Simula

31.2K 443 6
                                    

Kid


                  Sariwang hangin kaagad ng San EldePuente ang sumalubong sa kanya pagkababa nila ng bus. Wala sa sariling ninamnam nya ang paglanghap ng sariwang simoy ng hangin ng San EldePuente. Ibang iba sa simoy ng hangin ng Sta. Vista.

"Sasakay ho ba kayo ma'am?" Panguusisa ng tricycle driver na ngingiti ngiting lumapit sa kanila.

"Hindi Manong, baba na ho kami." She sarcastically spouted, obviously sasakay sila, alangan namang gumapang sila pauwi sa bahay ng lola nya. Nakangiwing napakamot sa batok ang tricycle driver dahil sa pambabara nya.

"Draccie 'yang bibig mo!" She just rolled her eyes heavenward after hearing her mother's rant. Mapang-asar na nginitian rin s'ya ng kapatid nyang kulang sa turnilyo.

"Sasakay ho kami Manong." Singit ng kapatid n'yang bruha.

"Tara na ho kung gano'n, saan ho ba tayo?" Bumalik na ang sigla ni Manong driver at iginiya sila kung nasaan ang tricycle nito. Bitbit ang mga gamit nya'y tahimik syang sumunod patungong tricycle. Tinulungan pa sila ng driver na ipasok sa tricycle ang mga gamit nila.

"Sa bahay ho tayo ni Feliciana Delos Juenos." She said as she settle herself behind the driver.

"Kumapit kayo ma'am!" Paalala ni Manong habang inaandar ang tricycle, dahil sa likod s'ya nito nakapwesto.

"Kumapit naman ho ako pero s'ya ho 'yong bumitaw." Malakas lang sa bulong na asik nya. Naiiling nalang na minaobra nito ang tricycle paalis. Hindi nya maiwasang purihin ang ganda ng San EldePuente habang nasa byahe. Kung ang Sta. Vista ay pulos gusali at estruktura, ibahin mo ang San EldePuente. Dahil ang San EldePuente ay napapaligiran ng malawak na bukirin, matatayog at mayayabong na puno. Ang mga bukirin na nagmistulang isang paraiso dahil sa sari saring pananim. Sta. Vista is stunningly beautiful but San EldePuente is paradise.

"Lola Feli.." she immediately ran towards her lola. Nagmano s'ya rito bilang paggalang bago niyakap ng mahigpit ang matanda. She missed her lola so d*mn much.

"Papatayin mo ako sa higpit ng yakap mong bata ka." Ngumuso s'ya sa sinabi ng lola nya.

"Miss na miss ko na po kayo lola." Naglalambing nyang usal sa matanda.

"Ako ba'y pinagloloko mo, pagkakatanda ko'y ayaw mong tumira rito sa San EldePuente." She turned her gaze away on what her lola said. Hindi talaga s'ya sang-ayon sa pagtira nila sa San EldePuente. Nasa Sta. Vista ang buhay na nakasanayan na n'ya, ang mga kaibigan nya't pag-aaral. Kung pupuwede lang sana na roon narin s'ya magkolehiyo pero kailangan sila ng lola n'ya kaya wala na syang magagawa. Narito na s'ya.

"Sige at pumasok na tayo sa loob at ng makapagpahinga na kayo, alam kong pagod kayo sa biyahe."

She walked straight towards her room and threw herself on her bed. Wala nang bawian, labag man sa loob nya na umalis ng Sta. Vista, narito na s'ya. She knew it will never be easy, but she'll try. She doesn't want to be selfish, kailangan sila ng lola nya eh.

***

Hindi nya maiwasang mapabuntong hininga habang mariing pinagmamasdan ang malawak na unibersidad ng San EldePuente ang Unibersidad TRAVICIO SALAZAR.

Unibersidad TRAVICIO SALAZAR or UTS.

Ngayong araw kasi ang enrollment ng mga freshman sa kolehiyo. Isa pang buntong hininga bago nya na kumbinsi ang sariling pumasok na.

Ramdam nya ang mapang-usisang mga mata ng iilan, but the h*ll she care. She walked with so much confidence and grace. Napairap s'ya sa hangin, ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Tss. Diretso s'ya sa registrar office na nasa ikalawang building pa, para mag-enroll, iyon kasi ang sabi karatulang nakapaskil sa gate kanina. She stomped her feet in annoyance, it's her first time at kung minamalas ka nga naman at naligaw pa s'ya.

Hot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon