7

12.6K 269 2
                                    

Too good to be true



                       Kasalukuyan nyang pinupunasan ito ng basang towel ng maramdaman nya ang pag-vibrate ng cellphone nya sa bulsa ng kanyang pencil skirt. Hinayaan nyang nakalapat lang sa noo nito ang towel para hugutin ang kanyang cellphone palabas sa bulsa ng suot na palda.

Her forehead knotted upon seeing the caller's registered name. Ano naman kaya ang kailangan ng kumag na 'to? Tinapunan nya muna ng tingin ang binatang nakahiga sa sofa. Lukot ang mukhang nakatingin pala ito sa kanya. Inirapan nya ito at tinalikuran para sagutin ang tawag ni Ryde.

*Where the h*ll are you, Draccie?* Nahimigan nya ang galit sa tono ng pananalita nito. Napabuga s'ya ng hininga bago sinagot si Ryde.

"Uhm napatawag ka?" Tanong nalang nya, ayaw nyang sagutin ang nauna nitong tanong at baka sumugod pa ito sa opisina ni Trav at makita silang nag iisa sa opisina.

"Oh I see, hinahanap ka na ni Tyde? Hyde? Pride? Side? Guide? Oh whatever that d*mwit name is." Bulong bulong ng binata sa kanyang likuran na umabot naman sa kanyang pandinig. Gusto nya sana itong sigawan kaso nagsalita ng muli si Ryde sa kanilang linya.

*Where are you, wala ka classroom nyo. I told you, ihahatid kita 'di ba?* Napapikit s'ya ng mariin, oo nga pala. Umoo s'ya kanina ng tanungin s'ya ni Ryde kung okay lang na ihatid s'ya nito pauwi. Mag isip kana lang ng palusot, Draccie. Hindi nya pwedeng malaman na kasama mo si sir pogi, sir Trav pala, h'wag kayong ano diyan nadulas lang.

"S-sorry, ah ano kasi, Ryde–" napatigil s'ya sa pagsasalita ng bigla na namang sumingit ang boses ni Travis.

"Baby please be gentle, masakitUgh~" D-did he just m-moaned? Moaned? P*ta! Nasisiraan na ba s'ya ng ulo?! Aaarghh! sheez! Diyos ko na mahabagin, maawa ka! Awtomatikong pinanlakihan nya ng mga mata ang binatang ngingisi ngising nakatingin sa kanya. Matalim ang mga matang nakipagtitigan s'ya rito. Paano kung narinig ni Ryde 'yon? Ang kapal talaga ng mukha! Hindi ba s'ya nag iisip?! Kahit na kating kati na syang bangasan ang mukha nito'y mas pinili nyang kalmahin ang sarili. Takot syang baka mas lumala lang ang sitwasyon, sana lang hindi narinig ni Ryde ang pag ungol ni sir Trav–

*Draccie? Are you okay? Parang may narinig–* She immediately cut his words. Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa na todas itong adonis na prenteng nakahiga sa sofa. Nakatagilid na ngayon ang binata, nakaharap sa direksyon nya.

"A-ano may e-emergency dito b-bahay, oo may e-emergency." She bit her lower lip out of nervousness. Sana naman ay maniwala ito sa pasulot nya. Pero nanatiling walang imik ang nasa kabilang linya. Hindi ba s'ya naniniwala?

*Hope everything's all right?* Sincerely, Ryde stated. Nakangiwing napatango s'ya na para bang nakikita s'ya ni Ryde.

"Sige na Ryde, bye!" Hindi na nya hinintay ang sagot nito at pinatay na ang tawag. Doon lang s'ya nakahinga ng maluwag. Ngunit kaagad ding nag init ang ulo nya ng harapin ang binata sa sofa. Handa na syang bugahan ito ng apoy, ngunit natigilan s'ya. Hinaplos ang puso nya ng makitang yakap yakap nito ang sarili, nakapikit ang mga mata at nanginginig ang mga labi.

Sa totoo ay pwedeng pwede nya itong iwan at hayaan nalang. Pero hindi, hindi nya magawa. Ni hindi nya nga ito gaanong kilala, at puro kapalpakan ang ending sa t'wing magtatagpo ang landas nilang dalawa. But for unknown reason, she felt comfortable, safe and at peace with him, maliban nalang sa puso nyang naghuhuramentado sa t'wing naglalapit sila at ang boltaboltaheng kuryente kapag naglalapat ang kanilang mga balat. Tila ba may naguudyok sa kanyang manatili sa tabi nito at alagaan. She felt obligated. It felt like it is her obligation to take care of this living demigod.

Muli nyang sinulyapan ang binatang nakabaluktot na ng higa. Kahit naman sabihing mahaba ang sofa pero sa tangkad ba naman nito. She sighed and shook her head as she walk towards his swivel chair. Kinuha nya ang itim na coat na nakapatong sa sandalan nito at nilapitan ang binata. Ipinatong muna nya ang coat sa mga hita nito para tanggalin ang towel na nalapat sa noo nito at muli iyong inilublob sa maligamgam na tubig saka iyon piniga.

Hot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon