Chapter 13

128 8 0
                                    

Alessandra's POV

“Hello, Esther!” masigla kong bati kay Esther. Kauuwi ko lang sa bahay namin dahil may training kanina para sa mga journalist. “Kumusta ka? Isang linggo rin tayong 'di nagkausap.”

Na-miss ko s'ya. Lagi kong kinukuwento sa kaniya kapag may mga bago akong natutuhan o kaya kapag may napupuntahan akong maganda. Marami na akong napuntahan dito sa Davao. Kapag bakasyon na ulit sana payagan si Esther na pumunta rito. Ipapasyal ko s'ya at kakain kami ng marami!

Hindi sumagot si Esther mula sa kabilang linya. “Esther? Hoy, sumagot ka naman.”

“Aless, hello,” Kumunot ang noo ko nang marinig ang nanghihina n'yang boses. May sakit ba s'ya? Sa pagkakatanda ko ay sobrang bihira n'yang magkasakit.

“May sakit ka ba? Ano bang nangyayari sa'yo?” magkasunod kong tanong. “Nasa bahay ka ba? Masama pakiramdam mo? Gutom? Puyat?”

“Masakit lang ang ulo ko. Ang dami kasi naming ginagawa para sa research namin. Ang babagal pa naman kumilos ng mga ka-group ko. Puro pagre-relax lang ang inaatupag. Nahihirapan ako lalo,” Bumuntong-hininga s'ya. “Hindi ko sila masyadong ka-close kaya hindi ko mapagsabihan. Baka masamain nila at ako pa ang madagdagan ng gagawin. What am I gonna do?”

Umupo ako sa couch namin sa may sala saka nag-Indian sit. “Hindi talaga maiiwasan ang mga ganiyang pangyayari. Endure it for now, basta gawin mo ang part mo para wala silang masasabi. Sabi ko naman sa'yo makipag-close ka na sa kanila, eh. Kapag kasi ganiyan baka mas humirap lalo para sa'yo kapag may research defense na.”

Nai-imagine ko na ang itsura ni Esther ngayon na nagkakamot ng ulo n'ya dahil sa sobrang stress. I saw how she sailed smoothly when we were in high school, but being a senior high school student is a different story. Lalo na siguro sa college. Mukhang mahirap talaga dahil si Esther ay nai-stress na. Hindi s'ya 'yong tipo nai-stress sa pag-aaral noon. Hindi nga kasi s'ya 'yong tipo na nangangarag pagdating sa grades. Chill lang s'ya, pero ngayon ay dama ko hanggang dito sa Davao ang stress n'ya.

“Wala pa rin akong friend dito. May nakakausap ako, pero kapag kailangan lang.”

Napailing-iling na lang ako. Ganito na ang problema n'ya simula no'ng nagsimula ang klase. It's the same thing over and over again.

Sasagot na sana ako nang nakita kong may isa pang tumatawag. Nagulat ako nang mabasa ang pangalan ng caller, it's Rhyvs. Ngayon lang s'ya tumawag. Ang huli naming pag-uusap ay sa airport, no'ng bago ako umalis papuntang Davao.

“Ah, Esther, tawagan na lang ulit kita mamaya. May emergency lang. Pasensya ka na, ha? I'll hang up now.”

Mabilis kong tinapos ang tawag namin ni Esther saka sinagot ang tawag ni Rhyvs. This man made me so worried for the past months. Sabi n'ya sa akin no'ng nasa airport pa kami ay tatawag s'ya palagi. I thought he's going to fulfill that, but he didn't. Hindi ko naman alam ang social media accounts n'ya o kung meron ba kaya hindi ako updated. Wala rin s'yang bagong story na linalabas.

Grabe ang pagkadismaya ko sa lalaking 'to. Kapag nakita ko s'ya, susuntukin ko talaga s'ya. He lied to me and I expected too much.

“Bakit ka napatawag?” masungit kong panimula. “Mali pala, bakit naisipan mo pang tawag?”

I heard him chuckle from the other side. “I'm sorry. Hindi ko natupad ang sinabi ko. I've been too busy.”

Napaismid na lang ako. “Five months kang busy? Sa loob ng five months kahit isang tawag, wala? Kahit text man lang? Are you fucking kidding me right now? I hate it when people lie to me. I loath those kind of people who always break their promises.”

Our Author (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon