Chapter 28

209 10 2
                                    

Esther's POV

“Elementary pa lang magkakilala na tayo. Childhood friends, you know? Tapos sinimulan kong manligaw sa'yo no'ng grade 10 tayo,” Anthony giggled while holding my hand. “Tapos sinagot mo ko no'ng second year college na tayo. We were both 20 years old that time kaya 'di na umalma ang parents natin. Goodness, before you got into coma, everything feels like a fairytale.”

Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari, pero pinipili ko na lang na intindihin ang lahat. Ang sabi ng doctor ay nanaginip daw ako habang comatose ako tapos ngayon ay may short-term memory lost ako na hindi naman daw delikado. The doctor also said that I only need to stay in the hospital for three weeks more because they still need to run some tests and check my whole body.

Sobrang tagal kong tulog kaya posible bang lahat ng nangyari ay panaginip lang? Sila Yael, Alessandra, pati si Mama at Papa, hindi ba talaga sila totoo? But it felt so real!

“Esther,” Napatingin ako kay Anthony. “Gusto mo bang kumain? Inaantok ka ba?”

Umiling ako. “Magkuwento ka lang. Gusto kong may malaman pa. Gusto kong may maalala.”

Ngumiti naman si Anthony. “Sige. Mamaya itatanong ko kung p'wede kitang ilabas. Alam kong nababagot ka na rito sa loob ng kuwarto mo.”

Mabait si Anthony. Kita ko rin palagi ang pagmamahal sa mga mata n'ya tuwing tinititigan n'ya ako. Gwapo s'ya, oo. Matangkad, medyo maputi, at malalapad ang balikat n'ya. Ang bango n'ya rin. 'Yong bangong parang gusto ko s'yang yakapin, pero pinipigilan ko ang sarili ko. Hindi ko pa kasi s'ya masyadong kilala. Kahit nagpakilala s'yang asawa ko, ayaw ko pa ring maging kampante.

“Wife, kukuha lang muna ako ng makakain. Gutom na ko, eh,” Hinalikan n'ya ang noo ko. “Babalik din ako agad.”

Sinundan ko na lang s'ya ng tingin habang palabas s'ya ng hospital room. Ang tambok pala ng puwet n'ya.

No! Hindi dapat gano'n ang iniisip ko!

I need to get out of here. Kailangan kong malaman kung ano na ba ang buhay sa labas. Anong taon na ba? Pareho lang ba? Na saang parte na ba ako ng mundo?

I don't have any answers. Kulang na kulang pa ang mga alam ko.

“Wife?” Napatingin ako sa may pintuan. May dala-dala ng pagkain si Anthony. Mukhang sa isang fast food chain lang s'ya bumili. “Mamayang gabi si Mama ang magbabantay sa'yo. Pinagpahinga ko s'ya kahit gustong-gusto n'yang pumunta. Excited s'yang makausap ka.”

Ang tinutukoy n'ya ay ang babaeng nagpakilala na Mama ko raw. Hindi ko man lang kamukha ang babaeng 'yon, pero tuwing nakikita ko s'ya ay parang may humahaplos sa puso ko.

“Anthony,” I called him.

Nang tingnan n'ya ako ay nakangiti na naman s'ya. “Yes, wife?”

“May salamin ka ba or something?”

“Salamin?” Linabas n'ya ang cellphone n'ya. “You can use my phone camera if you want to.”

Kinuha ko ang cellphone n'ya. Gusto ko kasing makita ang mukha ko— wait. I-Is this me?

Tinitigan ko ang lockscreen wallpaper ng phone n'ya. Kamukha ko 'yong babae. Parang mas matanda at mas mature lang ang itsura. Dahil walang password ang cellphone n'ya, isang slide lang ng daliri ko sa screen ay nakita ko na ang wallpaper n'ya. Kamukha ko rin 'yong nasa wallpaper n'ya.

“Ako ito?” tanong ko sa kaniya saka hinarap sa kaniya ang cellphone n'ya.

“Yes, that's you, wife.”

“Talaga?”

Nginitian n'ya ako. “Hindi ka ba makapaniwala na ganiyan ka kaganda?” Kinuha n'ya ang phone n'ya. He pressed the camera icon. “Smile, wife.”

Nang makita ko ang mukha ko sa screen ay parang ang daming nagbago. Kamukha ko, pero parang hindi ko rin kilala ang nakikita ko.

I forced myself to smile and Anthony smiled too. He clicked the capture button.

“Ang ganda mo talaga, wife. Ang s'werte ko sa'yo,” sabi ni Anthony saka marahang pinisil ang pisngi ko. “Miss ko na ang luto mo. P'wede mo ba kong ipagluto kapag nakauwi na tayo?”

Tumango ako saka ko naalala na ipinagluto ko rin si Yael bago mangyari ang lahat ng 'to. Good God, what's really happening to me? Is this the life that I'm going to live from now on?

“Yes!” Yinakap n'ya ako at agad kong nalanghap ang mabango n'yang amoy. “I miss you so much, wife.”

Sinubukan kong yumakap din s'ya and it actually felt good. Pakiramdam ko ligtas ako. Pakiramdam ko kumalma ang sistema ko.

Hinalikan n'ya ang pisngi ko na ikinagulat ko. “Mahal na mahal kita, Esther.”

Naramdaman ko ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko. Ngayon lang may nagsabi ng gano'n sa 'kin. I can feel that he said that with all his head.

“Anthony?”

Humiwalay s'ya sa yakap at ngumiti sa 'kin. “Po?”

“Kumain ka na,” I smiled. Sa unang pagkakataon simula nang magising ako ay nagkaroon na ko ng lakas na ngumiti. 'Yong totoong ngiti.

“Goodness, ang ganda mo talaga,” Hinaplos n'ya ang pisngi ko. “Mas lalo yata akong na-in love sa'yo.”

Naramdaman ko ang kakaibang feeling sa tiyan ko. Kagaya no'ng pakiramdam no'ng sinabi ni Yael na gusto n'ya ako. Si Yael... wala na ba talaga s'ya?

“Wife, ayos ka lang ba?” may pag-aalala sa boses ni Anthony. “May nasabi ba akong mali?”

“Wala,” I pointed his food. “Kumain ka na. Lumalamig na ang pagkain mo.”

Sinubukan kong umupo para mapagmasdan ko si Anthony. Linabas n'ya na mula sa plastic ang mga pagkain n'ya. May burger, fries, fried chicken, and rice. Naalala ko rin tuloy no'ng kumain kami ni Yael sa isang fast food chain.

This is going to make me insane. Nawawala na yata talaga ako sa sarili. Pero kailangan kong malaman ang totoo. Going insane is not an option!

Napatingin ako sa kaniya nang itapat n'ya ang isang piraso ng fries sa mukha ko. “Tikman mo, wife.”

Ngumanga ako at sinubo n'ya naman 'yon sa 'kin. I munched the fries and swallowed it.

Nang makita kong susubuan n'ya ko ulit ay pinigilan ko na s'ya. “Sabi ko ikaw ang kumain.”

Ngumiti naman s'ya. “Oo na po.”

Magsisimula na sana s'yang kumain nang may kumatok sa pinto. “Time for Miss Esther's check up.”

Pamilyar ang boses na 'yon sa akin, pero binalewala ko na lang.

“Labas na muna ako, wife. Baka maistorbo ko ang check up mo,” sabi ni Anthony bago lumabas ng kuwarto ko.

A nurse stepped in. May dala s'yang clipboard.

When she faced me, my eyes automatically widened. “S-Sigma!”

She smiled. “Na-miss mo ba ako?”

-TinTalim

Our Author (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon