4

12.7K 289 9
                                    

Salazar's




              "ARAAAAYY!" Daing nya ng bumagsak s'ya sa sahig. Mabilis pa sa alas kwatrong itinulak sya nito matapos syang sumubsob sa pagitan ng mga hita ng binata. Kahit nanakit ang likod at puwetan ay nakuha parin nyang samaan ng tingin ang binatang tumulak sa kanya. Mangiyak-ngiyak syang tumayo.
             
"Leave!" Umiigting ang pangang itinuro nito ang pinto.

"Aww," himas nya sa balakang na nanakit. T*ngina ang sakit, kapag sya talaga nabalian. 

"I SAID LEAVE!" she almost jumped in surprised. Kunot ang noong tinapunan nya ito tingin.

"Huh?" Wala sa sariling sagot nya. D*mn, nanuot ang kirot sa kanyang likuran. Matatalim ang matang sinalubong nya ang malamig nitong itim na mga mata. Bakit ito pa ang galit? Sya na nga itong nasaktan. Mukhang nabalian pa yata s'ya, himimas nyang muli ang nanakit nyang balakang. Anong klaseng mga braso ba ang meron ang binata at parang papel sya nitong naihagis. Wala naman syang ginagawang masama. Wala nga ba? Wala sa sarili tuloy syang napatitig sa pagitan ng mga hita nito.

Eh? Kanina naman hindi ganoon kalaki ang umbok roon pero bakit parang lumaki. Naningkit ang mga mata nya habang nakatitig roon, anong nangyari bakit lumaki? Saka nung tumama ang mukha nya roon bakit... bakit malambot na matigas, 'di kaya dumugo rin ang ilong nya. Kaagad na dumapo ang kamay nya sa ilong para icheck iyon kung dumugo ba. Kahahinga s'ya ng maluwag mabuti naman at hindi.

"Leave, Miss Delos Juenos," muling bumalik ang tingin nya rito. Nagtaka sya kung bakit biglang bumilis ang paghinga ng binata at tila hirap nang magsalita. Anong nangyari? Mula sa mga mata nito ay dumapong muli ang mga mata nya sa ibaba.

Hindi kaya... hindi kaya sya ang dahilan kung bakit biglang lumaki–? Hallah! Kaagad na nag-init ang mukha. Pakiramdam nya'y umakyat na ang lahat ng dugo nya sa katawan at napunta sa kanyang mukha. Nangibabaw na ang kahihiyan na nararamdaman ng sa wakas ay rumihistro na sa kanya utak kung ano ang kahihiyang kinalalagyan.

Nakakahiya! Bakit ba napakamalas nya!

She felt nervous all of a sudden. She finally realized what just happened. She is such a disgrace. Dahil sa kahihiyan at dahil narin sa matinding kabang nadarama ay mabilis nyang tinakbo ang pinto. Nanginginig ang mga kamay nya, dahilan para mahirapan syang buksan iyon. Walang lingong likod na lumabas s'ya ng opisina. Kabastusan man ay hindi na s'ya nag paalam pa.

She immediately ran towards their classroom, not minding everyone's curious gaze. Sapo sapo ang dibdib, nakarating s'ya roon. Habol ang hiningang napaupo nalang s'ya sa kanyang upuan. She can still feel her cheeks burning, and her heart's loud thud. Naguguluhan na s'ya kung kinakabahan s'ya o ano? Why the hell can't she stop her heart from beating so fast. She owns her heart right? Then why can't she control her own heart?

Buong araw syang wala sa sarili. Alam na kung ano ang dahilan. She tried so f*cking hard, she forced herself to focus but that scene keeps playing on her mind. Para ng  sirang plaka kung magpaulit ulit iyon sa kanyang balintataw. Inis na nasabunutan nya ang sarili, kahit katiting man lang ay wala syang natutunan ngayong raw. Bw*sit. At ang ikinababahala pa nya'y baka kung ano ang gawin sa kanya ng kumag na iyon, knowing that he owns this f*cking university. Baka ma-expell s'ya, ma-kick out o 'di kaya parusahan na naman s'ya. Arrrghh, minsan talaga pinapahamak s'ya ng sarili syang kapalpakan.

Marahas syang napabuga ng hangin. Bakit pulos nalang gulo at kahihiyan ang napapala nya sa tuwing susulpot si.... si Sir? Sir– ah basta.

First, he called her a kid, he even accused her flirting with Ryde. Second, that Bugatti veyron incident. And, lastly the scene inside his very own office. She puffed a breath, before forcing herself to move.

Hot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon