Air
It was a normal day for her, gigising ng maaga, do her morning routine, hindi na s'ya kakain at diretso na sa opisina. She's wearing her usual office attire. She's thirty minutes early and knowing her workmates mga palaging late o 'di kaya'y sakto sa oras ang pasok.
She was humming a song as she walked toward her cubicle but to her surprise– the cubicle is neat and clean... and... and her stuffs aren't there anymore! W-what happened?!
Natanggal ba s'ya trabaho? Ng hindi nya nalalaman? F*ck no! She's one of the best Engineer of ZEC! They can't fire her, no!
Nag-file ba s'ya ng resignation paper habang tulog? At tinanggap ni Engineer Zuestro yung resignation paper nya at pinirmahan? Mas lalong hindi! This can't be happening!
Hindi makapaniwalang napatitig s'ya sa cubicle na malinis at wala ng laman. Tanggal na ba talaga s'ya trabaho? Pero... pero... HINDI P'WEDE! Magrereklamo s'ya! Maproprotesta! At sisirain ang reputasyon ni Mayor! Tama, kapag hindi s'ya pinabalik sa trabaho sisirain nya ang reputasyon ni Mayor! Ipagkakalat nyang bakla si Engineer Zuestro!
"Good morning, Draccie!" Naiiyak na hinarap nya si Kate at Lily na kadarating lang. Awtomatikong rumihistro ang gulat sa mga mata ng mga ito ng makita ang itsura nya.
"Anong good sa morning?" She sobbed and wiped her invisible tears. Mabilis syang nilapitan ng dalawa at dinamba ng yakap.
"Anong nangyari?"
"Bakit ka umiiyak?"
"Pinaasa ka ba ng crush mo?" Wala nga syang crush, iisa lang ang gwapo sa paningin nya si.... si ano... basta, secret lang.
"Niloko ka ba ng jowa mo?" Paano naman s'ya lolokohin eh wala naman syang jowa.
"Nabuntis ka at hindi pinanagutan?" Paano nga s'ya mabubuntis eh wala nga syang jowa.
"Mamatay ka na?"
Mabilis na kumalas s'ya sa yakap at itinulak ang dalawa na mala-armalite kung makatanong. Sinamaan nya ng tingin si Kate na s'yang nagtanong kung mamatay na ba s'ya. Mamatay na talaga s'ya sa gutom kapag nawalan s'ya ng trabaho.
Itinuro ang cubicle na malinis at wala ng laman. Mabilis ng gumuhit ang gulat sa mukha ng mga ito at nagtatanong ang mga matang pinukol s'ya ng tingin.
"Natanggal ka sa trabaho?" Gulat na asik ni Lily na syang unang nakabawi sa pagkabigla. Kibit balikat lang ang naisagot nya dahil hindi nya rin alam kung ano ang nangyayari. Kung saan napunta o dinala ang mga gamit nya.
"Hindi ko alam." Iwas nya ng tingin.
"Pero paano ka nila sisibakin eh isa ka nga sa best Engineer ng ZEC?" Nahimigan nya ang pagtataka at inis sa boses ni Lily. Yeah right, they can't just fire her like that!
"Nag-resign ka?" Si Kate na nakabawi na. Umiling s'ya bilang sagot sa kaibigan. Why would she file a resignation paper, mahirap makapasok sa ZEC, mataas ang sweldo. Hindi s'ya matatangkang mag-file ng resignation dahil nakadepende na s'ya sa sariling kita mula nang gumaduate s'ya ng kolehiyo at nagtrabaho.
"Hindi." Ikinuwento nalang nya sa dalawa ang nangyari mula nang dumating s'ya sa department at naabutang ganun na ang ayos ng cubicle, walang laman at malinis. Napatango ang mga ito pagkatapos ay nagtaka rin kung bakit at kung ano talaga ang nangyayari.
"Good mornings!" Boses ni Jerry na kadarating lang. Sabay sabay silang napalingon sa cubicle nito.
"Oh bakit biyernes santo ang mga mukha nyo? Hindi ba kayo natuhog kagabi?" Maarteng sabi ni Jerry at pinagtaasan sila ng kilay. Napangiwi silang pareho ni Kate, napabrutal talaga ng bibig ng baklang 'to. Si Lily ngingiti ngiti lang, she flinched at Lily's reaction, mukhang alam na nya kung bakit maluwag ang ngiti nito.
BINABASA MO ANG
Hot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEO
RomanceHot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEO Sporting his alluring smile that captures every woman's heart. Wearing his costly dark blue suit, he walks like a Ruler full of might and audacity. Showcasing his perfectly-groomed dark brown hair, his...