry. Halata namang may gusto s'ya kay Jordan. She's just holding back because they're fictional characters.
BINABASA MO ANG
Our Author (Completed)
Teen FictionImagine talking to the characters you've made. It's kinda amazing, right? Or maybe not.