21

11.9K 278 3
                                    

Akin ka



                "K-kapag n-nilayuan ko ang a-anak mo, titigilan mo na ba ang pamilya ko?"
               
"Yes."

She promised that she will never push him away, that she will never let go him. She promised that she will fight for him. But here she is choosing the best for them, doing the hardest decision she'll ever do.

Silent cries are the most painful, she felt it as she silently cried reminiscing the days she felt happy and contented, it was the days she spent with Travis.

Promises are really meant to be broken.

"P-paano ako maka-si-siguradong t-titigilan mo na tagala ang pamilya ko, pagkatapos nito?

"I never go back to my words. H'wag kang mag-alala marunong akong tumupad sa usapan." Seryosong saad ng ginang. Nanghihinang tumayo s'ya sapo sapo ang kumikirot na dibdib. Wala s'yang ideya kung ano ang kahihinatnan ng magiging desisyon nya. Mahirap ngunit kailangan, nakakamatay ngunit wala na syang pagpipilian.

"H'wag mo na kaming gugulihin pa." Mahina ngunit puno ng diing asik nya bago tuluyang tinalikuran si Mrs. Salazar.

Luhaan at walang buhay na dumating s'ya sa kanilang bahay. Nagtatanong ang mga mata at puno ng pag-aalalang sinalubong s'ya ng kayang ina at ama.

"Draccie anak, a-anong nangyari sa'yo?" Tangkang lalapitan s'ya ng kanyang mama pero itinaas nya ang kamay bilang pagpigil na h'wag s'yang lalapitan. Napayakap nalang ang ina sa kanyang ama habang nasasaktang pinagmamasdan kung paano s'ya paunti-unting nadudurog.

"Anak." Malamlam ang mga matang ani ng kanyang ama. Tumingala s'ya upang pigilan ang mga luhang nagbabadya na namang bumagsak. Pilit na kinalma nya ang sarili bago muling hinarap ang mga magulang.

"Draccie, apo, ano't–" ayaw man nyang gawin ay pinutol nya ang iba pang sasabihin ng kanyang lola Feli.

"H'wag po kayong mag-alala sa akin, i-iyong prutasan po ang alalahanin nyo dahil nagawan ko na po ng paraan." Walang emosyon saad nya. Hindi na nya binigyan ng pagkakataong makapagsalita mga ito dahil mabilis s'yang tumalikod at tinungo ang kwarto. Pinipiga ang pusong napasandal s'ya sa pinto matapos iyong maisara.

Ano bang nagawa nyang kasalanan at pinaparusahan s'ya ng ganoon kabigat. Mali ba? Mali ba ang magmahal? Bakit?! Dahil kung mali sana, sana pinagbawalan nya ang sariling mahulog sa bitag ng pag-ibig. Kung alam nya lang sana na ganoon kasakit ang magmahal, tila paulit ulit na sinasaksak ang pira-piraso na nyang puso, nakaka-panghina, nakakamatay.

Tatlong araw.

"Anak, kumain ka na kahit kaonti lang, tatlong araw ka ng halos walang kain." Gusto nyang matawa tatlong araw, pero bakit pakiramdam nya isang dekada na ang lumipas. Bakit hindi pa rin nababasan kahit konti ang sakit na nararamdaman nya.

"Iwan nyo nalang po d'yan."

Isang linggo mula noong araw na iyon. Pero bakit pakiramdam kahapon lang, araw lang lumilipas at hindi ang bigat at sakit ng nararamdaman nya.

Hot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon