5

13.1K 306 20
                                    

Papag




             Malamig ang simoy ng hangin, madilim at tahimik ang tinatahak nilang daan dahil sa bawat pagpatak ng oras ay patuloy na lumalakas ang pagbuhos ng ulan. She took a quick peek on her wrist watch, it's already six thirty five. Sigurado syang nag-aala na ang pamilya nya dahil hindi pa s'ya nakakauwi ng bahay. Naging mabagal ang pagpapatakbo ng binata dahil sa basa at madulas na daan, hindi narin masyadong makita ang daan dahil sa lakas ng ulan. Hindi naman sobrang bagal, pero talagang nababagalan s'ya, para bang sinasadya iyon. Pinagkiskis nya ang kanyang mga palad at napayakap nalang sa sarili. Bukod kasi sa lamig ng panahon ay nakatodo parin ang aircon sa loob ng sasakyan.

"Cold?" He asked using his deep baritone voice. Malamig ngunit masarap sa pandinig. Tumango nalang s'ya at hindi na liningon ang binata, ngunit sa gilid ng kanyang mga mata'y nakita nya itong may kung anong kinakalikot habang ang mga mata'y nasa kalsada parin. Maya maya'y naramdaman nalang nyang hindi na masyadong malamig ang temperatura.

"Still cold?" Why do his voice sounds so sexy in a sudden? She doesn't know but she just found herself nodding again. Gusto sana nyang bawiin ang nagawang katangahan at sabihing okay na pero mabilis na tumama ang dark blue nitong coat sa mukha nya. Hindi s'ya nakahuma at nanatiling nasa mukha nya ang coat ng binata.

Amoy na amoy nya ang panlalaking pabango nito sa kumapit sa coat. Lalaking lalaki ang amoy, hindi matapang kaya masarap amoy- amuyin. Wala sa sariling sininghot singhot nya tuloy ang coat na naka saklob sa mukha nya. Ang bango.

"I thought you're cold, seems like you're enjoying inhaling my scent huh?" Nag init ang pisngi nya ng mahimigan ang panunukso sa boses ng binata. Nakakahiya ka Draccie! Dahan dahan nyang tinanggal ang coat nito sa mukha nya at naiilang na isinuot nalang ito. Nakakailang dahil titig na titig ang binata habang ginagawa nya iyon. Iniiwas nalang nya ang tingin at itinuon ang atensyon sa labas ng bintana.

"Aaaaaaahhhh!" Natutop nya ang bibig, hindi naman nya sinasadyang mapasigaw eh, madali lang talaga syang magulat kapag nakulog at nakidlat. Idagdag mo pang nasa liblib na silang barangay ng San EldePuente, pagkatapos niyon ay ang barangay nila. Tanging matataas na puno nalang ang nadaraanan nila.

Kaagad syang kinabahan at inilipat nalang ang tingin sa harapan, ngunit paglingon nya sa harapan ay nakakita s'ya ng tila bulto ng tao sa silong ng malaking puno ng acacia. Multo?

"Multoooo! Sir may multo! May multo!" Nagsimula na syang maglumikot sa kanyang kinauupuan, pero ang binata wala man lang reaksyon. Muli nyang nilingon ang puno ng acacia ngunit wala na roon ang nakita nya kanina lang. Nasaan na? Paano kung namamalikmata lang s'ya? Pero paano kung totoo ngang may multo at nakisakay na pala sa kanila? Ibigsabihin n-nasa b-backseat.. nasa backseat.. ang multo..

H'wag kang lilingon!

H'wag kang lilingon!

"May multo sa backseat!" Kinakabahang angil nya sa binata, habang mahigpit na nakahawak sa braso nito. Hindi pa s'ya nakuntento at pinisil pisil iyon upang makuha ang atensyon nito. Nang hindi makuntento niyugyog pa nya ang braso nito, na naging dahilan para gumewang ng kaonti ang takbo ng sasakyan.

"F*ck, stop that baby, mabubunggo tayo!" Angil nito at pilit ipinipiksi ang kamay nya sa braso nito. Ewan ba nya pero nagiging tuko talaga s'ya kumapit kapag natatakot, kaya hindi ito nagtagumpay na alisin ang kamay nya sa pagkapit sa halip mas lalo nya iyong hinigpitan at pinagpipisil.

"Uggh–fuck, stop squeezing my arms like that baby, you're–

turnin' me on." Pahina ng pahina ang boses nito kaya hindi na nya narinig ang huli nitong sinabi. Sa totoo lang wala rin naman syang naintindihan sa sinabi nito, aliw na aliw kasi syang pagmasdan ang mukha nitong tila nahihirapan. Saglit nyang nakalimutan ang takot sa multong nasa backsea, gusto nyang pamahagikhik at patuloy na pinipiga ang braso nito.

Hot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon