"Anak, kayang-kaya mong gawin 'yan. Simpleng essay lang 'yan," sabi sa 'kin ni Mama habang katabi ko s'ya at nagsusulat ako sa bond paper. Kailangan ko 'tong essay dahil assignment namin ito sa school.
High school na ko, pero kailangan ko pa rin ng guidance ni Mama pagdating sa mga ganitong bagay. Nahihiya nga ako para sa sarili ko. My Mom is a playwright and my Dad is a scriptwriter for movies and television dramas, but their one and only daughter can't even make a simple essay.
Ang pamilya namin ay puro manunulat. Ang mga pinsan ko puro journalists noong nag-aaral pa sila. Ang mga tito at tita ko puro mga nakapagsulat na ng mga sarili nilang mga libro at nakapag-publish na. Tapos may mga iba pa silang trabaho. Ink runs in our family's blood. Ewan ko lang kung namana ko.
Si Mama pinu-push n'ya ko lagi para magkaroon naman ako ng talent sa pagsusulat. Si Papa naman binibilhan ako ng mga libro tungkol sa grammar, creative writing, at kung anu-ano pa na hindi ko naman naiintindihan o baka hindi ko lang forte 'yong mga nagagawa nila.
"Ma, ang hirap naman kasi nito. P'wede bang mamaya na lang 'to? Mas gusto ko pang magsagot ng sangkaterbang Math problems kaysa magsulat nito," Napakamot pa ko sa ulo ko gamit ang pen.
Feeling ko minsan stress na stress na sa 'kin si Mama dahil sa kabobohan ko. I'm a disgrace to our family. Nape-pressure ako dahil ang gagaling nilang lahat. Lahat sila related sa pagsusulat tapos ako pangit na nga sulat ko, ang pangit pa ng content. Masyado kong direct to the point na hindi ko kayang abutin 'yong word count na kailangan para sa mga writing assignment namin. It's a really hard time for me.
"Anak, be honest, ayaw mo ba sa pagsusulat?" seryosong tanong ni Mama.
"Hindi naman po sa ayaw ko. Wala lang po talaga kong talent siguro. Marami po akong naiisip, pero hindi ko naman alam kung paano ko mae-express. Sorry, Ma. Gagawin ko na po ng maayos. Tatapusin ko na po."
Tumayo si Mama at pumasok sa kwarto nila ni Papa. Akala ko galit s'ya, pero binalikan n'ya rin ako habang may hawak na libro. Umupo s'ya ulit sa tabi ko at linagay sa harao ko ang libro.
"Sa iyo na lang 'to, 'nak. This is a blank book. P'wede kang magsulat ng kahit ano riyan. Just let your imagination works and it can make you feel alive and listen to me, your imagination is a friend of yours. Make it a living fiction for you."
TinTalim
BINABASA MO ANG
Our Author (Completed)
Teen FictionImagine talking to the characters you've made. It's kinda amazing, right? Or maybe not.