14

10.5K 240 4
                                    

Rule me






                         Dahil sa tagpong 'yon sa rest house nila Travis ay naging ilag s'ya sa binata. Sabay parin naman silang kumakain ng lunch sa office, tuwing hapon ay ihahatid s'ya nito at kung minsan ay aayain s'ya ng date. Napapansin na rin naman ni Travis ang pagiging tahimik nya at malamig ngunit sa tuwing tatanungin s'ya nito'y sasabihin nyang okay lang at wala namang problema. Ang totoo, nasasaktan s'ya sa mga sinabi ni Mrs. Salazar, hindi nya maiwasang makaramdam ng higa at panliit sa mga salitang binitiwan ng ginang.

'So it's true, you are dating a mere student of UTS! Disgraceful!'

Nasasaktan s'ya dahil totoo. She is such a disgrace. Pero paano ba nya mapipigilan ang pusong nagmamahal? Paano ba nya patitigilin ang pusong mahalin si Travis. Dahil ba bata pa s'ya sa paningin ng lahat, she maybe is young, but she do knows how to love. Mali ba? Mali ba ang magmahal?

Siguro nga mali.. dahil hindi sila ang para sa isa't isa, nabubuhay sila sa magkaibang uri ng mundo. Siguro nga mali, dahil wala s'yang karapatang pangarapin ang tulad ni Travis na tinitingala ng lahat.

Tinitigan nya ang cellphone na kanina pa nagri-ring dahil sa walang tigil na pagtawag ng binata. Pero hindi s'ya nakahanap ng lakas upang sagutin ang tawag nito. Wala sa sariling naupo s'ya sa waiting shed kung saan madalas s'yang naghihintay ng masasakyan pauwi. Tumigil na ang pagri-ring ng cellphone. Siguro'y napagod na ito sa katatawag sa kanya kaya tinigilan na s'ya nito, pero hindi pa pala dahil sunod sunod na text ang natanggap nya mula kay Travis.

You're not answering my calls.

Where are you, Draccie?

Still in class?

Can you wait for me, I'll take you home?

Sasagot na sana s'ya na hihintayin nya ito pero natigil s'ya dahil sa paghinto ng magarang sasakyan sa kanyang tapat. Hindi sasakyan ni Travis, kabisado na nya ang mga gamit nitong sasakyan kaya ibinalik nalang nya ang mata sa cellphone para magtipa ng reply pero muli syang napatigil ng businahan s'ya ng sasakyan. Kunot ang noong napatingin syang muli roon. Sa hindi malamang dahilan ay kinabahan s'ya habang pinapanood ang pagbaba ng binata.

Mrs. Salazar! Marahas syang napalunok ng makitang si Mrs. Salazar ang lulan ng magarang kotse. Malinis ang pagkakapusod ng buhok ng ginang at pulang pula ang labi dahil sa lipstick na ginamit. Kapansin pansin ang walang kupas na ganda nito, ngayon hindi na s'ya magtataka kung bakit naksobrahan sa kagwapuhan si Travis. Walang emosyong nakatingin sa kanya ang ginang. Mula sa loob ng sasakyan ay nakita nyang may sinabi ito sa driver, tumango ang driver at bumaba ng sasakyan. Laking gulat nya ng lapitan s'ya nito kasabay ng pagsipa ng kaba sa kanyang dibdib.

"Madam wants to talk to you." Matigas na ingles ay seryosong ani ng driver sa kanya. Halata naman sa itsura nito ang pagkakaroon ng lahing banyaga. Hindi s'ya kaagad nakahuma sa sinabi ng driver. Pinangunahan s'ya ng kaba at takot. Bakit nga s'ya natatakot hindi ba? Wala naman syang kasalanan sa ginang, pero alam nyang hindi s'ya nito gusto.

Though, Travis assured her that his mother can't do anything about their relationship, or can't do anything about her, she's still afraid, after she is still his mother. Travis also assured her that he will protect her no matter what, but that was not enough. At sa itsura palang ni Mrs. Salazar ay nagsusumigaw na ng kapangyarihan.

Kahit kabado at walang kaide-ideya kung ano ang pag-uusapan nila ng ginang ay natagpuan nalang nya ang sariling nakaupo sa backseat kasama ang ginang. Halos sumiksik na s'ya sa pintuan dahil sa bigat ng tingin na ipinupukol nito sa kanya. She was looking at her with the same look the first time they met. Looking at her with disgust and displeasure. Hindi naman umimik ang ginang hanggang sa tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang maliit na coffee shop. Hindi naman ganun ka progreso ang San EldePuente, walang mall, shops at boutiques. Walang nagtatayugang gusali, katulad sa Sta. Vista. Maliliit na coffee shop at ilang restaurants lang ang makikita sa bayan, at tiyange o ukay ukay lang nagsisilbing mall ng mga tao.

Hot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon