Chapter 25

108 11 3
                                    

Esther's POV

Nang makauwi na si Yael ay nagkuwentuhan lang kami nila Mama at Papa. Hindi na kami naghapunan dahil ang dami naming nakain kanina.

"Pasok na po ako sa kuwarto ko," paalam ko kay Mama at Papa.

"Matulog ka ng maaga, anak," paalala ni Mama. "Alam kong madaling araw ka ng natulog kanina dahil nag-video call kayo ni Aless."

"Opo," Hinalikan ko si Mama at Papa sa pisngi. "Salamat po sa mga handa at regalo n'yo today."

"All for you, Esty. Good night, anak," sabi naman ni Papa.

"Good night po!"

I entered my room and the sight of my bed is tickling my senses. Inaantok na ako at gustong-gusto ko ng matulog, pero mukhang hindi ako patutulugin ng isang bagay.

Pabagsak akong humiga sa kama ko. I picked up my phone and opened my Facebook account. Napangiti agad ako nang makitang pinost na pala ni Yael 'yong pictures namin kanina.

Hindi na ako nagulat na unang-unang nag-comment si Aless. Tsismosa rin 'to paminsan-minsan, eh.

Kumunot ang noo ko dahil sa caption na linagay ni Yael sa pinakahuling picture.

'I just need to wait for another year'.

Ang advance n'ya naman kung mag-isip. Nasa susunod na taon na agad ang utak n'ya. Nasarapan siguro talaga s'ya sa luto ni Mama kaya mag-aabang na naman s'ya ng susunod na handaan. Next month ay birthday naman na ni Papa kaya p'wede ko s'yang i-invite ulit.

Gumulong-gulong ako sa kama ko bago napunta ang mga mata ko sa laptop. Gusto kong gumawa ng chapter ngayon para mawala sa isip ko ang sinabi ni Yael. May nararamdaman kasi akong kakaiba sa tiyan ko sa tuwing naaalala ko ang sinabi n'ya.

Kinuha ko ang laptop saka 'yon pinatong sa kama. Nang buksan ko 'yon ay dumiretso agad ako sa document kung saan nakalagay ang Abyss From Yesterday.

Gumaganda na ang kuwento para sa 'kin. I mean, ang ganda kasi kapag iniisip ko s'ya. Sana naman kapag may nakapagbasa ay magandahan din. Baka ako lang pala ang nag-iisip na maganda ang kuwento.

Sinimulan ko ang pagtipa at parang kailangan ko ng magdagdag ng isa pang character. 'Yong character na sobrang game changer. Overpowered s'ya tapos s'ya talaga 'yong pinaka nakakaalam sa bawat sulok ng p'wedeng mangyari. Alam kong hindi pa ko sigurado kung anong nangyari kay Perry at Jordan para magkagulo-gulo ang feelings nila, pero gusto ko talaga ng bagong character para sa kuwento. Saka ko na iisipin ang ibang bagay.

Kinuha ko ang notebook na bigay ni Mama. Dito ko talaga sinusulat 'yong full description ng mga main characters ko kaya siguro nagkakaroon ako ng kakayahan para kausapin sila at makita. Ito rin ang ginagamit ko para matawag sila kaya paubos na ang pages.

Kapag naubos kaya ang pahina ng notebook na 'to, hindi ko na makakausap sila Jordan, Perry, Alessandra, at Rusty? I wonder, but I don't want to try. Natatakot ako at the same time. Having this kind of opportunity is already scary I am just used to it and when you're already used to something, it will surely hurt if it will be gone.

I don't know the limitations yet. I'm just enjoying the moments, but I hope it's something that lasts.

Sinulat ko na ang nga impormasyon tungkol sa bagong character. S'ya si Sigma. Isa s'yang Scientist sa batang edad at tutulungan n'ya sila Alessandra at Jordan.

Matalino s'ya, may katangkaran, kayumanggi ang balat, at malamlam ang mga mata. Hindi s'ya nagpapatalo. S'ya 'yong character na dumadating para i-unfold lahat ng sikreto ng isang kuwento. Overpowered s'ya kumbaga, pero nandito s'ya para tumulong.

Our Author (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon