Alessandra's POV
"Someone looks happy," napasimangot ako sa bungad sa 'kin ni Rhyvs nang pumasok s'ya sa bahay namin. "Wow, am I not welcome here?"
Ayaw ko talaga s'yang makita kasi kukulitin n'ya na naman ako. Gusto ko pa naman sanang makipagkuwentuhan kay Esther buong araw. Paraan ko 'yon para makabawi sa kasalanan ko no'ng nakaraan. Tapos malapit na rin ang birthday n'ya kaya gusto ko s'yang pasayahin dahil hindi naman ako makakapunta. Masyado kong maraming inaasikaso sa school.
Si Rhyvs naman ay laging nakadikit sa 'kin kahit busy din s'ya. Nagpakilala na nga rin s'ya ng pormal sa parents ko. My parents were very delighted because they thought that he is my boyfriend. Ang gwapo raw kasi ni Rhyvs tapos pareho pa raw kaming writer.
"Nandito ka na naman porque bet ka ni Mama at Papa," singhal ko sa kaniya.
Prente naman s'yang umupo sa tabi ko at inabutan ako ng dalawang chocolate. "Masanay ka ng nandito ako kapag wala akong pasok o kaya trabaho. Ang lungkot kapag mag-isa lang sa apartment, 'no."
Mabilis kong kinuha ang chocolates. "Kumusta pala 'yong university na pinapasukan mo? Baka doon na lang din ako pumasok kapag magka-college na ko."
"The university is good. Professors are bunch of geniuses, but some students, I don't like them. It's more of like disgust than hate," he said in a flat tone. "I still can't get the system of socializing with new people."
"Ang bilis mo ngang nakapagpalagayan ng loob sila Mama at Papa, eh."
"They are your parents," Tiningnan n'ya ako. "Ang mga estudyante sa university, hindi ko talaga kilala. Aside from I hate socializing, I also have trust issues."
Humarap na ulit ako sa laptop ko. Ka-chat ko kasi si Esther tapos biglang dumating itong si Rhyvs. Tinanong ko si Esther kung p'wede kaming mag-video call at nang pumayag s'ya ay tinawagan ko na agad s'ya.
Tiningnan ko si Rhyvs. "Huwag kang maingay, ah? Mag-uusap kami ni Esther."
He just chuckled. "Go on."
"Hi, Aless!" nagulat ako dahil sobrang lakas ng boses ni Esther nang sagutin n'ya ang tawag ko.
Naiinis akong tumingin sa kaniya. "Huwag mo ngang isubo 'yong mic mo."
Nagtaka ako nang halos maibuga ni Rhyvs ang iniinom n'yang tubig. Kinunutan ko s'ya ng noo. "Bakit? Anong nangyari sa'yo?"
Umiling-iling agad si Rhyvs habang pinupunasan ang bibig n'ya. "It's nothing. And if there's something, you wouldn't like it."
Inirapan ko na lang s'ya saka binalik ang tingin ko kay Esther.
"Pasensya na, Aless. Hindi ko pala naayos 'yong mic ko," natatawa n'yang sabi. "Teka, may kasama ka ba riyan? May narinig akong boses ng lalaki."
Hinatak ko si Rhyvs para makita s'ya sa camera. "Kasama ko 'tong lalaking 'to, oh."
Kumaway naman si Rhyvs sa camera. "Hi, Esther. It's been a while."
Kumurap-kurap muna si Esther bago ngumiti. "Magkasama pala kayo riyan, eh."
"Kinukulit kasi ako nito palagi," sabi ko saka tinuro si Rhyvs. "Talagang tinatantiya pasensya ko araw-araw, eh."
"But you can't change the fact that you like it when I'm here," tugon ni Rhyvs.
Hinampas ko naman s'ya sa braso. "Nyenyenye."
"Sana magkatuluyan kayo," Sabay kaming napatingin ni Rhyvs kay Esther.
"No!"
"Fine with me."
BINABASA MO ANG
Our Author (Completed)
Teen FictionImagine talking to the characters you've made. It's kinda amazing, right? Or maybe not.