Chapter 15

123 9 0
                                    

Esther's POV

Naglalakad na kami ni Yael papunta sa sinabi ko sa kaniyang bookstore. Hindi naman s'ya nagrereklamo kahit medyo malayo na ang nalakad namin. Nakapagpahinaw naman kami ng busog bago nagsimulang maglakad. P'wede kaming mag-tricycle pero mas masaya kung maglalakad.

Ang bait talaga ni Yael. Hindi s'ya gano'n kadaldal ngayon, pero hindi s'ya naiinis na ako naman ang madaldal. Kay Aless lang ako noon komportableng magkuwento, eh. Saka s'yempre sa mga fictional characters na gawa ko.

Ang laking tulong ni Yael para roon sa research namin sa school. Ang galing n'yang magturo tapos halatang sanay na sanay s'ya habang chine-check n'ya 'yong gawa ko noon. Dahil sa kaniya naging ka-close ko na 'yong iba kong kaklase, especially 'yong mga ka-group ko. I can now finally say that he is a friend. A very good friend. Sana lang at gano'n din ang tingin n'ya sa 'kin.

Mabilis kong hinatak ang kamay ni Yael nang matanaw ko na ang bookstore. “Iyon, oh! Malapit na tayo.”

“Hindi mo ko kailangang hatakin,” natatawa n'yang sabi. “And please, slow down while walking. Baka madapa ka.”

Hindi ako nakinig sa kaniya. Gusto ko na kasing makita n'ya na agad 'yong nakita ko no'ng isang araw. Sobrang natuwa ako no'ng makita ko 'yon.

Huminto kami sa tapat no'ng bookstore. Agad kong tinuro 'yong mga librong naka-display na nakaharap sa may bintana. “Look, those are your novels. Linagay nila sa bestseller. Ang gaganda ng book covers tapos no'ng unang napadaan ako rito, nakita kong ang daming bumibili ng mga libro mo!”

Napangiti ako nang nakita kong sumilay ang magaan ngunit matamis na ngiti sa mga labi n'ya. “That's somewhat unexpected for today. Hindi ko alam na may copies pala sa local bookstores kagaya nito.

“Tingnan natin ng malapitan,” pagyaya ko sa kaniya. Mas lalo akong natuwa nang agad s'yang tumango at nauna pang pumasok sa loob ng bookstore.

Bumati ako roon sa medyo matandang nagbabantay sa bookstore. Madalas na mga fictional novels at children's books ang itinitinda rito. Konti lang ang mga sasakyang dumadaan sa paligid ng bookstore pero tuwing napapadaan ako rito, puno ng mga customer. Ngayon lang siguro konti dahil tanghali na.

Lumapit si Yael doon sa matanda. “Sir, ilang stocks po ang meron para roon sa mga libro na nasa bestseller?”

“Iyon ba? Kada isang libro roon ay may 500 copies lang pero 'yong mga libro na si Exrid ang nagsulat, palaging may dumadating na bagong copies dito. Mabilis kasing nauubos ang mga 'yon. May mga customer pa ngang nagpapa-reserve ng mga libro n'ya,” sagot ng matanda.

Nakamasid lang ako kay Yael. Mas lumiwanag ang awra n'ya ngayon. Parang bored na bored na kasi s'ya kanina kaya naisip kong gawin 'to.

Exrid ang pen name ni Yael. Makikita agad iyon sa mga writing accounts n'ya.

Halos isang buwan pa lang ang nakalilipas nang matuklasan ko ang bookstore na ito. Hindi ko kaagad napansin na libro pala ni Yael 'yong mga naka-display. Hindi ko pinapansin kasi ang sexy masyado no'ng mga book cover pero nang makita ko ang pen name n'ya na nakalagay sa libro, doon ko na napagtanto.

Linapitan ni Yael 'yong mga libro n'ya na naka-display. Hindi napapatid ang ngiti n'ya. Mas gumwapo s'ya ngayon na gano'n ang ngiti n'ya. Gwapo naman talaga si Yael kahit noong una ko pa lang s'yang makita. S'ya 'yong tipo na mapapako ang tingin ng isang tao kapag nakita s'ya. Head turner kumbaga.

Binaling ni Yael ang tingin n'ya sa 'kin. “I'm glad that I came here with you. Thank you, Esther.”

Kusa akong napangiti nang marinig iyon kasabay ng parang kiliti sa tiyan ko. Pinili ko na lang na ignorahin ang pakiramdam na iyon.

Our Author (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon