22

13.1K 299 30
                                    

Officially

                   Unti unting sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi habang kinakatok ang pinto ng kanilang bahay. Pinagkiskis nya ang mga palad dahil sa lamig ng pang-umagang simoy ng hangin, mula sa silangan'y sumisilip ang liwanag ng haring araw, binibigyang liwanag ang malawak na bukirin ng San EldePuente. Her smile grew even more when the door creaked open. Shocked was written on her mother's face upon seeing her.
                  
"Ikaw talagang bata ka bakit hindi mo man lang kami sinabihan." May himig ng pagtatampong angil ng kanyang mama. Sabay silang pumasok ng ina.

"Ano at biglaan ang uwi mo?" Puno ng kuryusidad na tanong ng kanyang mama, habang iginigiya s'ya sa kusina. Lihim na napangiwi s'ya sa tanong ng ina ng maalala ang dahilan kung bakit biglaan s'yang umuwi. Pinilit nya ang utak na mag-isip ng idadahilan kung bakit s'ya biglaang napauwi.

Dahil ang totoo ay tinakasan nya si Travis. Walang'yang lalaking 'yon! Nakakainis! Naramdaman nya ang pag-iinit ng magkabilang pisngi nya ng maalala ang mga pinagsasabi ni Travis sa kanya. Ang g*gong lalaking 'yon!

~

Kahit pagod at inaantok pa dahil hindi talaga nag-paawat si Travis kagabi ay napilitan pa rin syang magmulat ng mata dahil nagsisimula na namang maglakbay ang malilikot na mga kamay ng binata sa ilalim ng kumot.

"Travis." Suway nya sa binata. Tinapik nya ang naglilikot nitong kamay na kung saan saan na nakakarating

"Umalis ka nga!" Tulak nya kay Travis na pilit ibinabaon ang mukha sa leeg nya. Pinagtaasan nya lang ng kilay ang loko ng simangot na tiningala s'ya nito.

"Wala ka bang trabaho? Ha?" Inis na asik nya sa binata ng isubsob lang ulit nito ang mukha sa leeg nya.

"Ikaw ang gusto kong trabahuhin." Walang kagatol gatol na sagot nito. Wala talagang preno ang bibig! Kaya sa inis ay nasabunutan nya ang kulay kape nitong buhok.

"D*mn baby you're becoming more brutal!" Ani nito sa leeg nya at kunwaring inaayos ang buhok nitong magulo na.

Mag da-dalawang linggo na mula nang angkinin s'ya nito. Mula rin ng araw na 'yon ay hindi na s'ya pinayagan ni Travis na umalis o lumabas ng condo. Kinabukasan ng araw ding iyon ay pinalipat ng binata lahat ng gamit nya mula sa tinitirhan nyang condo. Hindi na s'ya nagtangkang tumutol dahil sa tuwing mag-aaway sila ay sa isang mainit na tagpo magtatapos.

Mag da-dalawang linggo na ring hindi pumapasok sa trabaho si Travis dahil tulad ng sinabi nito ay s'ya ang tinatrabaho.

"Wala ka ba talagang balak pumasok, ha Travis?"

"Pa-pa-pasukin mo ba 'ko?" Makahulugang saad nito at nakangising inangat ang ulo upang salubungin ang kanyang mga mata. Pinamulahan s'ya ng maintindihan ang ibigsabihin ng sinabi ng loko. Napakabastos!

"Bastos!" Pinalo nya ang braso ng binatang namamahinga sa kanyang tiyan at tangkang tatayo na pero hindi s'ya nito hinayaan.

"Buntisin nalang kaya kita para wala kanang kawala?" Her jaw dropped.

"What a bright idea right, baby? Oh so, I should start working on that!"

Hot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon