2

14.5K 320 9
                                    

Crime


She yawned for the nth time, pumangalumbaba s'ya at pinilit ang sariling makinig sa nakakayamot na discussion ni Mr. Guerrero. Isang linggo narin mula ng magsimula ang pasukan. Mahirap mag-adjust lalo na mga kaibigan. Everything went smooth, of course puwera nalang sa mga higad na pinag-iinitan s'ya dahil palagi nyang kasama ang university heartrob slash basketball Captain na si Ryde.

Though, she doesn't really care but those witches annoys the h*ll out of her. Ang sabi nya'y gusto nya ng tahimik na buhay university pero ito s'ya ngayon palaging ginugulo ng mga tagahanga ni Ryde. She's comfortable with Ryde kaya wala syang pakielam sa sasabihin ng iba at isa pa wala pa rin naman syang bagong kaibigan. Oh d*mn she miss her friends and their craziness. Medyo ilag rin kasi sa kanya ang mga babae dahil pa rin kay Ryde, kaya mga lalaki lang pumamansin sa kanya minsan. Kaya si Ryde lang ang meron s'ya, sa ngayon.

"That's all for today." Para syang nabunutan ng tinik sa lalamunan nang marinig ang boses ni Mr. Guerrero. Wala sa sariling pinagmasdan nya ang gurong ininiligpit na ang mga gamit nito. Sa wakas natapos rin ang kalbaryo nilang lahat sa nakakaantok na discussion nito. Tuluyan na syang nawalan ng gana, kaya tamad nyang iniligpit narin ang mga gamit. This her last subject for today. Uwian na! said the back of her mind.

Kanya kanya naring labas ang mga kaklase nya at kanya kanya ring plano ang mga ito kung saan magme-meryenda bago umuwi.

"Dating gawi ah!"

"Yup, meryenda bago umuwi haha!"

"Hahaha papalibre ka lang naman!" Masayang pag-uusap ng grupo nila Olga. Napahugot sya ng malalim na buntong hininga, miss na miss na nya ang mga kaibigan nya. They always does that before, eat and bond together before they go home. Narinig nya pa ang tawanan at tuksuhan nila Olga bago sila tuluyang lumabas ng classroom.

She just shrugged her shoulders as she walk towards the door. Pero tumaas ang isa nyang kilay ng harangan sya ng isang grupo ng mga babaeng mukhang prosti sa kapal ng mga make up at iksi ng skirt ng mga ito. They look like a clown d*mn, she laughed in her mind. Nanatiling wala emosyon ang mukha nya habang nakikipag sukatan ng tingin sa mga ito. Partida lima sila at nag-iisa lang s'ya.

"Ito ba?" Maarteng tanong ng babaeng nasa gitna, mukhang s'ya ang leader ng mga prosti na hitad. Tiningnan pa s'ya nito pataas pababa. She can't help but to roll her eyes.

"Yes, Darlin, s'ya nga." Inirapan s'ya ng isa pang bruha kaya inirapan nya rin ito. Just don't they dare to do something she won't like, she can be a b*tch if she wants to.

"Hindi ka naman kagandahan, ano namang nakita ni Ryde sa'yo at minarkahan ka?" Her forehead creased, ano bang sinasabi ng ulol na kaharap nya. Kasalanan talaga 'to ni Ryde. Whatever, but she won't let anyone look down on her.

"Hindi kagandahan? At least may kagandahan pa rin ikaw ba meron?" She said in a b*tchy tone. Told yah' she's a certified b*tch. Muntik na syang matawa ng makitang umusok ang ilong nito dahil sa inis.

"You..you witch doesn't deserve Hexxter's Mark sa akin lang si Ryde!" Tinangka nitong hablutin s'ya pero mabilis syang umatras kaya kamuntik na itong mapasubsob sa sahig. She puffed a breath, ano bang mayroon sa Hexxter's Mark na 'yon?

"Malandi kang babae ka inagaw mo si Ryde sa akin!" Natawa s'ya sa itsura nitong inis na inis sa kanya. Hahaha.

"Malandi, you're referring to yourself, aren't you?" She smirked evilly. Tiningnan nya rin ito pataas, pababa at pataas ulit.

"Paano ko naman inagaw si Ryde sa'yo? He's not even yours to begin with b*tch!" Patuloy nya. Namula ito sa galit dahil sa sinabi nya.

"At isa pa, sino namang matinong lalaki ang papatol sa mga katulad nyong mukhang asong ulol?! Bakit hindi nalang kayo sa club tumuloy 'di ba mas bagay roon ang mga suot nyong tira tirang tela!" Sa galit ay tinangka s'ya nitong undayan ng sampal but she's fast enough. Mabilis nyang sinalo ang braso nito, mahigpit nya iyong hinawakan at s'ya na ang sumampal gamit ang malaya nyang kamay. Gamit ang hawak nyang braso nito ay itinulak nya ang babae. Mabuti nalang rin at nasalo ito ng mga kasama nya't hindi ito bumagsak sa sahig.

Hot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon