Broken promises
It was a normal day for her and Travis. Susuduin s'ya nito sa umaga, papasok s'ya at matratrabaho naman ang binata. Sabay silang maglulunch at sa hapon naman ay ihahatid s'ya nito pauwi. She's thankful that Mrs. Salazar didn't bother her again. Matapos syang kausapin ng ginang na syang dahilan kung bakit s'ya napaamin na mahal nya si Travis ay hindi na s'ya nito ginulo pa.
Iyon ang akala nya.It was a normal day for her but not for her family.
Masaya s'yang nagpaalam sa binata ng maihatid s'ya nito isang hapon ngunit nung hapon ding 'yon ay naabutan nya ang mama nya at kapatid sa maliit na sala ng kanilang bahay, aligaga ang mga ito, tila ba napakalaki ng problema.
"Mama, ano po ang nangyayari?" Nag-alala syang lumapit sa sofa kung saan nakaupo ang dalawa at binitiwan nalang basta ang kanyang bag dahilan ng pagbagsak n'yon sa sahig. Nag-alala syang tiningnan ng kapatid. Nang magtaas ng tingin sa kanya ang kanyang mama ay halos pigain ang puso nya ng makita ang nagbabadyang luha sa gilid ng mga mata nito. Para sa kanya wala ng mas sasakit pang makita ang iyong ina na lumuluha bukod pa roon ay wala kang magawa para pawiin ang mga luhang iyon.
"M-mama?" She again asked. Umiling-iling ang kanyang ina at tuluyan ng umagos ang mga luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak sa mata ng ina.
"A-anak wala ito.." Iling muli ng mama nya, halatang pilit pinapakalma ang sarili.
"Mama naman, hindi kayo iiyak kung wala lang Ma?" Giit nya sa ina. Iniiwasan nyang pangunahan ng emosyon dahil papalalain lang nito ang sitwasyon. Pinukol nya ng nagtatanong na tingin ang kanyang kapatid ngunit nag iwas lang ito tingin kaya muli nyang hinarap ang kanyang ina.
"Mama!" Halos tumaas na ang boses nya dahil wala paring gustong magsalita.
"Anak ang p-prutasan natin sa palengke papalubog na..." nagulantang s'ya sa sinabi ng ina. Ang maliit na negosyo nilang prutasan nalang sila kumikita ng pera. Dahil hindi sapat ang kinikita ng kanyang papa sa pagko-contruction. Bakit? Papaanong malulugi ang prutasan kung bihasa na ang kanyang mama sa pagpapatakbo n'yon.
"Ano, kailan pa mama?" Halos hindi makapaniwalang tanong nya sa kanyang mama.
"Nung nakaraang linggo pa anak, nagsimulang maglipatan ang mga suking sa atin umaangkat ng prutas."
"At ngayon nyo lang sinabi sa akin mama? Paano ko kayo matutulungan kung hindi nyo naman sinabi sa akin? At isa pa hindi ba matagal ng sa atin kumukuha ng prutas ang mga 'yon?" Hindi parin s'ya makapaniwala sa nangyayari. Wala syang maisip na dahilan kung bakit nagsilipatan ang mga suki nila. Maganda at may kalidad ang mga prutas na inaangkat pa nila mula sa karatig probinsya. Pwera nalang kung sinulot ng mga kakompetensya nila sa negosyo ang mga suki nila o 'di kaya naman ay siniraan sila ng mga p***nginang kakompetensya!
"Pasensya na anak hindi naman sa hindi ko gustong ipaalam sa inyo, ang akala ko kasi maisasalba ko naman kaagad ang prutasan." Napahilot s'ya sa kanyang sentido. Ang nakapagtataka pa ay napakabilis namang nalugi ng prutasan at bakit tila plinano ang isa isang pagkawala ng kanilang mga suki. Sa isang linggo lang kaagad na nalubog ang prutasan.
"Mama pamilya po tayo, problema po namin kung ano man ang problema nyo." Naiyak narin s'ya sa kalagayan nila nung mga oras na 'yon. Niyakap nya ang ina at pilit itong pinapatahan. Alam nya kung gaano kaimportante ang negosyong iyon para sa ina, malaking sakripisyo ang pinuhan ng kanyang mga magulang para lang maipundar ang prutasan. Sa prutasan nalang sila kumikita para mabuhay, sa prutasan din nakaasa perang nakalaan sa pag-aaral nilang magkapatid. Kaya kung sakaling malugi ng tuluyan ang prutasan hindi sasapat ang kikitain ng papa nya at mapipilitan silang tumigil nalang muna na pag-aaral.
BINABASA MO ANG
Hot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEO
RomanceHot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEO Sporting his alluring smile that captures every woman's heart. Wearing his costly dark blue suit, he walks like a Ruler full of might and audacity. Showcasing his perfectly-groomed dark brown hair, his...