Esther's POV
“Ang saya kanina, Aless!” sabi ko kay Aless habang nakasakay kami sa jeep. Kanina pa s'ya tahimik. Parang ang lalim ng iniisip kaya ako na ang unang nagsalita.
“Yeah, it was fun,” tugon n'ya, pero parang wala naman s'yang gana. Hindi ko alam kung may nangyari bang masama sa kaniya. Noong balikan n'ya kasi kami ni Yael sa table namin ay nakakunot na ang noo n'ya. Sinubukan ko s'yang tanungin kung may problema ba, pero wala naman daw.
“Aless, okay ka lang ba talaga? Ang seryoso mo. Kinausap ka na naman ba no'ng Driz?”
“No, don't mind me,” she finally looked at me. “Pagod lang ako. nakipag-tsismisan kasi ako sa ibang writer kanina dahil mukhang busy kayo ni Yael. Ang hirap makipag-usap sa kanila.”
Tumango ako pero hindi pa rin ako kumbinsido. “Pasensya ka na kung nawili akong kausapin si Yael. Ang interesting n'ya kasing kausap.”
Tumaas ang isa n'yang kilay. “Baka crush mo na si Yael, ha. Hindi kita pipigilan kung oo kasi s'yempre gwapo naman talaga s'ya tapos sikat pa, pero kilatisin mo munang maigi. Mahirap magka-crush sa maraming fans.”
Natawa ako sa sinabi n'ya. Wala naman akong gusto kay Yael. Kung meron man iyon ay maging kaibigan s'ya. Marami akong matututuhan pagdating sa pagsusulat mula sa lalaking 'yon.
“Wala akong crush sa kaniya,” Umusog ako ng kaunti nang may sumakay na bagong pasahero. “Pakiramdam ko lang matutulungan n'ya ko pagdating sa pagsusulat. Dami ko kayang nalaman pagkatapos magsalita no'ng mga speaker kanina. Very inspiring. Nagkakaroon ako ng mas maraming motivation para magpatuloy.”
Seryoso na naman ang mukha ni Aless. “Huwag kang magkakagusto sa kapwa mo writer. Lalo na sa kakakilala mo lang. Kahit pa matagal ko ng kilala si Yael, mag-ingat ka pa rin s'ya. Wala akong masyadong insights tungkol sa lalaking 'yon.”
Nginitian ko si Aless. “Wala nga akong gusto sa kaniya. Imposible rin na magkaroon dahil wala naman sa isip ko ang gano'ng bagay. Gusto kong matuto, hindi lumandi o ma-in love man lang.”
Marami sa mga kaedad ko ang may mga boyfriend at girlfriend na. Hindi ko nga alam kung bakit sobrang bihira kong magkaroon ng crush. Bihira na nga tapos sa hindi pa nag-e-exist. Falling in love at my age is a hassle for me. I don't need it.
“Sinasabihan lang kita, Esther. Bababa na ako. Ingat ka sa pag-uwi mo. Buti maaga tayong umuwi. Sana hindi pa nai-stress ang Papa mo kaiisip kung nakauwi ka na ba.”
“Nag-text naman ako sa kanila na maaga tayong nakaalis sa event. Ingat ka rin, ha? Kita na lang ulit tayo,” sabi ko kay Aless bago s'ya bumaba ng jeep. Sumilip pa ko sa bintana ng jeep at kumaway sa kaniya, pero hindi n'ya na ko liningon.
Naiwan sa ere ang kamay ko. Hindi naman kasi gano'n si Aless. Lagi s'yang kumakaway bago tuluyang umalis. Napaigtad na lang ako nang nagsabi 'yong katabi ko na iabot ko raw 'yong bayad n'ya sa driver. I should stop spacing out. Okay lang naman siguro si Aless. Marami lang sigurong iniisip. Nag-aalala ako pero ayaw ko s'yang pilitin kung ayaw n'yang sabihin.
Alessandra's POV
Katatapos ko lang maligo nang mapatingin ako sa cellphone ko. Naligo talaga ako para makapag-isip ng maayos. I feel so occupied by everything.
Natagalan ako sa banyo kaiisip kung tatawagan ko ba si Rhyvs o hindi. Curious nga kasi ako, pero ayaw kong ako ang unang tatawag. Dedicated ako kanina pero ngayon hesitant na. Kinakabahan ako. What if this is a trap or a prank? But Rhyvs is not the kind of person who will pull up pranks on others. He hates to socialize with others and being noticed by them.
If he changed, that's really amazing, but that fast? Why am I even worried about him? We're not friends! I also hate him for always saying that people are disgusting.
BINABASA MO ANG
Our Author (Completed)
Teen FictionImagine talking to the characters you've made. It's kinda amazing, right? Or maybe not.