Chapter 11

155 12 0
                                    

Alessandra's POV

“Salamat sa pagpunta n'yo kahit simpleng handaan lang. Biglaan 'to dahil bukas na ang alis namin. Naisipan nga lang namin 'to ng asawa ko dahil mami-miss talaga kayo ng anak namin,” sabi ni Mama sa parents ni Esther. Kadadating lang ng buong pamilya nila.

Just a while ago, we attended the recognition ceremony in our school. I got my credentials and other stuff that will be needed when I transfer on a new school.

There's a party held by our class, but me and Esther skipped that. We just stayed their for 20 minutes and we already head home to prepare for tonight's dinner. I also don't want to stay in the school just to hear people that I don't know or I am not close to saying goodbye to me.

Mabilis kong tinabihan si Esther sa may sofa. “Dito ka na matulog. Mami-miss kita.”

“Gusto ko nga rin kaso mag-aayos pa kayo. Baka makasagabal pa ako,” tugon ni Esther.

Esther is a very good friend. There's no doubt about that. She depicts the best character a person could have. S'werte ako na s'ya ang naging ka-close ko, pero gusto ko makahanap din s'ya ng ibang mga kaibigan.

Esther is not bad at talking to people nor being harmonious with them. She have the charms. Hindi lang s'ya komportable. Ako, best friend ko s'ya, pero may iba pa kong mga kaibigan. Wala pa kong nakilala na naging ka-close ni Esther kagaya ng pagka-close ko sa kaniya. Hindi p'wedeng gano'n. She needs more friends. Good friends that will help her improve and will support her.

Maraming nagsasabi na 'di mo naman kailangan ng maraming kaibigan basta may isa kang totoong kaibigan, but having a group of people who can cause wellness to you is an ultimate rebuttal to that. You just need to be good on choosing.

“Gusto ko sana mag-sleep over ka rito kaso baka 'di pumayag sila Tita at Tito. Lagi tayong magtatawagan, ha? Kahit pa alam kong mas busy na tayo sa susunod na school year.”

“Of course. Icha-chat din kita palagi. Nasa Pilipinas ka pa rin naman kahit lumipat kayo,” she poked my cheek. “Kumusta pala kayo ni Rhyvs? Sasama ba s'ya sa paghatid sa'yo bukas?”

Nakuwento ko kay Esther na napapadalas ang pag-uusap namin ni Rhyvs. Kagabi nga ay nag-video call kami. Sabi n'ya hindi raw p'wede na 'di n'ya ko makita bago ako umalis. Kinakabahan nga ako dahil baka mapagkamalan s'yang boyfriend ko.

Hindi naman sa iniisip ko na parang boyfriend ko s'ya, pero conservative ang parents ko. Baka iba ang isipin nila. Gano'n na kasi ang matatanda ngayon. Parang hindi na p'wedeng maging magkaibigan ang babae at lalaki. Magjowa na agad para sa kanila o kaya 'yong babae pa ang maharot.

Sabi ko kay Rhyvs huwag na s'yang pumunta para 'di s'ya maabala, but he's so persistent. Sabi n'ya may ibibigay pa raw s'ya sa 'kin. Sana lang maayos ang ibibigay n'ya.

“Siguro sa airport na natin s'ya makikita. Hindi talaga ko makapaniwala sa lalaking 'yon. Ang layo-layo kaya ng bahay n'ya sa airport, pero pupunta pa rin. He should mind his own business.”

Nagulat ako nang tusukin ni Esther ang tagiliran ko. “Malakas pakiramdam ko na may gusto 'yon sa'yo.”

Tinaasan ko s'ya ng kilay. “Stop saying nonsense, Esther. Imposibleng magustuhan ako no'n saka—”

“Paanong imposible? Halos wala ng imposible sa mundo. Saka may dahilan ba para 'di ka n'ya magustuhan? Ang bait-bait mo pa naman sa kaniya,” pagputol n'ya sa sinasabi ko.

“Gano'n lang siguro s'ya kasi tinutulungan ko nga s'ya, 'di ba? He's just being grateful,” pagkontra ko sa sinabi n'ya.

“Paano kung 'di lang pala s'ya grateful? Paano kung mag-confess na s'ya sa'yo bukas bago ka umalis? Then he will say those sweet words that he will wait for you, 'di ba?”

Our Author (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon