Geeo's POV
“You like my daughter?” tanong ko kay Yael. He got guts I must say.
“Who will not like your daughter, sir?” He looked down. “I mean, she's beautiful and smart. Plus the fact that she's kind and simple. She got it all.”
Tumango-tango ako. “Hindi porque pinayagan kitang pumasok sa bahay namin ay pinapayagan na rin kitang dumikit-dikit sa anak ko. Ayaw ko pa s'yang mag-boyfriend.”
“Wala naman po sa isip ko na ligawan si Esther,” Tiningnan ako ni Yael. “Sa ngayon.”
“Wait for her until she finish her course in college. Bibilib talaga ko kung magagawa mo 'yon,” Sinamaan ko s'ya ng tingin. “Huwag ka ring magtatangkang gumawa ng kahit anong masama sa anak ko. I am not as good as I look.”
“I understand po. Malaki po ang respeto ko sa anak n'yo.”
Nagpatuloy na ko sa pagpasok sa bahay habang kasunod si Yael. Binuksan ko ang front door at ang nakangiting mukha ng asawa ko ang bumungad sa 'kin. Hinalikan n'ya ko sa pisngi nang makalapit na ko sa kaniya. “Welcome home, honey.”
I gave a peck on her lips. “I miss you. By the way, nandito na 'yong bisita ni Esty.”
Tiningnan n'ya naman si Yael na nasa likuran ko. “Hi, young man. Pasok ka na. Naliligo pa si Esther kaya baka mamaya mo pa makausap.”
“Okay lang po,” sagot ni Yael.
Hinatak ko papunta sa kusina ang asawa ko. Sinilip ko muna ang sala at nakita kong nakaupo na roon si Yael. Hinarap ko ang misis ko. “He likes our daughter.”
Kumunot ang noo ng asawa ko. “How did you know?”
“I asked him,” Nagulat ako nang hampasin n'ya ko sa braso. “Honey, why did you do that?”
“Hayaan mo lang ang mga bata, honey. Don't pressure them, Tinapik n'ya ang balikat ko. “Tatawagin ko na si Esther para makakain na tayo.”
Bumuntong-hininga na lang ako at tinanguan ang asawa ko.
Esther's POV
“Esther, nandito na si Yael.”
Dali-dali akong humugot ng damit mula sa cabinet ko. “Saglit lang po! Maliligo pa lang po ako!”
Nang tingnan ko ang mga fictional characters ko ay makahulugan silang nakatingin sa 'kin.
“Kabogera, binista ng jowa,” nakangising sabi ni Perry.
“Hindi ko nga s'ya boyfriend,” ingos ko.
“I-deny mo lang hanggang sa ma-realize mo, Esther,” panggagatong pa ni Alessandra.
“Alis na tayo. Mukhang magiging busy si Esther,” nakangising sabi ni Jordan.
“Aalis na talaga kayo kasi hindi ko kayo p'wedeng iwan dito,” Kinuha ko na ang notebook ko. “Mamaya na lang ulit, ha?”
I crossed out their names and they disappeared in just a snap.
Mabilis akong naligo at nagbihis. Nawili na naman kasi ako sa pakikipag-usap kila Alessandra, eh. Dapat pala naligo na muna ako.
Nang matapos ko ng i-blow dry ang buhok ko at magsuklay, lumabas na ko ng kuwarto ko. I saw Mama and Papa talking to Yael. Ang fresh tingnan ni Yael. Parang kahit ang layo n'ya ay naaamoy ko ang pabango n'ya.
Nang makita ako ni Yael ay ngumiti agad s'ya. Ginantihan ko rin ang ngiti n'ya, pero nawala rin ang ngiti ko nang makitang nakasimangot si Papa. Nako, umaariba na naman ang Papa ko.
BINABASA MO ANG
Our Author (Completed)
Teen FictionImagine talking to the characters you've made. It's kinda amazing, right? Or maybe not.