Esther's POV
“Video call ulit tayo bukas, ha?” paalala ko kay Aless.
Halos dalawang oras na kaming nagvi-video call. Tatlong araw na lang at 17th birthday ko na. Sinusulit namin ni Esther dahil sumakto pa ang birthday ko sa week na wala masyadong ganap sa mga school.
“Sure! Babye, Esther!”
“Bye, Aless. Bukas na lang ulit!”
Napangiti ako nang patayin n'ya na ang tawag. Tuwang-tuwa ako dahil maliit na handaan lang ang gagawin nila Mama at Papa. Akala ko ipipilit pa rin nila na mag-party na naman ng bongga. Ako rin ang pinapili nila kung anong mga pagkain ang gusto kong ihanda sa birthday ko.
I chose spaghetti, fried chicken, graham cake, and ice cream. Parang limang taong gulang ang magbe-birthday pero iyon talaga ang gusto ko. Kung naalala ko lang siguro no'ng time na nagtanong si Mama kung anong gusto ko, baka nasabi ko rin ang hotdog na may kasamang marshmallow.
Lumabas ako ng kuwarto ko at nakita ko si Papa sa may sala. Abala s'ya sa pagtitipa sa laptop n'ya. Si Mama naman ay nakita ko na nagluluto na ng hapunan sa kusina.
Pinili kong umupo sa tabi ni Papa. “Hi, Papa.”
Tumigil agad si Papa sa ginagawa n'ya at binalingan ako ng tingin. “Hi, Esty. May kailangan ka ba, anak? May naisip ka na bang hiling para sa birthday mo? Kahit ano pa 'yan, susubukan kong ibigay.”
“Wala naman po akong gustong materyal na bagay,” Umayos ako ng upo sa sofa. “Basta po sana kasama ka namin ni Mama sa birthday ko.”
Siguro kung maririnig ng iba ang sinabi ko ay sasabihin na masyadong simple ang hiling ko, pero iyon talaga ang pinaka gusto ko. He is currently working on another script for the newest fantasy series on Flash Channel that's why his schedule is packed. Alam kong p'wedeng maging hassle 'yon kay Papa pero sabi naman n'ya ay susubukan n'ya.
“Kasama n'yo ako, s'yempre,” he kissed my forehead. “Gusto ko ring makilala 'yong Yael. S'ya lang kasi ang bisita mo sa birthday mo, 'di ba? That means you two are very close.
I smiled. “We're good friends, Papa. Best friends, gano'n.”
I saw an unfamiliar emotion on his eyes. “Mabuti 'yan. Basta huwag ka munang magjo-jowa anak, ha? Hindi pa ako handa.”
Natatawang tinugon ko ang sinabi ni Papa. “Bakit po parang kayo pa ang dapat na maghanda?”
“Hindi pa kasi ako handang bumali ng buto,” he chuckled. “I will protect my only daughter at all cost. Kaya huwag kang maglilihim sa 'kin kapag may nagugustuhan ka ng lalaki. Kailangan malaman agad natin kung may gusto rin ba s'ya sa'yo tapos saka natin gigisahin.”
“You always think about me having a boyfriend, Papa. Wala pa nga po 'yan sa isip ko,” Tumayo ako at nagpaalam kay Papa. “Puntahan ko lang po muna si Mama.”
“Sige, anak. Pakisabi rin sa Mama mo na umaatungal na 'yong dragon sa tiyan ko. I badly want to eat.”
Tumango ako bago pinuntahan si Mama. Abala pa rin si Mama sa pagluluto nang madatnan ko s'ya. Paksiw na baboy ang linuluto ni Mama at ang bango-bango no'n.
“Ma, patapos ka na po bang magluto?” tanong ko kay Mama nang makalapit na ko sa kaniya.
“Gutom ka na ba, 'nak? Give me five more minutes. Ikalma mo muna 'yang tiyan mo.”
“Si Papa po ang may tiyang kailangang kumalma,” I chuckled.
Dahil hindi pa naman kami kakain ay bumalik na lang muna ako sa kuwarto ko. Napansin kong nakailaw ang cellphone ko. Nang lapitan ko 'yon ay may four missed calls na galing kay Yael. Tumunog 'yon at nakita kong tumatawag na naman s'ya.
BINABASA MO ANG
Our Author (Completed)
Teen FictionImagine talking to the characters you've made. It's kinda amazing, right? Or maybe not.