13

12K 263 3
                                    

Mrs. Salazar





                     Yes, it's magic. Loving him felt so magical. Because even how hard she tries not to fall in love.... to fall for him, still... she found herself loving him.... magically.
                    
Because it's magic when two people fall in love.

The scene felt so serial. Patuloy syang nalulunod sa mga malalalim na titig ng binata. Patuloy syang nabibihag ng pag-ibig at patuloy na nahuhulog palalim ng palalim. Napakalalim at natitiyak nyang hindi na s'ya makakaahon pa. Tanging ang tambol ng dibdib ang namumutawi sa kanyang pandinig, at si Travis lang ang naaabot ng kanyang paningin ng mga oras na 'yon. Tila ba nag-uusap sila gamit ang mga mata. Para bang may kung anong koneksyon na nagbibigkis sa kanilang dalawa.

Nagbalik lang s'ya sa reyalidad ng hindi na nya makayanan ang intensidad ng mga titig nito. Travis skillfully strummed the guitar for the outro and stood up. Nakakabingi ang sigaw ng mga studyante at medyo nagkakagulo na, pero ang kanyang buong atensyon ay nasa binata lang. Ibinalik nito ang gitara sa may-ari niyon at kumaripas pababa ng stage dahil dinudumog na ito ng mga studyanteng babae.

Nakita nya ang tila pagsenyas nito at ilang saglit pa ay naroon na ang mga guards ni Travis, pagkatapos ay nagpalinga linga ito sa paligid. Partikular sa kanyang direksyon, ng makita syang nakatayo parin s'ya kung saan s'ya nito iniwan, naglakad ito papunta at kanya at walang pasubaling hinila s'ya palayo roon.

"T-Travis.." lumingon s'ya sa kanilang likuran at nagiging-wild na ang mga studyante. Bakas sa mukha ng mga ito ang gulat sa pag aakalang si Ryde ang kasama nya at kung bakit sila tumatakbo palayo. Ang iba nama'y pilit na nilulusutan ang mga guards na nakaharang.

"Travis, wait lang–" she tried to stop him from running away but he didn't let her, instead mas binilisan pa ng binata ang pagtakbo habang mahigpit na hawak ang kamay nya. Hiningal na huminto sila kung saan nakaparada ang sasakyan ng binata. Binitiwan s'ya nito at pinatunog ang sasakyan, pinuksan nito ang pinto at itinulak s'ya papasok. Nahigit nya ang hininga ng abutin nito ang seatbelt at ito na mismo ang naglagay para sa kanya. Ang masaklap pa hindi ito kaagad umalis at tinitigan ang mukha nya.

"A-ano ba, Travis!" Paninita nya sa binata dahil hindi man lang nagpatinag sa paninitig sa kanya. Pigil nya ang hininga dahil sobrang lapit ng mukha nito sa mukha nya. Ano bang trip nito? Sa sobrang lapit nila ay tumatama na ang paghinga nito sa kanyang mukha.

Laking pasasalamat nya ng lumayo na ito at isinara ang pinto sa tabi nya. Patakbong umikot ito papuntang driver's seat.

Sa gilid ng kanyang mata ay nakita nyang hinihingal parin ito. Mabagal na ibinaling nya ang ulo para mas mapagmasdan ito. Hinubad nito ang maskara at iniitsa iyon sa backseat. Nakatingala na ngayon ang binata, bahagyang nakabuka ang bibig at kinakalma ang sarili. Nahuli nya rin ang paglunok nito at ang pagtaas baba ang adams apple nito. Parang bigla syang nauhaw. Sinundan nya ang malayang paglalakbay ng butil ng pawis mula sa noo ng binata pababa sa leeg nito, pababa sa dibdib– he's sweaty and she found it hot and at the same sexy–

"Seems like someone is enjoying staring at me?" Her cheeks turned into crimson red. Palagi nalang s'ya nitong nahuhuli na nakatitig dito. At napakalaki naman talaga kahihiyan iyon para sa kanya.  Nakakahiya. Mas lalong nag-init ang pisngi nya ng marinig ang mahinang pagtawa ng binata. Though she really like the sound of his laugh, for some reason her heart sways in delight everytime she hear his laugh.

"It's fine baby, you can stare or touch any part of my body...." Any part of his body? Ewan ba nya pero natagpuan nalang nya ang sariling nakatitig sa umbok sa pagitan ng mga hita ng binata. D*mn her for staring on that part! Mabilis na umangat ang tingin nya nang marinig sa mapang-asar na tawa ni Travis. She's really d*mned! Isa ka talagang malaking kahihiyan, Graccie, kastigo nya sa sarili.

Hot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon