Magic
"Draccie! Bumangon ka na riyan! Ano ka bang bata ka tanghali na!" Malakas pa sa tilaok ng manok na sigaw ng kanyang Mama na sinabayan pa ng malalakas na pagkatok sa pinto. Umagang umaga daig pa nito ang ingay sa palengke sa kaingayan ng bunganga. Araw ng biyernes at walang pasok dahil sa "Huling Aliw".
Napagdiskusyunan ng student council na humingi ng isang araw para aliwin ang mga Seniors na g-graduate na ngayong taon, na hindi kaagad sinang-ayunan ng acting dean, which is Travis the kill joy. Nasa office kasi s'ya ni Travis nung araw na nagpunta ang buong student council, oo silang lahat, para humingi ng permiso ang kaso sinungitan lang ni Travis the kill joy ang mga ito. Kunwari lang syang may sina-submit kay Travis noon at kitang kita nya kung paano gumuhit ang pagkabigo sa mukha ng mga ito . But Travis the kill joy doesn't even care.Kaya hindi na nya napigilan ang sariling makielam at sinubukan nyang kumbimsihin ang binata na pumayag. Pero ang hunghang naisahan s'ya! Bw*sit ang mautak na lalaking 'yon.
~
"One day lang naman, Travis, pumayag kana kasi." Pangungulit ulit nya sa binata habang kasabay itong kumakain ng lunch sa office. Tinotoo kasi nito ang sinabi nitong palagi na silang sabay kakain ng lunch at palagi s'yang pinapasundo kay Mark, Mark Sanchez kasi ang buong pangalan ni Sanchez. Isa sa mga guards si Travis.
"Still no, Draccie" Kaagad na kumurba pababa ang mga labi nya. Ang sungit talaga.
"Isang araw lang naman ayaw mo pa?" Pinagkrus nya ang mga braso sa dibdib at dumistansya sa binata na dahilan para dumulas ang kamay nitong namamahinga sa baywang nya. Kaagad na sumama ang timpla ng binata sa ginawa nya. Ha! Ito pa talaga ang galit pwes galit din s'ya!
"Instead of wasting a day, bakit hindi nalang sila mag-aral huh Draccie, that's more productive than wasting a day for solace." He spouted, annoyed. Napairap s'ya sa hangin. Isang araw lang naman iyon.
"Isang araw lang nga, at isa pa hindi worthless ang isang araw na 'yon kasi mage-enjoy naman silang lahat! Experience is the best policy." Kung para sa binata ay sayang lang ang isang araw na ibibigay para sa mga Seniors sa kanya hindi. Kasi sa araw na 'yon ay madagdagan ang mga alaala na babauin ng mga ito. Madagdagan ang mga karanasan nila sa kasama ang isa't isa.
"No," hapit ng binata sa kanya pabalik sa tabi nito. Inis na s'ya kaya lalayo sana s'ya ulit, pero hindi na s'ya hinayaan ng binata. Sinamaan nya ito ng tingin, pero ang loko simaan din s'ya ng tingin.
His lips pursed and his eyes were dark. Wala ba talaga itong kaamor amor sa katawan? Nakakainis na talaga! Hindi man lang s'ya nito mapagbigyan. Palagi nalang ito ang nasusunod. Pakiramdam nya tuloy ayaw naman nito sa kanya, umaasa lang talaga s'ya na gusto rin s'ya ng binata. Nanubig ang mga mata nya sa ideyang 'yon.
Naputol din ang sukatan nila ng tingin ng umiwas na ito ng tingin at bumuntong hininga.
"Now, you're using that tactic on me?" Masama parin ang tingin nya sa binata, at tuluyan nang tumulo ang mga luha nya.
"Sh*t Draccie, don't cry. Okay, fine, fine pumapayag na 'ko. Just, please stop crying." He gently wiped her tears pero mabilis syang umiwas ng tingin. Ang totoo n'yan gusto lang nyang itago ang ngiti nya. Papayag din pala, paiiyakin pa s'ya. Tss.
"In one condition," she immediately turned her gaze at him, only to find out that he's now grinning ear to ear. Yung tipo ng ngiting may balak na kapilyuhan.
BINABASA MO ANG
Hot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEO
RomanceHot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEO Sporting his alluring smile that captures every woman's heart. Wearing his costly dark blue suit, he walks like a Ruler full of might and audacity. Showcasing his perfectly-groomed dark brown hair, his...