Esther's POV
“Aless, basahin mo nga 'to,” sabi ko kay Alessandra, kaibigan ko simula elementary. Kaklase ko s'ya hanggang ngayon at nakatutuwa na ang tagal na naming magkasama.
Inabot ko kay Aless 'yong blank book ko. Hindi na 'yon blank at marami ng nakasulat. Isang lingo na rin kasi sa 'kin 'yon at sa loob ng isang linggo, ang daming pumapasok sa isip ko. Ang dami kong gustong isulat, pero hindi ko naman sinusulat lahat. Paunti-unti lang muna.
“Ano 'to, Esther? Puro characters lang 'to, eh. Medyo hindi ko gets,” napakamot pa s'ya sa mahaba at itim n'yang buhok habang kumakain ng egg pie.
“Ginawa ko 'to buong linggo. Mga characters 'yan na naiisip ko. Baka in the future mapagsama-sama ko sila sa iisang kuwento,” tugon ko.
Napangiti naman s'ya. “Ayos, ah. Kapangalan ko pa 'yong isa rito. Natutuwa ako na nagkakaroon ka na ng bagong libangan. Baka bukas makalawa, published author ka na. Yieeee, matutuwa sila tita at tito. Sumusunod ka na sa yapak nila.”
“Hindi naman sumusunod siguro. Sumusubok lang. Sa ngayon mga nai-imagine ko lang 'to. Wala pa ko sa kalingkingan ng parents ko. Kumbaga level 1 pa lang ako tapos sila level 150 na. Professionals na sila.”
“Kahit pa nasa level 1 ka pa lang ngayon, p'wede ka pang mag-level up. Kapag talaga gumaling ka sa ganiyan 'di ka na mahihirapan sa essays saka sa ibang writing activities. Malay mo magamit mo pa sa future 'yan. You'll never know what can it do. Imagination is powerful, okay?”
Napangiti na rin ako dahil sa sinabi n'ya. Alam kong magiging supportive s'ya sa 'kin dahil writer din s'ya. Bukod sa journalist s'ya rito sa school, linalagay n'ya rin ang iba-ibang kuwentong gawa n'ya sa writing platforms, pero 'di gaya ng parents ko tago ang identity ni Aless. Gusto n'yang ipalaganap ang galing n'ya, pero gusto n'ya rin ng privacy.
“Bumalik na nga tayo sa klase bago pa ko bumili ng isa pang egg pie,” pabiro n'yang sabi.
Tumango ako dahil Math na ang next subject namin. Nagagalit ang Math teacher namin kapag may mga nahuhuli sa klase n'ya. Ayaw kong mapagalitan, 'no.
••••
Bumuntong-hininga ako habang papalabas ng school. Kanina pa dapat ako nakauwi, pero kinausap ako ng English teacher namin. Binigyan n'ya ko ng advice tungkol doon sa ginawa kong essay. 85 lang kasi ang grade ko sa essay namin. Sana naman hindi ako ang pinaka mababa. Alam kong pasado 'yon, pero ang baba kasi.
Nagsabi naman ako kay Mama na male-late ako ng uwi dahil kinausap pa nga ako ng teacher ko. Susunduin n'ya dapat ako, pero mukhang sa sakayan muna ng jeep ang bagsak ko. Ayaw kong nagji-jeep kasi bobo akong mag-commute. Pauwi lang sa bahay saka papunta sa school ang alam ko.
Nakita ko ang isang pamilyar na kotse. I checked the plate number and I'm right, it's my Dad!
Napabilis ang lakad ko papunta sa kotse. Kinatok ko ng dalawang beses ang bintana at nakita ko ang nakangiting mukha ni Papa. “Hi, Esty,” he greeted me with the nickname that he made just for me.
Ginantihan ko ang ngiti n'ya bago sumakay sa kotse. “Hi po. Wala ka po bang trabaho ngayon? Day off mo po? P'wede tayong gumala?”
“Calm down, haha. Yes, today is my day off so I have no work to do, but I am planning to stay at home until tomorrow. I need a rest and your mom cooked something. Next time na lang tayo gagala, 'nak. Mas maganda kung kasama ang mama mo. I'd love to treat the both you.”
Tumango-tango ako at hindi na s'ya tinugon. Magda-drive na kasi s'ya at ayaw ni Papa na kinakausap s'ya habang nagda-drive. Gusto n'ya sa isa lang ang focus n'ya.
BINABASA MO ANG
Our Author (Completed)
Teen FictionImagine talking to the characters you've made. It's kinda amazing, right? Or maybe not.