Gwen's POV
“Geeo, mag-usap nga tayo,” pagkuha ko sa atensyon ng asawa ko habang abala s'ya sa paglamon ng sandamakmak na ubas. “Tungkol kay Esther 'to.”
Tumaas ang dalawang kilay ni Geeo kahit kumakain pa rin s'ya. Senyales na makikinig s'ya.
“I heard her talking to herself,” Itinabi ko sa gilid ng lamesa ang librong binabasa ko kanina. “It's weird. Hindi naman n'ya ginagawa 'yon noon. Iisipin ko sana na may nagugustuhan n'ya at kausap n'ya sa phone—”
Napatigil ako sa pagsasalita dahil nanlalaki na ang mga mata n'ya. Muntik pa s'yang matig-akan. “What are you saying, honey? Sinasabi mo bang nagbo-boyfriend na ang anak natin? That's impossible.”
“Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo that that's not impossible. Dalaga na ang anak natin,” Sumandal ako sa upuan. “But that's not the issue here. She was alone that time. She's not using any gadget, pero parang may kausap s'ya talaga. The way she talks, parang may kausap talaga s'ya, pero wala naman s'yang kasama sa kwarto n'ya.”
Tumayo si Geeo at pumwesto sa likuran ko. Hinawakan n'ya ang magkabila kong balikat saka sinimulang masahihin. “Don't think too much. That's just our daughter exploring her own imagination. Malay mo sa gano'ng paraan pala s'ya natututo. Magugulat na lang tayo nakatapos na s'ya ng isang buong nobela.”
“I'm just worried.”
“Of course you are. Me as well, but worrying too much will not help us, honey,” mahinahon n'yang bigkas saka ako yinakap.
I sighed. “Okay, hahayaan ko na muna 'yon,” Liningon ko s'ya. “Nakausap mo na ba 'yong lalaking madalas na kasama ni Esther? 'Yong Yael.”
Kumunot agad ang noo ng asawa ko. “Yael? Nababanggit s'ya ni Esther pero hindi ko pa s'ya nakakausap. Nakita ko lang din s'ya noong nasa airport tayo. Months ago pa 'yon.”
“Paano kapag nalaman nating boyfriend na pala s'ya ng anak natin?” Muntik akong matawa dahil kumunot pa lalo ang noo ng asawa ko. “Mukha namang mabait ang binatang 'yon. Matangkad at gwapo pa. Bagay sa anak natin.”
“Honey, akala ko ba napag-usapan natin na p'wede lang mag-boyfriend si Esty kapag graduate na s'ya sa college?”
“I know, I know,” Humarap ako sa kaniya. “Pero alam mo namang uso ang puppy love. Kahit naman tayo ay nagkaroon ng gano'n. We just don't count them as our exes, but we had that back then. Babae ang anak natin, Geeo. Sa edad n'yang 'yan imposibleng hindi s'ya magkaroon ng crush o kaya no'ng matatawag n'yang first love.”
Lumayo sa 'kin si Geeo at umupo sa kama namin. “I just don't want her to experience that kind of heartbreak. That's going to be a hindrance for her.”
“It's normal, honey,” nginitian ko s'ya nang tingnan n'ya ko. “Kung magkaroon man s'ya ng gano'n at masaktan s'ya, it's a part of life. Let's just be by her side when that happens. Some things are inevitable, aren't they?”
Yael's POV
I sighed while looking outside of a fast food chain. Nakaupo lang ako habang naghihintay na naman ako kay Esther. She called me last night, saying that she wants to see me so we can hang out.
We already saw each other about two weeks ago, no'ng tinulungan ko s'ya sa research introduction na ginagawa n'ya. I don't know what happened about her research introduction, but I'm sure that her teacher accepted that. That's a masterpiece.
Kagaya no'ng huli naming pagkikita, marami rin akong gagawin ngayong araw. I need to clean my new apartment. Nakalipat na rin ako sa wakas. Doon sa mas maluwag na lugar at medyo malayo sa maingay na kalsada. Kailangan ko ring bumili ng mga bagong gamit para sa bahay. All of my incomes came from writing commissions and other sidelines. Lahat din ng trabaho ko ay online. All I need is my laptop, enough internet connection, and overflowing creative juice.
BINABASA MO ANG
Our Author (Completed)
Teen FictionImagine talking to the characters you've made. It's kinda amazing, right? Or maybe not.