8

12.3K 270 3
                                    

Unknown number



                  Napilitan syang imulat ang mga mata dahil sa nakakasilaw na sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha mula bintana ng kanyang silid. Gusto pa sana nyang umidlip ng kaonti dahil madaling araw na s'ya nakatulog. Pumasok na s'ya ng banyo para maghilamos at magsepilyo. Sinuklay nya ang buhok gamit ang mga darili. Lumabas s'ya ng silid at tinungo ang kusina kung saan narinig nya ang tila nag uusap. Naabutan nya roon ang kanyang mama at lola Feli.

"Magandang umaga po." Bati nya sa mga ito. Abala sa pagsimsim ng kani-kanilang mga ang mga ito at ang kapatid nya missing in action naman. Naupo s'ya at sinalinan na ng pagkain ang kanyang pinggan.

"Kumain ka na riyan, para makaligo kana. Aba'y kung hindi ka pa gumising, bubuhusan na talaga kita ng tubig eh." Sarkastikong ani ng ina.

"Bakit po?" Wala sa sariling sagot nya sa ina. Wala namang pasok hindi ba?

"Aba'y kita mo ang batang ire, mukhang mas matalas pa ang memorya ng lola mo kaysa sa iyo." Turo ng mama sa kanyang sentido. Naghintay lang s'ya sa susunod nitong sasabihin dahil hindi parin s'ya makahuma sa nais nitong iparating. Iiling iling naman ang kanyang lola Feli.

"Naku, kay bata bata malilimutin! Linggo ngayon anak at magsisimba kayo kasama ng lola mo." Her mother tsked. Natampal nya ang sariling noo. Sa lahat ba naman ng pwedeng makalimutan nya ay iyong araw pa ng linggo. Doon lang rin nya napansin na nakabihis na ang kanyang lola Feli at ang kapatid nyang kakalabas lang ng silid nito na bihis na bihis narin. Nilunok nya ang natitirang pagkain sa bibig nya at nahihiyang ngumiti sa kanyang lola. Humarap narin sa hapag ang kanyang kapatid at pinukol s'ya ng nangaasar na tingin. Inirap nya ito at mas binilisan nalang ang pagkain. Bruha talaga ang kapatid nya kahit kailan. Gusto nga nyang tanungin ang mga magulang nya kung talagang kapatid nya ito eh, pakiramdam kasi nya ay ampon lang ang kapatid nya. Kasi s'ya maganda ang kapatid nya pangit!

Tinapos na nya ang pagkain at tumayo para bumalik ng kanyang kwarto. Dumiretso s'ya sa cabinet at namili na ng susuotin. Hindi naman s'ya nahirapan sa pamimili dahil simple lang naman s'ya kung manamit. Kinuha nalang nya ang puting round neck na t-shirt na at itim na denim jeans at saka paparesan iyon ng white na may konting touch ng sky blue na nike shoes.

Inilapag nya ang damit sa kama at pumihit na para pumasok ng banyo ngunit natigil s'ya sa paglalakad ng mag beep ang kanyang cellphone sa ibabaw ng side table. Binalikan nya ito at tsinek.

It was a message from unknown number? Her forehead automatically creased. Unknown number. She hesitated if she'll open the message, but at last she found herself reading it. And it says–

'Good morning, world.'

Mas lalong kumunot ang kanyang noo. World? Hindi kaya nawrong send lang ang sender? World, baka kasi para sa group chat iyon? Wrong send lang siguro, kibit balikat nya at pinatay na ang cellphone.

***

Tahimik nyang inalalayan ang kanyang lola Feli papasok ng simbahan. Ngunit hindi nya maiwasang tingalain ang matayog at medyo may kalumaan ng simbahan ng San EldePuente. Gawa ang simbahan sa purong ladrilyo (bricks). At kapansin pansin ang impluwensyang espanyol sa pagkakagawa ng lumang simbahan. Nasa tuktok ito ng burol at kailangan pang maglakad paakyat gamit ang hagdang gawa sa bato. Pagkarating mo naman sa tuktok ay may lalakarin nadaraanan mo muna ang napakalawak na hardin na hitik sa puno at halaman bago marating ang mismong simbahan.

Marami ang gustong maikasal sa simbahan, hindi lang dahil sa ganda nito kung 'di dahil sa sabi-sabing lahat daw ng ikinakasal dito ay nanatiling matapat at puno ng pagmamahal ang buhay mag-asawa. Tanda pa nya ang kuwento ng kanyang lolo Mario noon.

Hot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon