1

19.8K 315 2
                                    

Bugatti



                   He left them dumbfounded. She cannot get over with that d*mn dark black eyes. She's still under his spell, under his power. Those fiercing eyes, that deep baritone voice, it can rule anyone in words. That.... strikingly handsome face, he's like a god from mount olympus.

P-Pero....

Pero....

Pero....

Pero....

Pero....

PERO TINAWAG S'YA NITONG BATA.. BATA!

Did he just called her KID? Hindi na s'ya bata! She secretly stomped her feet in annoyance. She's seventeen for f*ck's sake, she's not a kid anymore. Ito na nga s'ya at kolehiyala na tapos tatawagin lang syang bata ng gwapong 'yon, este, ng g*gong 'yon pala. She restrained herself not to burst in anger and annoyance.

"T-tara na," Nauna na itong naglakad, ng 'di s'ya tinatapunan ng tingin. Kitang kita naman nya ang namumuong pawis sa noo ng binata. Frightened? Bakit sino ba ang lalaking 'yon at pati si Ryde ay hindi man lang nakapalag. Nakasunod lang s'ya kay Ryde pero ang isip nya ay nasa lalaking may itim na mga mata parin. He look older than them, and has this dark aura. At mukhang hindi lang sya o si Ryde ang natakot kanina sa biglaang pagsulpot ng lalaking 'yon dahil pati rin naman ang mga tao sa paligid nila ay hindi naka-imik o nakatutol man lang. Ni wala nga syang narinig ni 'Ha' ni 'Ho' kanina.

Okay, she won't deny it, he's handsome pero napaka-pangit naman ng ugali. Bakit nya pinupuri ang hunghang na lalaking 'yon. He just misunderstood what he saw after all, they aren't flirting.. inuulit nya HINDI SILA NAGLALANDIAN AT MAS LALONG HINDI SILA PDA DAHIL WALA NAMAN SILANG RELASYON NI RYDE. Nag-init ang dalawang tainga nya sa galit ng maalala na naman ang sinabi ng ugok na iyon kanina.

"Draccie, we're here, pumasok kana para–"

So, stop flirting KID!

So, stop flirting KID!

So, stop flirting KID!

So, stop flirting KID!

SHE'S NOT A KID! Hindi na s'ya bata!

"Papatayin kita!!" She frustratedly fired. Honestly, she's killing him in her mind already.

"F*CK! DRACCIE!" Nagising lang s'ya kasalukuyan nang naramdaman ang pagpitik ng kung sino man sa makinis nyang noo.

"Ano ba Ryde, at bakit ka namumutla?" Angil nya sa binata habang hinihimas ang noo nyang sinapul ng pitik nito. Nanlalaki ang mga mata nito na tila nakakita ng multo at halos wala ng kulay ang mukha.

"You said you'll kill me? Are you serious?"

"Huh? May sinabi ba akong gano'n?" Patay malisya nyang sagot. Pero sa loob loob nya'y kinakastigo na nya ang sarili. Naisatinig pala nya iyong planong nyang pagpatay sa hunghang na lalaking tumawag sa kanya ng bata. Muling umusbong ang inis sa kanyang sistema, it's her fr*acking first time to be embarrassed like that. How dare that demigod do that to her. Demigod? What she mean is "demonyo" not demigod.

She shrugged her shoulders when she saw Ryde sighed in relief. Inimwestra ng binata ang pintuang may nakasulat na registrar office. Walang imik nalang na kumatok sya sa pinto at pumasok na. Nakangiting sinalubong s'ya ng registrar, tipid nya rin itong ginantihan.

Bayolente syang napabuga ng hangin. She knew it will never be easy adjusting, but she didn't expect na mag-enroll palang s'ya tinamaan na agad sya ng malas.

Hot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon