19

11.1K 252 8
                                    

Drunk



                         "Mahal ko ang anak mo!"

"Kung talagang mahal mo ang anak ko kakayanin mong magsakripisyo para sa kanya! Love is sacrifice! If you really love my son then you won't think twice sacrificing your love for him, for his future. I'll make sure that Travis will join politics soon and that will never happen if you are there to confuse his decisions. This is the best for the both of you, and Travis is still immature to let go of opportunities because of you! Masyado pang bata ang anak ko, at ganoon ka rin hija. What you feel is not yet deep enough, marami pang mangyayari at oras na lilipas at magbabago ang nararamdaman mo para sa anak ko. Kaya kung talagang mahal mo s'ya lalayo ka para sa ikabubuti nya."

"Kapag nilayuan ko ang anak mo, titigilan mo na ba ang pamilya ko?"
            
"Yes."

Hinarap s'ya nitong namumula ang mga mata. He's hurting, God knows how much she wants to ease his pain. God knows how much she wanted take back everything she said. Gusto nyang bawiin ang lahat ng kasinungalingang binitiwan nya, gusto nyang bawiin ang masasakit na salitang narinig nito mula sa kanya.

Pero huli na, huli na.

Paulit ulit na sinasaksak ang puso nya ng makita ang pagbagsak ng butil ng luha mula sa mga mata nito.

"Y-You.... I loathe you!" Tinalikuran s'ya nito, at humakbang palayo kung saan s'ya nakatayo. She wanted to run to him, hug him and to tell him how much she love him, but she didn't, she stood there hurting, dying watching him walking away from her.

"Travis," She whispered. Nanghina ang tuhod, hinayaan nyang mapaluhod s'ya sa lupa habang pinapanood ang papalayong sasakyan ng binata. Para syang pinapatay sa sobrang sakit...

"Travis!"

~

"Travis!"

"Draccie!" Naramdaman ang mahihinang tapik sa kanyang pisngi. Pero nahihirapan syang magmulat ng mga mata. Malayo na si Travis, malayong malayo. Hindi, hindi pwede!

"Travis! Travis!"

"I am here, Draccie." Hinihingal na inimulat nya ang mga mata. Natulala s'ya sa lalaking nakaupo sa gilid ng sofa kung saan s'ya nakahiga.

"You're having a nightmare." Marahang ani nito at puno ng ingat na pinahid ang luhang kumawala. Ilang minutong walang nagsasalita sa kanila. It's indeed a nightmare, dahil para sa kanya bangungungot ang mga eksenang iyon ng nakaraan. Bangungungot ang makita ang papalayong bulto ni Travis sa kanya. Masakit at nakakatakot, magpa-hanggang ng oras na 'yon.

"That must be a bad, bad dream that you keep on repeating my name." Iniiwas nya ang mata sa binata. Nakatungong bumangon s'ya mula sa pagkakahiga at lumayo ng kaonti kay Travis.

"How's your feeling?" Awtomatikong nag-init ang pisngi nya sa tanong ng binata. They kissed. Why did she let that happen? No, he took advantage of her! Kailangang kailangan lang talaga ng hangin kaya... kaya ginantihan nya ang halik ng binata. Palihim na nakagat nya ang labi, she can still feel his soft lips, the way it move on hers. His lips still taste the same– what she mean is okay na ang pakiramdam nya, bumalik na sa normal ang kanyang paghinga salamat sa halik– bw*sit!

"A-anong oras n-na?" Paos na tanong nya binata. Pinanood nya itong nagsalin ng tubig sa baso at iniabot sa kanya.

"One pm."

"One pm?" Hindi makapaniwalang tanong nya sa binata. Alas una na? Paano na ang trabaho nya, iyong opisina?

"Babalik na po ako sa office ko, sir." Sinuklay nya ang magulong buhok gamit ang daliri at handa ng umalis ng magsalita ulit si Travis.

Hot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon