17

10.2K 264 2
                                    

His friend

                 Hindi na s'ya nagtangkang bumalik pa sa office ni Engineer Zuestro, dumiretso s'ya sa Engineering department at naabutan ang mga kapwa Engineer na busy na sa kani-kanilang trabaho kasama ang team ng mga ito. Wala pa sila Ian at ang team nya dahil may inaasikaso pa ang mga ito sa San EldePuente. Nauna lang talaga syang bumalik ng Sta. Vista dahil gusto syang maka-usap ni Engineer Zuestro na nauwi sa hindi inaasahang pangyayari.

"Uy Engineer Delos Juenos welcome back!" Bati ni Oswald na syang unang nakapansin sa pagdating nya. She mouthed "salamat"

"Balita ko successful ang opening ng HVZ sa San EldePuente eh?" Kunwaring walang alam na tanong ni Jerry kay Drake. Bading si Jerry hindi nga lang halata dahil lalaking lalaki ito kung manamit at gwapo rin naman ang bakla. Gwapo pero gwapo rin ang gusto!

"Oo, successful daw!" Panggagatong naman ni Drake at makahulugan syang tiningnan. Pabirong inirapan nya ang mga ito at dumiretso na sa kanyang cubicle. Pero ang mga loko hindi parin s'ya tinigilan.

"Alam na, siguradong sumuweldo na si Engineer Draccie haha!" Natawa silang lahat sa sinabi ni Kate, alam na talaga.

"Baka naman share your blessing haha!" They all laugh on that. Mabubutas na naman ang bulsa nya sa mga buraot nyang katrabaho. Though it's fine with her, nakagawian na kasing nila na tuwing may tatanggap ng suweldo dahil sa successful na project ay kailangang manlibre. At ito na nga s'ya ang taya.

"Ano Draccie? Sa Luscious ba tayo?" Napahilamos nalang s'ya sa mukha gamit ang palad, napaka-demanding naman ng mga loko at sa Luscious pa talaga gustong magpalibre. Luscious is a high end bar, owned by a Billionaire-Bachelor. The bar only had few branches, sa kadahilanang ang bar ay para lamang sa mga mayayaman. Who wouldn't know Kapitan-Señor Tristan Russ Montemayor, a Billionaire-Bachelor who owns Luscious. Isang batang señor at kapitan ng Selvistre.

"Luscious tayo ha Draccie sa sabado!" Everyone cheered at nagsimula ng magplano kung ano ang gagawin sa sabado kahit wala pa naman s'yang sinasabi na pumapayag na s'ya. She's tsked. Napailing nalang s'ya at hinarap ang computer at ini-on iyon. Narinig nya pa ang tawanan ng mga katrabaho bago ang mga ito naghiwa-hiwalay at tumahimik na para magtrabaho. She sighed. Tsinek nalang nya ang mga projects na kailangang tanggapin ng team nya. Ni-review rin nya ang ilang sketches na galing sa mga Architect sa baba. She tried so hard to focus on working but her the scene earlier kept on replaying on her mind. D*mnit!

Image of Travis flooded her mind. His dark brown hair is bit longer the last time she saw him that was long time ago. He's still strikingly handsome though, he seem taller and broader too. Mas nadipena ang magandang hubog ng katawan ng binata. His dark-black eyes undoubtedly became darker ang colder. Mas naging matigas aat walang emosyon ang mukha nito. He acted like he doesn't know her at all, so she must do the same. Years had passed they shouldn't bring their past in the present and act like nothing happened.

Suddenly the way he look at her earlier made her heart sting. Hindi pa rin nya maiwasang masaktan nang maalala kung paano s'ya nito tinggan kanina. Ang mga mata nito ay nang-aakusa. Kahit wala naman syang ginawang kasalanan. She massaged her temple, so what if he misunderstood? Why does she even care right? Edi isipin nya kung ano ang gustong isipin! Wala na syang pakielam at wala syang ginagawang masama para magpaliwanag! L*ntik!

Wala nga syang kaide-ideya kung bakit naligaw ang binata sa opisina ni Engineer Zuestro. Wala nga pala syang pakielam!

Wala syang pakielam!

"Uyy! Draccie! May pambayad ka ba kapag nasira mo 'yang computer ang diin mo gamitin!" Napaigtad s'ya at mabilis na binawi ang daliri sa madiin na pagkakapindot sa keyboard ng computer. She awkwardly smiled at Kate na katabi nya ng cubicle.

Hot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon