10

11.8K 296 5
                                    

I'm yours





              Mabilis na naibaon sa limot ang issue, kasing bilis ng pagkawala ng mga kopya ng pictures sa social media at iba pang bagay na may kauganayan doon. Pero, para sa kanya napakabagal ng naging pagtakbo ng oras. Napakakupad lumipas ng araw. Dahil hanggang ngayon ay tila nawalan na s'ya ng ganang mabuhay. Hindi nya alam kung bakit pero iyon ang pakiramdam nya. Tila ba nawalan ng sigla at kulay ang lahat. Simula noong tuluyan na nilang pinutol ang ugnayan na meron sila ng binata, kung meron mang ugnayang matatawag sa namagitan sa kanila. Noong ihatid s'ya nito, iyon na, iyon na ang huling pagkakataon na nakausap nya ito at nagkalapit sila. Matapos ang tagpong iyon tinupad na ng binata ang mga bitiwan nitong salita. Tinupad na nito ang kagustuhan nya.

Kagustuhan nyang dapat na nilang iwasan ang isa't isa.

Nakakatawa lang, hindi naman nya ito gaanong kilala. Anak ito ng may-ari ng university kung saan s'ya pumapasok, ang pangalan nito, kung gaano ito kasungit at kaseryoso, bukod sa mga bagay na iyon ay wala na syang alam na kahit na ano tungkol sa binata. Pero bakit?

Bakit s'ya apektado?

Bakit s'ya nasasaktan?

Hindi nya alam.

Kung noon ay s'ya ang mag-iiba ng direksyon sa t'wing makakasalubong nya ito sa daan ngayon ito na mismo ang iiwas. Seeing him walking away from her, why does.. why does.. it h-hurts s-so f*cking bad?

Hindi na nya alam kung ilang araw, linggo o buwan na ba ang lumipas. Sheezzz, Draccie ano bang nangyayari sa'yo? Kastigo nya sa sarili. Mukhang hindi naman apektado ang binata kaya dapat ganun ri s'ya. P***ngina! She needs her old self back! Tama! Hindi dapat s'ya nagpapaapekto.

"Spacing out, again." She sighed. Iniwaglit nya lahat ng iniisip at hinarap si Ryde. They are currently sitting at the cafeteria.  Maluwag na ngitian nya ito.

"Oh so, my old Draccie is back huh?" Ngisi ni Ryde sa kanya. Oh d*mn ang drama ba nya? Bakit ba nya hinayaang maapektuhan s'ya ng hunghang na si Travis. After all, they aren't that close, so why waste her precious time thinking about him.

"Sa wakas, ngumiti ka na rin." Patong nito ng braso sa kanyang balikat. Tulad ng dating ginagawa ni Ryde, hindi ito uupo sa tapat nya at sa tabi nya uupo. Ow, gaano ba s'ya katagal naging drama queen? Mukha siguro syang ewan kapag nakatulala.

"Oh d*mn, I miss you!" Ryde, playfully kissed her on the cheek. Walang malisya ang halik na iyon. Isa pa, nasanay na s'ya sa paghalik ni Ryde sa noo o 'di kaya sa kanyang pisngi. Busangot nya itong tiningala. Bakit naman s'ya nito mamimiss? Palagi naman silang magkasama, para kasing tuko si Ryde kung magdidikit sa kanya.

"Bakit mo naman ako namiss aber?" Pabiro nyang pinagtaasan ito ng isang kilay. T*ngina ang drama ba nya nitong mga nakaraang araw? Now, pinagsisihan na nyang nagpaapekto pa s'ya.

"You look problematic this past few days, syempre namiss ko yung katarayan mo, haha!" Mas lalo lang nya itong sinimamgutan, katarayan talaga nya ang namiss ng g*go.

"Umorder kana nga lang dun, Ryde. Akala ko ba oorder kana?" Irap nya sa binatang malawak na nakangiti sa kanya. Nakaakbay parin ito, pero hinayaan nya lang.

"Nawawala kasi ako sa sarili kapag ngumingiti ka eh." Sinamaan nya ito ng tingin pero hindi na nya maiwasang mapangiti rin. Ryde and his cheesy remarks.

"Heh, ako na nga lang ang oorder." Pero sa pagtayo ay sumama si Ryde, dahil sa naakbay ito sa kanya. Pansin nya ang mga matang nakamasid sa kanila. Ang mga babaeng todo irap, malamang sa malamang mga tagahanga ni Ryde.

Nanatili itong nakaakbay sa kanya at sumabay sa paglalakad. Mabilis nyang dinungaw ang mga nakahaing pagkain doon. Nagkaroon na s'ya ng ganang kumain ng marami. Itinuro na nya ang natipuhan nyang pagkain, at inabot na sa kahera ang bayad. Si Ryde, nakaakbay parin sa kanya kaya wala na syang nagawa kung 'di hintayin itong makapili at makapagbayad.

Hot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon