Chapter 23

95 7 0
                                    

Alessandra's POV

"Happy birthday, Esther!" malakas kong sabi habang may hawak pang banner. Ka-video call ko ngayon si Esther at hinintay talaga namin ang alas dose ng hatinggabi. Gusto ko kasing ako ang unang babati sa kaniya.

"Happy birthday, Esther," sabi naman ni Rhyvs na nasa tabi ko.

Sabi n'ya no'ng dumating s'ya kanina, gusto n'ya rin daw batiin si Esther kaya tuloy pumayag sila Mama at Papa na mag-overnight s'ya rito. Naiinis pa naman ako palagi sa pagmumukha ng lalaking 'to kahit wala s'yang ginagawa.

"Salamat sa inyong dalawa," nakangiting sabi ni Esther. "Matulog na tayo, Aless. Baka mapagalitan ako ni Mama dahil puyat na puyat na naman ako."

"Sige! Enjoy your day," I paused then I smirked. "With Yael."

"Mamaya pa nga dadating si Yael," depensa pa n'ya. "Babye na sa inyong dalawa. Salamat ulit!"

Nang mamatay na ang tawag ay agad na humilig sa balikat ko si Rhyvs. Sinimangutan ko naman s'ya. "Ano na naman?"

"Wala lang. I just want to be this close to you."

"Sumbong kita kila Mama at Papa," pananakot ko sa kaniya.

He chuckled a bit. "Pinagkakatiwalaan ako ng parents mo. Baka nga mas tiwala pa sila sa 'kin kaysa sa'yo."

Nanlaki ang mga mata ko kaya mabilis ko s'yang nahampas. "Aba, aba, ang kapal na ng apog mo, ah!"

"Totoo naman. If I will ask them if I can marry you, they will probably agree right away."

Inirapan ko s'ya.

'Yan na naman kasi s'ya sa mga weirdong sinasabi n'ya. Ang bata-bata pa kaya namin tapos 'di ko pa s'ya gusto. I mean, gusto ko s'ya pero hindi 'yong tipong gustong maging boyfriend or something. Hays! Itong lalaking 'to kasi, eh. Lagi na lang akong ginugulo. Kung ano-ano na tuloy ang pumapasok sa isip ko.

"Hindi ko nga alam kung bakit tiwalang-tiwala sila Mama at Papa sa'yo. Kapag sinasabi kong ikaw ang kasama kong gumala, pumapayag agad sila."

Tumaas ang isa n'yang kilay. "Kaya nga kahit hindi naman talaga ako ang kasama mong gumala, sinasabi mong ako pa rin para payagan ka."

I shrugged. "Gano'n talaga."

"Ayos lang sana basta magpapaalam ka muna sa 'kin."

"Bakit naman?" Tumaas ang dalawang kilay ko. "Sinasabi ko naman sa'yo, ah."

"Sinasabi mo after mong gumala," sumimangot s'ya. "Paano kung may mangyaring masama sa'yo tapos sa akin ka hanapin ng parents mo? Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanila o kung saan ka pupuntahan. You are not like that when we were still in Manila, Alessandra. Hindi ka nagsisinungaling sa parents mo noon para lang magliwaliw."

Umiwas ako ng tingin dahil tama naman s'ya. Mas marami kasi akong friends dito tapos madalas kaming mag-mall at pumunta sa iba't-ibang events. Hindi naman ako nagliliwaliw lang. Minsan gusto ko lang talagang maglabas ng stress.

"Alessandra, I'm just worried. It's fine to hang out with your friends if you want to feel a lot better, but please stop using my name and stop lying to your parents."

Mabilis akong tumayo at kinuha ang laptop ko. Pumasok ako sa kuwarto at linock ang pinto matapos iwan si Rhyvs sa sala.

Ayaw kong makinig sa kaniya. Papagalitan n'ya lang ako. Nakakasira ng mood.

I heard two knocks on my door. "Sandra, come on. Alam kong wala akong karapatang pagsabihan ka because I'm just your friend, but I care for you."

"Matulog ka na lang sa sala o kaya umuwi ka na, Rhyvs," tugon ko.

"I still have some ice cream here. Let's eat together like what we planned."

Bumuntong-hininga ako at tumayo saka binuksan ang pinto. Nakita ko kaagad si Rhyvs na nakatayo habang may dalang dalawang ice cream.

Kinuha ko ang ice cream. "Akin na 'tong ice cream pero hindi tayo bati."

"What? Hey, that's unfair," he pouted.

"Kainin mo na 'yang iyo at matulog ka na."

Hindi ko na hinintay ang sagot n'ya at sinara ko na ang pinto.

Esther's POV

Busy ako sa pag-aayos ng mga handa ko sa lamesa. Konti lang ang linuto ni Mama dahil apat lang naman kaming kakain. Kanina pa nga ako natatakam doon sa graham cake kaso bawal ko pang tikman.

"Anak, hayaan mo na 'yan. Ako ng bahala," pagsingit ni Mama.

"Okay lang po, Ma. Si Papa po, anong oras makakauwi?"

"Pauwi na ang Papa mo. Bumili pa raw s'ya ng regalo," ngumiti si Mama. "Happy birthday, anak. Lumalaki kang maganda. Manang-mana sa 'kin."

Yumakap ako kay Mama. "Salamat po. Maliligo na po ako. Nanlalagkit na po ako, eh."

Nagtaka ako nang sumimangot si Mama. "Bakit po?"

"Ang baho mo na pala tapos yinakap mo ako. Kakaligo ko lang, anak," tumawa s'ya ng mahina. "Sige na. Go take a bath. Baka mabaho ka pagdating ni Yael."

