Jealous
Ilang araw narin ang nakalipas matapos syang ihatid ni sir Trav, at ilang araw narin nya itong hindi na nakikita. Hindi sa gusto nya itong makita ah, nagtataka lang s'ya kung bakit hindi na nya ito nakikita o nakakasalubong man lang 'di ba? Hindi rin s'ya concern, okay?
And she's thinking of him again, iihhhhh nakakainis. Hindi parin s'ya makapaniwalang napaamo nito ang maladragon nyang nanay!
Pero, hindi kaya nagkasakit na 'yon?
But it doesn't concern her right? So, ano naman kung magkasakit ito?
Pero, pinagamit nya sa'yo yung coat nya para hindi ka mabasa sa ulan kaya s'ya nabasa.
Sheezzz! Stop thinking about that demi-god Draccie! Kastigo nya sa sarili. Mula kasi nung araw na 'yon ay hindi na s'ya tinantanan ng binata, at palagi nalang itong nanggugulo sa isip nya. Mabuti nalang at nakakapagfucos pa s'ya sa pag aaral dahil kung hindi, talagang titirisin nya gwapong nilalang na 'yon. Tss, why is she even praising that sexy creature, what she mean is that "jerk" h'wag kayong ano.
"Draccie!" Hindi na nya kailangang lingunin kung sino ang tumawag sa pangalan nya. She rolled her eyes heavenward and walked as fast as she can. Mas binilisan lang nya ang lakad at hindi pinansin ang paulit ulit nitong pagtawag sa kanya.
"Draccie Caterhine!" Hablot nito sa kanyang braso, marahas syang kumawala rito at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Draccie, please." Harang nito sa kanyang dinaraanan. Her face remained emotionless.
"Talk to me, please." Inihilamos nito ang mga palad sa mukha tila ba problemado. Malamlam ang mga matang nakatingin ito sa kanya, at marahang hinawakan ang kanyang siko ngunit muli nya lang iyong ipiniksi.
"Ano ba ang problema mo, Ryde?!" She annoyingly blurted out. Ilang araw narin nyang iniiwasan si Ryde, dahil sa nangyari noong nakaraan. Hindi nya maiwasang sisihin ito dahil kamuntik na syang mapahamak. Kung hindi lang dumating si sir Trav, baka kung napaano na s'ya. At isa ngayon lang nag sink in sa utak nya kung ano ang mga nalaman nya sa tagpong iyon. Specially, what does Hexxter's mark mean. Naiinis s'ya dahil sa wakas naiintindihan na nya kung ano ang ibigsahin niyon.
"Mag usap tayo." Kalmanteng sagot nito. Kaibigan nya si Ryde at ayaw nyang magalit dito, pero may mali sa ginawa nito.
"Pwede ba, Ryde, nagugutom na 'ko." Tinangka nyang iwan ito pero muli lang nitong hinarangan ang daraanan nya.
"No, let's talk. Tama na ang ilang araw na pag iwas mo sa 'kin." Hinablot ang pulsuhan nya at hinawakan iyon ng mahigpit. Tama lang para hindi s'ya masaktan. She sighed in defeat, nagpatianod nalang s'ya kay Ryde. Siguro tama ito, dapat na talaga nilang pagusapan ang tungkol sa nangyari noong nakaraan.
Dinala s'ya ni Ryde sa garden at pinaupo sa bench na gawa sa kahoy. Naliliman ito ng malaking puno ng acacia. Hanggang ngayon ay mangha parin s'ya sa ganda ng garden ng unibersidad, mayayabong ang mag puno, luntian ang mga damo na nagsisilbing sahig ng buong hardin at alagang alaga ang mga halaman roon.
Umupo si Ryde sa tapat nyang upuan at pinapagitnaan nila ang mesang gawa rin sa kahoy. Kumunot ang noo nya ng ilabas nito ang tatlong tupperware mula sa bag. Inisa isa nitong buksan ang mga 'yon. Ang naunang dalawang tupperware at may lamang kanin at ang huli nama'y may lamang ulam. Woah, boy scout ang g*go.
"Sabi mo gutom kana, bakit hindi ka pa kumakain?" Takang tanong nito ng hindi pa s'ya gumagalaw.
"Pinagplanuhan mo ba 'to Ryde? Mag uusap lang tayo 'di ba?"
"Let's talk while we eat." Nasukatan pa sila ng tingin bago s'ya sumuko at nagsimula nang kumain. Tutal gutom narin naman s'ya.
Nilunok nya ang pagkain sa bibig and settled her eyes at him.
BINABASA MO ANG
Hot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEO
RomanceHot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEO Sporting his alluring smile that captures every woman's heart. Wearing his costly dark blue suit, he walks like a Ruler full of might and audacity. Showcasing his perfectly-groomed dark brown hair, his...