Tumango ako saka pumasok sa kwarto ko pero bago maligo ay kinuha ko muna ang notebook na bigay ni Mama. I wrote all of my main characters' name. Ilang sandali pa at nandito na silang lahat sa kwarto ko.

"Happy birthday, Esther!" sabay-sabay nilang pagbati sa 'kin.

"Salamat," Umupo naman sila sa kama ko. Napangiti ako nang makita kong nag-uusap si Alessandra at Rusty tapos si Jordan at Perry naman.

For the last two months I didn't got enough time to talk to them one by one. Tatlong beses lang sa isang linggo kung may tawagin ako sa kanila pero patuloy pa rin ako sa pagsusulat ng kuwento nila. Hindi ko hahayaang ma-stuck sila ng masyadong matagal sa iisang chapter lang.

"Kumusta kayo?" tanong ko habang pinagmamasdan sila isa-isa.

"Ayos lang," sagot ni Alessandra. "Bongga ng last chapter na gawa mo. Pasabog!"

Nginitian ako ni Perry. "Nagulat din ako sa nangyari, eh."

"I was freaking sleeping in the chapter where everything is starting to unfold," bumuntong-hininga si Rusty. "Ang sama mo sa 'kin, Esther."

"Paganda nang paganda ang mga nangyayari sa mga chapter, Esther," papuri sa 'kin ni Jordan. "You're improving."

"Salamat," Tiningnan ko si Perry at sinenyasan s'yang lumapit sa 'kin. "Let's talk for a bit."

Tumango s'ya saka lumapit sa 'kin. "Ano ba 'yon?"

"Nasasaktan ka pa rin ba?" diretsahan kong sabi.

Natahimik s'ya saglit saka pilit na ngumiti. "Siguro, pero ayos lang ako. I can finally manage. Hindi ko p'wedeng hayaan ang emosyon na 'yon, kung ano man 'yon. Fictional character lang ako. Dapat una pa lang na-realize ko na na kung ano lang ang tinalagang dapat maramdaman ko ay iyon lang dapat ang mararamdaman ko."

Nagtaka tuloy ako. Posible ba ang gano'n? Masyadong biglaan. Kung totoong tao sila, hindi magiging gano'n kadali pero baka gano'n talaga dahil fictional characters sila. Naguguluhan na naman ako.

"Anong pinag-uusapan n'yo?" napatingin ako kay Jordan na nakalapit na pala sa 'min. "Sorry, na-curious lang ako."

Tinapik ni Perry ang balikat ko bago s'ya bumalik sa dati n'ya kinauupuan. Nagsimulang makipag-usap kay Alessandra si Perry habang si Rusty naman ay nakahiga na naman sa kama ko.

"Jordan, do you still have the strange feelings?"

Tumaas ang dalawang kilay ni Jordan. "Oh, that. I don't know. I can feel it lingering inside of me, but I'm trying to suppress it. I don't want it to be a burden to my role in your story."

Kumunot lalo ang noo ko. Perry and Jordan, pareho nilang iniiwasan ang damdamin na 'yon. Bakit? Bakit bigla nilang ginagawa 'yon? Ayaw lang ba talaga nilang maging sagabal 'yon?

"Esther, huwag kang masyadong mag-isip," ngumiti ng matamis si Jordan. "It's your birthday. Enjoy it."

Paano ko naman ma-e-enjoy ang birthday ko kung ngayon ay nagtataka na ko sa mga nangyayari? Things are moving too fast.

Kinausap ko na lang muna sila tungkol sa kung ano-ano para mawala ang pagtataka ko.

Narinig kong may kumatok sa pinto. "Esther, nandito na si Yael."

Yael's POV

"Finally," I whispered to myself.

Nakarating na rin ako sa bahay nila Esther. Muntik pa kong maligaw. Buti na lang at nag-send s'ya ng picture ng bahay nila. This is gonna be my first time to visit their home.

Dala-dala ko ang dalawang box kung na saan ang regalo ko para kay Esther. May dala rin akong chocolates para sa parents n'ya. I hope they will like it. Ayaw kong magkaroon ng bad impression sa parents ni Esther.

I know her parents. They're famous. They're top notch writers and I don't want to embarrass myself in front of them.

Magdo-doorbell na sana ako nang may humintong kotse sa harap ng bahay nila Esther.

I know the man who stepped out of the car, it's Esther's father. Nakita ko na s'ya noong sumama ako sa paghatid kay Alessandra sa airport.

Agad akong bumati sa kaniya. "Good afternoon po, sir."

"Are you Yael, Esther's friend?" tanong sa 'kin ng Papa ni Esther. 'Di na siguro n'ya ko masyadong natatandaan.

"Opo, ako nga po," magalang kong sagot.

"Oh, I'm glad that you're here. Thank you for coming to my daughter's birthday," s'ya na ang nagbukas ng gate. "Pasok na tayo. Baka naghihintay na ang mag-ina ko sa loob."

"Sige po, salamat."

Naglakad na kami papasok. Nakita ko kaagad ang may kalakihang bakuran nila Esther. Bago pa kami makalapit doon sa front door ay humarap sa 'kin ang Papa ni Esther.

"Are you courting my daughter?"

I was taken aback by the question. "P-Po? Hindi po. Friends lang po kami."

"Are you sure? I know that my daughter is getting old, but she's still not old enough to have a boyfriend."

I cleared my throat. "I'm not courting her, but I do like her po."

-TinTalim

Our Author (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon